Chapter XXVI- The Own Investigation

12K 224 22
                                    

ALEXIS ALEJO
"Welcome back, babe!" ang laki ng ngiti ng lokong 'to!

"BABE???!!!!" ang halos saby-sabay na bulalas ng mga ito samantalang natatawa na lang si Gov!

Bwisit! Bakit niya ako tinawag na babe sa harap ng mga ito at ni Gov?! Parang gusto ko ng lamunin ako ng lupa sa hiya! Sh*t! Kung pwede lang magteleport. Sigurado akong namumula na naman ang mukha ko!

"Kayo na?" ang halos sabay na tanong nina James at Mike na para bang nainigurado!

"Oo- ay hindi!" natataranta kong sabi na nakataas pa ang dalawa kong kamay!

"OO? Ibig sabihin ay bf mo siya?" ang namimilog pang tanong ni Myka na nakaturo ang isang daliri kay Terrence. "Wahhh!" biglang sigaw nito na ikinagulat ko. "Kelan pa?! Grabe! Kakapag-usap lang natin about sa boys, tapos... eto na agad? Wahh! Ano kayang magiging reaksyon ng mga co-agents natin pag nalaman 'to?! Gosh! Kinikilig ako!" ang kinikilig na saad ni Myka habang niyuyog ang bf na si Ian.

"Huh? Hindi Myka, wala kaming-" ang pilit kong singit sa mali niyang akala pero pinutol niya ang anupamang sasabihin ko!

"Congrats! Hindi ka na iilagan ng iba ngayon!" She giggled but I made a wry face. "Kinikilig ako sa inyong dalawa! I can't believe it na may boyfriend na ang aming Ms. Fearless!" ang hagikhik pa rin nito! "In fairnez, ang gwapo niya. Bagay na bagay kayong dalawa!" ang pilyang sabi pa nito!

Napanganga ako sa sinabi niya! Oo alam kong gwapo siya... pero bagay?

"Ang haba ng hair! Abot hanggang mars!" ang kantiyaw naman ni Ian! "Di ko akalaing magkakabf ka Alex. Puro kasi trabaho inaatupag mo. Pero ayan, kakaiwas mo sa love, dito ka rin bumagsak!" ang natatawang sabi nito.

Dati kong nakasama sa isang misyon si Ian at isang dakilang playboy! Nung magkasama pa kami dati sa misyon, walang ibang ginawa ang loko kundi ang tuksuhin at makipagflirt sa akin! Hindi naman siya umubra sa akin. Pero pagdating naman sa trabaho ay mahusay ito, at talagang organisado. Nagbago siya ng dahil kay Myka, sa katunayan ako pa ang naging daan para maging sila! Akalain mo 'yun, si Ian na playboy, biglang naging torpe, nababahag ang buntot at nauutal kapag nandyan na si Myka! And since Myka and I were friends that time, hiningi niya ang tulong ko para ligawan si Myka! O diba! Nung una ayaw sa kanya ni Myka, halos kalahating taon din yata niyang niligawan ito bago siya nito sinagot! Ganuon nga siguro kapag tinamaan ng love... kahit ang isang playboy ay maaari ring magbago kapag nagtagpuan na nito ang nag-iisang babaeng mamahalin!

Magsasalita pa sana ako ng may sumabat na naman!

"Hindi man lang namin nahalatang may relasyon na pala kayo?" ang nakahawak sa kanyang babang saad ni Joseph na nanunukat ang tingin!

"Oo nga, hindi ko rin nahalata. Kasi naman tuwing nakikita ko sila, parang aso't pusa sa pagbabangayan." ang napapailing namang sabad ni James.

"Sinabi mo pa!" Jospeh agreed.

"Talaga?!" Myka interrupts as her eyes open wide! "The more you hate the more you love lang ang peg!" natatawang sabi niya pa.

"Siyempre kayo ba naman magbangayan araw araw hindi kayo mahulog? Ihulog ko kayo sa bangin eh."

Napabaling kaming lahat kay Kyle na seryoso ang mukha na nakacross pa ang dalawang braso sa dibdib.

"Bumanat ka na naman, Kyle!" si Ian. "Buti hindi sumasakit tenga niyo dito." tatawa tawang sabi ni Ian. "Yung amin namang si Red, isang beses lang  magsalita sa isang araw!"

"Atleast sa inyo hindi dudugo tenga niyo sa rindi, samantalang itong sa amin tahimik lang kapag tulog!" banat naman ni Mike.

"Hep! Bakit napunta diyan ang usapan?! Nilalayo niyo ang usapan kina Alex!" nakasimangot namang 

Ms. Bodyguard 1 (SOON TO BE PUBLISH under TDP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon