Chapter XXV - The Safehouse (Part Two)

11.6K 257 36
                                    

ALEXIS ALEJO
*BANG*

Tumba ang lalaking may bigote nang tamaan siya sa noo ng balang mula sa baril ko. Gulat namang napasunod ng tingin ang lalaking kalbo sa tila slow motion na pagbagsak ng lalaking may bigote sa semento! Pagkatapos ay sa kanya ko naman itinutok ang baril na hawak ko, kinuha ko rin ang isa pang baril sa likuran ko saka itinutok rin iyon sa lalaking may tattoo na agad din nakarecover sa ginawa ko.

Punyemas! Muntik na ako kanina! Kung hindi ko nakita sa gilid ng mata ko ang pagtutok ng lalaking may bigote sa akin marahil ay ako na ang nakahandusay sa kalsada at naliligo sa sariling dugo!

Nakarinig kami ng mga putukan sa di-kalayuan kaya napatingin kami sa kalsadang patungong safehouse... maaaring nakaengkwentro na nila Nathan ang kotseng iyon!

Muli ko namang binalingan ang dalawa na nakatutok ang kanilang mga baril sa akin. Nagpapalit-palit ako ng tingin sa kanila. Kahit ganuon ay kalmado pa rin ako...

"Bitiwan nyo na lang ang mga hawak nyong baril at sumuko na lang kayo." ang kalmado kong ani. Actually, their faces are also familiar to me...

Nirecall ko sa isipan ko kung saan ko sila nakita! And yes, tama nga ako. Mga naging wanted na din sila!

"Gag* ka naman pala Miss e, kitang-kita naman kung sino ang mas dehado rito." ang nakakalokong ngisi ng lalaking kalbo! Tumawa naman ang isa pa nitong kasama.

"Nga naman, Miss! Kaya mabuti pa ikaw ang magbaba ng baril kung ayaw mong mamatay." ang nakakainis na boses ng lalaking may tattoo na may halong kayabangan.

"Huwag kang mag-alala, Miss. Kung hindi ka naman lalaban, bubuhayin ka namin, masisilayan mo pa ang mundo." ang ngising aso pa rin nito.

"Tsk! Baka kayo ang maging dehado rito?" ang pagmamalaki kong wika na may halong pang-uuyam sa tono ng boses ko.

Napalis ang ngisi ng kalbong lalaki! "Ano—"

"Hmm... puro pala mga wanted sa batas ang gustong pumatay sa pamilya ni Gov?" ang nakataas ang kilay kong tanong na may halong sarcasm. "Hindi naman talaga ninyo balak harangin ang muling pagtakbo sa pwesto ni Governor Altamonte, tama ba? Ang mga death threats na pinapadala ninyo ay isa lamang palabas upang mailihis ang mga imbestigador sa tunay ninyong motibo." pormal kong sabi.

Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon sa mga mukha nila. One down!

Napangiti ako. "Mukhang natumbok ko rin ha. Ang totoo, paghihiganti naman talaga ang tunay na motibo niyong lahat kay Gov, tama na naman ba?"

Pinanlisikan niya ako ng mata. "Ano naman ngayon?! Dapat lang na mamatay ang letseng Governor na 'yun! Masyado siyang nangingialam!" ang galit na galit namang saad nito.

Napaismid ako. "Aha, so si Governor Altamonte pa itong masama sa pagnanais niya na sugpuin ang mga gawain ng mga katulad niyo!" Bahagya akong natawa.  "Kita mo nga naman ang utak ng mga tao. Ang masama ay naging mabuti at ang mabuti ay naging masama. Ibig sabihin lang din ba niyan ay masama din ako dahil hinahadlangan ko ang mga plano niyo?" Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa labi ko. "Then killing you is a good deed?"

Nanlilisik ang mata ng kalbo! "Hoy, huwag mo kaming pinagloloko!" mas lalo nitong hinigpitan ang hawak sa baril.

Nagpapalatak ako. "Kung hindi kayo gumawa ng mga labag sa batas hindi naman kayo ipapahuli. Saka kung si Gov naman talaga ang pakay niyo, kailangan talaga damay ang buong pamilya nito? Ganoon ba kalaki ang galit niyo sa kanya kahit ang mga inosente ay nadadamay? At huling tanong, sino ang boss niyo?"

He smirk! "Bakit ko naman sasabihin 'yun, Miss?" ang nakakaloko niyang tanong.

Pakshet! Iniinis talaga ako ng bwisit na 'to!

Ms. Bodyguard 1 (SOON TO BE PUBLISH under TDP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon