Chapter XXIV - The Safehouse (Part One)

11.7K 231 25
                                    

==========================

AGENT NATHAN
Alas-siyete na ng umaga. Nakapagbihis na ako maging ang apat ay nag-aayos na rin para sa paglilipat namin patungo sa safehouse. Palabas na ako ng kusina ng makita ko si Gov.

"Magandang umaga po, Gov." ang nakangiti kong bati.

"Magandang umaga rin , Nathan." ang balik-bati rin nito.

"Alas-nuebe po ng umaga ang alis natin patungong safehouse. Nakahanda at nakaplano na rin po ang lahat, naiconfirm ko na rin po iyon kagabi sa HQ. Ako, si Mike at si James ang makakasama nyo sa sasakyan samantalang sina Kyle, Joseph at Alex naman ang makakasama ng anak niyo. Halos isang oras at kalahati rin po ang biyahe natin patungo sa safehouse, at mabuti na iyong handa tayo sa anumang pag-atake kung sakali." ang mahaba kong paliwanag kay Gov.

Nagpatango-tango naman si Gov. "Maaasahan ka talaga Nathan. Sana nga lang matapos na ang lahat ng ito. Dapat ay mahuli na kung sino-sino ang mga nasa likod ng pagtatangka sa buhay namin. Salamat, Nathan." saka tinapik-tapik niya ako sa balikat at pumasok siya sa kumedor.

Humakbang ako patungo sa may sala kung saan naroon ang hagdan. Pagdating ko roon, napatingala ako patungong second floor...

Naisip ko, saan natulog si Alex, kung nasa kwarto niya si Terrence? Nasa kabilang guest room kaya siya?

Pero agad kong nakuyom ang kamao ko ng may biglang pumasok sa isipan ko... Hindi! Imposible! Hindi papayag sa ganuon si Alex! Napahawak ako sa handrail ng hagdan at hahakbang na sana ako ng may tumawag sa pangalan ko.

"Captain Nathan!" ang tawag sa akin ng isa sa mga kasamahan ko.

Nang lumingon ako ay nakita kong nakatayo si Joseph sa maindoor. Napatiimbagang ako...

"Ano iyon, Joseph?" ang walang sigla kong tanong.

"Tumawag ang HQ." ang sabi pa nito.

Napangiti ako... Pagkatapos naming ihatid sa safehouse si Gov ay babalik ako ng HQ.

"Tumawag ang HQ?" narinig kong sabi ng pamilyar na boses.

Napalingon ako at napatingala sa may second floor. Nakatayo si Alex at nagtataka ang nakabakas sa mukha nito.

"Ah, kasi humingi ng appointment si Captain kay Boss Kevin---" napahinto si Joseph sa pagsasalita ng pukulan ko siya ng matatalim na tingin, pagkatapos ay nakayukong umalis ito.

Bwisit! Bakit niya sinabi!

"Nathan? Balak mo ba talagang gawin iyon?!" ang pagalit na sabi ni Alex...

Hindi ako kumibo. Saka tumalikod sa kanya. "Wag kang mag-alala, hindi iyon ang dahilan kung bakit humingi ako ng appointment kay Sir Kevin. Napag-isip-isip ko rin na tama si Terrence. Kung kaya niyang magtiwala sayo, kaya ko rin." ang nakakuyom ang kamaong sabi ko. Sa totoo lang, natapakan ang pride ko dahil kay Terrence! "Basta Alex..." muli akong bumaling sa kanya. "Siguraduhin mong hindi ka... mamamatay dahil sa kasong ito."

Hindi makapaniwala si Alex sa sinabi ko pero maya-maya'y umaliwalas ang mukha nito ngumiti. Ngiting, nagpapabilis ng tibok ng puso ko at nagpapagaan ng kalooban ko...

"Hindi mo na kailangang ipaalala sa akin 'yan." ang nakangiti niyang sabi kaya ginawaran ko rin siya ng matamis na ngiti. "Salamat, Nathan."

Pagkasabi niyang iyon ay tumalikod na ako. Napalis din ang ngiti sa labi, madilim ang mukha kong lumabas sa maindoor...

----------

ALEXIS ALEJO
Ilang minuto ang lumipas... Matapos maayos ang mga gamit na dadalhin patungong safehouse, ibinigay ni Nathan ang earpiece at audio device sa akin. Bale iyon ang means of communication namin since sa motor ko ako sasakay. Nagbago na rin kami ng plano for the last minute. Isang van na lang ang gagamitin namin imbes na dalawa. Mas mapoprotektahan namin kung magkasama sa iisang sasakyan ang mag-ama. Natutuwa rin ako na hindi na niya itutuloy ang pagkausap kay Boss Kevin ngunit naroon pa rin 'yung feeling ng pagdududa.

Ms. Bodyguard 1 (SOON TO BE PUBLISH under TDP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon