Chapter VIII - The Bomb (Part One)

18.6K 387 26
                                    

TERRENCE ALTAMONTE POV

"Alex!"

Si Nathan iyon. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala kay Ms. Bodyguard ng makita ang itsura niya. Saka ko lang naalala ang duguan niyang labi. Teka, bakit nakakaramdam ako ng guilt ng makita ko ang dumudugong labi ng bodyguard ko? Hindi ko naman ginustong iharang niya ang sarili niya upang saluhin ang suntok ng lalaki at makipagbasagan siya ng bungo sa mga ito.

"What the...?" nag-aalalang anas nito ng tuluyang makalapit saka hinawakan ang baba nito para tignan ang dumudugong labi.

Tsk! Ang OA naman ng isang 'to! Wait! Nandito din ang isang 'to? Did my father already know?

"I'm fine Nathan. Malayo sa bituka 'yan," ang pormal na sabi ng bodyguard ko.

Nga naman! Malayo sa bituka 'yan saka ang liit-liit lang ng sugat oh, huwag ka ngang epal! Isa pa, masamang damo 'yang bodyguard ko kaya hindi agad-agad mamamatay 'yan, baka ako pa nga ang mauna dyan dahil sa konsumisyon! Ngunit ganoon na lang ang pagngiwi ko ng kumuha ng panyo mula sa kanyang bulsa si Nathan sabay pahid sa nadugong labi ni Ms. Bodyguard.

Hindi ko namalayang nakasimangot na pala ako! Sobra naman kasi! Mag-PDA ba naman 'tong dalawang 'to! Napatingin ako sa bodyguard ko, nakangiti pa nga. LOL! Gustong-gusto naman!

"Parang konting dugo lang, nataranta na," ang inis kong parinig sa dalawang naglalandian sa gitna ng maraming tao! Tsk! Kainis! "Hindi naman niya ikamamatay 'yan!"

Napatingin silang dalawa sa akin. Pati sina Kenneth napatingin din. May sinabi ba akong mali? 

"Kung hindi ka tumakas, hindi mangyayari 'to!" ang angil ni Nathan.

Nagsalubong ang kilay ko sa tinuran nito. "Wala naman akong sinabing sundan n'yo ako, 'di ba!?" ang galit ko namang bulyaw sabay duro sa mukha ni Nathan. "Saka paano niyo nalaman na nandito ako? Tracking device? Naglagay kayo ng tracking device 'no?!"

Malakas nitong tinampal ang kamay ko sabay gigil na hinawakan ako sa kwelyo.

"Are you not worried about losing your job for assaulting your own client? Malas mo pa kapag tinanggalan ka ng lisensiya!" ang nanghahamon ko na boses maging ang ngiti ko.

He glares at me. Then ngumisi si Nathan pero may naaninag ako sa mga mata nito...galit? "For a person like you? Yes, it will be worth it."

Napalis naman ang ngiti ko. May laman ang mga salita iyon. Parang may nais itong ipahiwatig ngunit hindi ko alam kung ano. The first time na nakita ko ang side na 'to ni Nathan! He has always been the calm one.

"Teka Nathan..." tangkang awat ng bodyguard ko na nakahawak sa balikat ni Nathan.

"Ikaw na itong iniisip ang kaligtasan, ikaw pa itong mataas ang pride!"

"So what kung mataas ang pride ko? Problema ko iyon!"

"Tindi mo din! Masyado ka pa ring matigas kahit may nasaktan na ng dahil sa'yo!" gigil na sabi ni Nathan.

"Oy, simula pa lang sinabi ko nang ayoko ng bodyguard pero kayo din naman ang nagpupumilit sa mga sarili n'yo! Bakit ako sinisisi mo kung may nasaktan sa team mo? Kaya hindi ko na problema kung masaktan man kayo ng dahil sa akin since it's your responsibility afterall!" ang sabi ko naman.

Nagsukatan kami ng titigan ni Nathan! Nang biglang.....

*TOK*

Isang malutong na tunog ang dulot ng kung anong matigas na bagay na tumama sa ulo naming dalawa.

"Ouch!" ang nasaktan kong anas sabay himas sa ulo ko. Ang sakit n'un ha! Nabukulan ata ako!

Ganoon din ang reaksyon ni Nathan. Sabay kaming napalingon... sa bodyguard ko. Hawak-hawak pa rin ang tray na pinampalo sa amin.

Ms. Bodyguard 1 (SOON TO BE PUBLISH under TDP)Where stories live. Discover now