Chapter XVIII - The Ex

14.9K 346 38
                                    

ALEXIS ALEJO

"Bluaaarrrgggghhh!" ang biglang suka ni Terrence sa gilid ng harang.

Bahagya akong natawa sa naging itsura niya! "Sisiw lang ha? Ano ka ngayon?" tatawa-tawang asar ko sa kaniya.

Mayamaya'y tumigil na ito sa pagsusuka. Inalalayan ko siyang tumayo.

"Ayos ka lang?" nakangisi kong tanong.

"Ano ba sa akala mo?" angil niya sa akin.

"Oh, mukhang ok ka na nga," kaya binitawan ko na siya pero agad ko rin siyang nahawakan ng muntik na siyang mabuwal sa lupa. Tumingin siya sa akin ng matalim.

"Hindi ako ok, bulag ka ba?!" angil niya.

Ngumisi ako ng nakakaasar. "Kala ko ok ka na eh, kung makaangil ka na kasi riyan."

"Tsk!" palatak niya, nakasimangot pa rin siya.

"Huwag mo ako simangutan dahil wala akong kasalanan saka akala ko ba gusto mo magstart tayo as friends?" sita ko sa kaniya.

Sa narinig ay iminwestra pa nito ang pilit na ngiti. "Eto na nga oh, nakangiti na."

Napaangat ang gilid ng labi ko sa sinabi niya. Lokong 'to. Inuupo ko siya sa isang bench doon. "Diyan ka lang, ibibili kita ng maiinom," ang sabi ko ng makaupo na siya ng maayos.

Umalis ako sandali upang bumili ng tubig. Pagbalik ko ay nadatnan ko siyang nakasandal sa bench at nakapikit ang mata.

"Here." Abot ko sa kaniya ng tubig na agad naman siyang dumilat at kinuha iyon.

"Thanks."

Naumid ang dila ko sa sinabi niya. Wow, may pa-thank you. Wala akong kibong umupo sa bench. Lihim kong sinulyapan si Terrence, na muling sumandal at pumikit. Mukhang hilo nga talaga sya. Napabuntong-hininga ako saka tumingin sa relo ko, 4:30 pm na pala.

"Kung hindi mo pala kaya ang mga ganoong rides dapat sinabi mo, ayan tuloy ang napala mo. Kung minsan bawas-bawasan mo rin 'yang kayabangan mo," panenermon ko. "Umuwi na tayo," mayamaya ay aya ko na sa kaniya ng wala pa rin siyang kibo.

Ilang sandali pa itong hindi kumibo kaya hinayaan ko na lamang pagkatapos ay tumayo ito at binalingan ako sabay lahad ng kaniyang kanang kamay. "Tara, may pupuntahan pa tayo," ang nakangiti na niyang sabi.

Napaawang ang labi ko na nakatitig sa kaniya. Ano na naman at saan? Kung hindi lang ako bodyguard nito malamang ay iniwan ko na siya!

"Psh! Nangangalay na ang kamay ko!" mayamaya'y reklamo niya sa akin.

'Kala ko ba he wanted to be friends na? "Sinabi ko bang ilahad mo 'yang kamay mo, saka wala pang isang minutong nakalahad 'yan, ngalay na agad?" my tone was cold and sharp. Tumayo ako without taking his hand at nagpatiuna.

Subalit mas mabilis siyang naglakad dahilan para mauna siya sa akin kaya sumunod na lang ako. Dumiretso na kami sa parking lot. Muli tinahak namin ang mainroad patungong Mt. Busay. Maganda roon lalo na paggabi. 650 meters above sea level, sa Barangay Malubog in Busay, makikita mo ang 'Tops Lookout' they also called it as Tops Cebu. The popular tourist attraction that offers a breathtaking view of Metro Cebu and the islands of Mactan and Olango.

Pagdating namin sa Tops sa Mt. Busay ng patakipsilim na iyon napangiti ako sa tanawin. Mula sa kinaroroonan ko matatanaw ang kagandahan ng Cebu, it's really a breathtaking view! Ang sariwa at malamig na hangin na dumadapyo sa balat ko. Huminga ako ng malalim at ninanamnam ang sariwang hangin!

Tumingin ako kay Terrence na nakatingin sa magandang tanawin. Lihim akong napangiti, ngayon lang siya nakagawa ng tama. Pero bigla akong namula ng mahuli niya akong nakatitig sa kaniya.

Ms. Bodyguard 1 (SOON TO BE PUBLISH under TDP)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ