Chapter XIV - The Three Point Shot

18.5K 352 53
                                    

ALEXIS ALEJO

And he flicked me in the forehead.

"Tsk!" napasapo ako sa aking noo, though hindi naman iyon malakas.

"Lakas mo mag-ilusyon," ang kaswal niyang sabi sabay tikhim then he walked out.

O diba?! As expected, pero kung makapitik 'to parang close kami ha! Hindi pa kami bati.

Huminto si Terrence sa tapat ng pinto ng kanyang kwarto tapos muling tumingin sa akin ng masama. Adik talaga 'to. Bigla bigla na lang tumitingin ng masama!.

"Tss. Eh ano ngayon kung inlove ako sa'yo!" malakas na anas niya sabay bukas ng pinto at pumasok. Naiwan akong napanganga dahil sa sinabi niya!

Para yata akong ipinako sa kinatatayuan ko dahil sa shock!. I'm literally shocked!! Two confessions in one day?! Naipilig ko ang ulo ko. No, baka pinagtitripan lang ako ng lalaking 'yun! Oo nga! Halata namang trip na naman 'yun! Lol! So gusto niyang idaan sa ganito ang pangtitrip niya ngayon ha?Napahinga ako ng maluwang dahil sa naiisip ko saka ngumisi. Kala siguro niya maiisahan niya ako, hah, hindi 'no. But is he really sincere na makipagbati na sa akin and I lost that opportunity?

--------

TERRENCE ALTAMONTE

Pagkasara ko ng pinto, lumapit ako sa kama at padapang humiga.
Did I just tell her those words?! Sh*t! Is it counted as confession?? Sinubsob ko ang mukha ko sa unan! Anong pumasok sa isip mo at sinabi mo sa kanya 'yon? Bakit ka ba nagpadalus-dalos?!
Mayamaya ay napatihaya ako. Am I already falling for her? Is this love? Am I really inlove?

Maybe not! Of course I'm not in love!

But then, what are those feelings? Bakit kapag kasama niya si Nathan ay ganoon na lang ang nararamdaman kong galit, na ayoko silang makitang magkasama o magkausap man lang. And kapag napapatitig ako sa kanya, 'yung puso ko ang lakas ng tibok!
Maya-maya'y napangiti ako ng maalala ko ang naging reaksyon ni Alex. Hahaha! Hindi niya talaga expected na sasabihin ko 'yon! Pero- maniwala kaya siya? Paano kung.... isipin niyang trip lang ang sinabi ko? Lalo pa, para sa kanya lahat ng sabihin o gawin ko ay walang sincerity?
Bigla ako nakaramdam ng pagkadismaya sa isiping iyon. Napabalikwas ako!

The hell! Why am I disapponted if she thinks of it that way?

Muli akong napahiga. Saka naalala ko ang tagpo kanina, nu'ng hawakan ni Nathan si Alex. What am I feeling at that time? J-jealousy? Kaya hindi ko napigilang lumapit sa kanila?

"Nagconfess na kaya si Nathan sa kanya? What if kung magconfess si Nathan? Sasagutin kaya niya?"

May pag-asa kaya si Nathan sa kanya?

Damn it, Terrence! Of course, malaki ang pag-asa nito! They're both working in SS, they've known each other for long, mukhang financially stable ito at mataas pa ang rank sa SS! And you? Wait! Ugh! Bakit mo ikukumpara ang sarili mo sa taong 'yon?!

Why?

Because...
I'm already...
in trouble...

PAGKABABA ko para sa tanghalian, naabutan ko si daddy na nakaupo na sa hapag-kainan. Umupo na rin ako sa bakanteng upuan na naroon.

"Bakit ngayon ka lang bumaba?" malumanay na tanong nito na hindi man lang nag-abalang tignan ako.

"Tinatamad po kasi akong bumaba." katwiran ko at mukha namang naniwala ito. Inabot ko ang platong may lamang kanin tapos 'yong ulam.

Ms. Bodyguard 1 (SOON TO BE PUBLISH under TDP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon