Chapter XV - The Master and The Slave

18.9K 382 27
                                    

AGENT NATHAN
When I saw Alex this morning... she didn't look or even glanced at me. Nauunawaan ko naman. Hahayaan ko na muna siya, maaring naguguluhan pa rin siya hanggang ngayon. Saka ko na lang uli siya kakausapin.

Naihatid ko na si Governor Gerald sa loob ng Cityhall. Subalit naiwan ko ang cp ko sa sasakyan kaya bumalik ako sa parking lot. Pagdating ko, nakita ko si James nakatayo sa labas ng driver's seat, ito kasi ang driver ngayon at pinagbabantay ko rin ito ng sasakyan. Napansin kong seryoso itong nakikipag-usap sa phone.

Ngunit ng makita ako ay agad nitong pinatay ang cellphone na ipinagtaka ko.

"O, bakit mo binabaan 'yung kausap mo? Mukhang seryoso pa naman ang pinag-uusapan niyo," natatawa kong tanong dahil gulat na gulat din ang reaksyon nito ng makita ako.

"D-dumating ka kasi Captain, saka ano, hindi naman importante 'yon kaya binaba ko na lang," alanganin ang ngiti nito saka napakamot sa ulo.

"Ayos lang 'yon, basta ang mahalaga you always keep your eyes open. Mahirap na baka masalisihan uli tayo." Pagkasabi ko no'n ay pumunta ako sa left side ng suv, binuksan ko ang door ng front seat, naroon sa upuan 'yong cp ko. Matapos ko iyong makuha ay isinara ko na ang door at bumalik sa kinatatayuan ni James. "Babalik na ako sa itaas, ikaw na ang bahala dito," sabi ko and I tapped his shoulder.

"Sige Captain." sagot nito saka iniwan ko na ito.


---------
ALEXIS ALEJO
Hay...  Inaantok talaga ako, kasi naman, napuyat ako sa kakaisip sa mga nakakagimbal na nangyari kahapon!

Nakita ko si Nathan kaninang paglabas namin ng mansiyon, pero ng maalala ko ang nangyari kahapon parang bigla akong nailang dito. And I think he understand naman. I am not yet ready to talk to him. Hindi ko kasi alam kung paano ko maibabalik 'yong pagiging komportable ng pakiramdam ko rito gayong nalaman ko na may nararamdaman pala ito sa akin.

I release a big sigh!

Hindi naman pwedeng lagi ko itong iiwasan...Hay... Para masolve ang kasong 'to kailangan naming magtulungan and it means kailangan naming mag-usap. Isa pa nakatira kami sa iisang bahay lang.

"Hoy, Ms. Bodyguard!" ang boses ni Terrence.

Hay, ito pa ang isa. Ano kayang pwedeng ipagawa sa kanya ng tumahimik ang buhay ko?

Siguro iuutos ko na lang sa kanya na huwag siyang magsasalita buong araw.... napangiwi ako, baka mapanis naman ang laway niya. Eh kung iutos kong wag niya akong kausapin, baka sakaling tumahimik? Kaso baka imbes na tumahimik pasakitin naman niya ang ulo ko sa mga gagawin niya if ever!

Gusto niya akong maging girlfriend?
Lol! Ano kala mo sa akin, porke gwapo ka bibigay ako? Wow ha!

Naalala ko ang fake confession niya kahapon. Huwag ka ng mag-aksaya ng panahong pag-isipan 'yun Alex dahil wala iyong katotohanan! Tsk! Puro naman kasi kalokohan ang alam ng taong 'yan, kaya hindi mo malaman kung nagsasabi ba ng totoo o hindi. Teka nga, bakit ko ba pinoproblema kung totoo o hindi 'yun?! Seryoso akong nag-iisip kaya hindi ko talaga namalayang nasa tabi ko na si Terrence.

"MS. BODYGUARD!!!" malakas na sigaw ni Terrence sa tenga ko mismo! Napatingin sa amin ang mga tao sa gym.

"What the heck!" sabay tulak sa kanya na ikinaupo niya sa sahig. "That was too loud!" ang inis kong sabi sabay tayo. Adik talaga ang taong 'to! Sigawan ba naman ako sa tenga! Sa kanya ko kaya gawin 'yun?!!

"But you weren't paying attention! Kanina pa kita tinatawag!" galit naman niyang bulyaw sa akin.

"Tsk! Ano ba kasi 'yun?" nakasimangot kong tanong saka hinimas-himas ang tenga ko.

Ms. Bodyguard 1 (SOON TO BE PUBLISH under TDP)Where stories live. Discover now