Chapter XIII - The Confession

20.1K 359 49
                                    

ALEXIS ALEJO
Naiwan akong napatanga habang nakasunod ng tingin sa paakyat na si Terrence. What? Wala man lang siyang sagot sa tanong ko na yes or no lang ang choices! Did I do or say something wrong? Akala ko ba gusto niya makipagbati? So kunyari lang pala 'yon? Hah! Ibang klase talaga ang taong 'yon! Hirap basahin! Umakyat na rin ako at tinungo ang kwarto ko. Nakakainis basang-basa tuloy ako! Pumasok ako sa banyo at nagshower.

Habang nagshoshower naalala ko ang itsura ni Terrence kanina ng datnan ko siya paakyat ng second floor. Bakit bigla siyang umiwas ng tingin ng makita ako? Imposible namang may bumakat?!  Pagkatapos titig na titig sa akin? Ano na naman kaya ang nasa isip nu'n? Hindi ko naman kasi maarok ang sincerity niya! Tinapat ko ang mukha ko sa shower... mayamaya'y napatigil ako.

Hindi kaya....

Napailing ako. No, it's impossible, extremely impossible. Not him.... not someone with a personality like him! Look how he treated me! Hay naku! Alis! Alis! Bakit ko ba kasi biglang naisip 'yon! Masyado ka naman yatang naging illusyunada, Alex? Hindi siya ang tipong magkakagusto sa isang gaya mo, hindi nga ba ayaw niya sa sayo? Isa pa, kahit anong mangyari it's impossible for the two of us to reconcile.
At imposible rin namang magustuhan ko ang isang gaya niya, with the attitude like that? No way! Ayoko ng may dumagdag pa sa sakit ng ulo ko 'no! Meron na nga akong mga kapatid na sakit ng ulo tapos dadagdag pa siya if ever. Baka magpatiwakal na ako nun! Charot! Never kong gagawin 'yun dahil sa lalaki 'nu. Mahal ko ang buhay ko kahit pa lagi akong napapasabak kay kamatayan! Isa pa hindi ako ganoon kababaw pagdating sa lalaki.

But if si Nathan pa ang manliligaw.... pwede pa siguro  na magkagusto ako dahil mabait, caring, sweet at disiplinadoKabaligtaran niya....

Hay! Pero 'yun nga lang wala naman akong nararamdaman para kay Nathan. Just friends lang ang kayang ibigay ng puso ko.  Ni wala man lang sparks or bell na sinasabi nila, kapag ganun daw eh sign daw iyon ng destiny mo? Wag ka na ngang mag-isip ng ganyan Alexis, alisin mo na nga ang mga boys sa isip mo, focus on your mission!

Muli akong umiling-iling at mabilis ko ng tinapos ang pagshoshower ko... Sana naman tumawag na ang HQ at may maganda silang balita tungkol sa lokasyon ng taong iyon...


--------
RYAN SANTIAGO

Napalabas ako ng kusina ng marinig kong nagriring ang cp ko, nagluluto kasi ako... Nang tignan ko ang screen, number lang iyon... pero napangisi ako, alam ko na kung sino ang tumawag.

"Hello?" ang nakakunot-noong sagot ko sa cp.

"Ryan!" ang sabi ng nasa kabilang linya subalit halatang galit ito.

Bakit kaya o baka atat na naman ang taong 'to, may panibago na naman ba siyang ipapagawa sa akin? "O ikaw pala. May ipapagawa ka na naman ba sa akin?" ang nakangisi kong tanong kahit alam kong hindi naman niya iyon nakikita.

"Tarantado! Masyado kang naging pabaya! Hindi nga nakita ang pagmumukha mo pero nakunan ng cctv ang tattoo mo kaya ka nila nakilala!" ang galit na sabi ng nasa kabilang linya!

"A-ano?!" ang hindi ko makapaniwalang sabi na nanlalaki ang mata.

"Hindi ka nag-ingat! Magsuot ka ba naman ng kita 'yang tattoo mo! Nasaan ang utak mo! At sana tinignan mo muna kung may mga cctv sa paligid! Tarantado ka talaga!" muling sabi nito.

"Alam na ba nila ang kinaroroonan ko?" ang bigla kong tanong habang nanlalaki ang mata ko  at nagpalakad-lakad.

"Sa ngayon ay hindi pa, pero kapag nagtagal ka pa r'yan, mahahanap ka na nila. Kailangan mo munang lumayo at magtago. Mag-iisip ako ng paraan para mabaling sa iba ang kanilang atensyon, lalo na do'n sa babaeng bodyguard!" ang gigil na sabi ng nasa kabilang linya.

Ms. Bodyguard 1 (SOON TO BE PUBLISH under TDP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon