Chapter XX - The Hideout

12.9K 269 23
                                    

TERRENCE ALTAMONTE

"H-hello! Nathan! Nathan! Anong nangyayari?! Nathan!"

Katatapos ko lang magbihis ng marinig ko ang malakas na boses ni Alex sa labas. Takte! Bakit ba tinatawag niya ang pangalan ng epal na 'yon?!

Nagpasya akong pumunta sa balkonahe at sinilip doon si Alex.

Nakita ko siyang hindi mapakaling nagpalakd-lakad habang may tinatawagan sa phone. Ano naman kaya ang problema niya? Muli akong bumalik sa loob ng kwarto saka dumaan sa pintuan at dumiretso sa may hagdan para lang matigilan ng makita ko ang pagpasok ni Alex mula sa pool area. Napansin ko ang pag-aalalng nakabakas sa mukha niya.

Ano kayang nangyari, saka kanina pa siya balisa eh? Nakita kong tinungo ni Alex ang maindoor, pipihitin na sana niya ang seradura ng pinto nang tawagin ko ang kanyang pansin.

"Alex!" ang malakas kong tawag sa kanya kaya napatigil siya at napabaling sa kinaroroonan ko. Patakbo akong bumaba sa hagdan patungo sa kanya. Nag-aalala kasi ako sa mga ikinikilos niya, parang may kung anong nangyayari. At saan naman niya balak magpunta?

"Terrence." ang usal niya ng makalapit ako sa kanya pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa kanyang maamong mukha.

Nangunot naman ang noo ko. "May nangyari ba? Mukhang hindi ka mapakali at bakas sa mukha mo ang pag-aalala at saan ka pupunta?" ang taka kong tanong sa kanya.

"Si Nathan." ang sagot niya na ikinais ko naman dahil narinig ko ang pangalang 'yon.

Pero hindi na lang ako nagsalita pa, hinayaan ko na lamang siyang ipagpatuloy ang sasabihin niya.

"Tumawag ang HQ kay Nathan, tungkol sa lokasyon ng taong naglagay ng bomba sa sasakyan nuon, pinuntahan iyon nina Nathan at Joseph pero habang kausap ko siya bigla akong nakarinig ng malakas na pagsabog! Tapos... tapos hindi na siya sumasagot sa tawag ko, even Joseph's phone. Kaya kailangan ko pumunta doon upang malaman na rin ang nangyayari." ang sabi nitong puno ng pag-aalala.

Alam kong hindi dapat ako magselos dahil sa nakikita kong pag-aalala sa mukha ni Alex para kay Nathan. Naiintindihan ko si Alex, kasamahan niya sina Nathan at Joseph kaya nag-aalala lang siya para sa kasamahan niya. Subalit hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng kirot sa puso ko. Saka kahit naman galit ako kay Nathan, ayoko rin namang may masaktan para lang sa pagtatanggol sa amin... Aish! Napaiwas ako ng tingin kay Alex.

"Tss! Fine! Puntahan mo na siya." ang malamig kong sabi at inilagay ko ang aking dalawang kamay sa bulsa ng suot kong pantalon. Pero ilang sandali ang lumipas muli akong napatingin kay Alex, nagtataka ako dahil naroon pa rin ito, nakatayo at nakatitig sa akin. "Bakit hindi ka pa umaalis?" takang tanong ko sa kanya.

"Mas nag-aalala ako sayo dahil baka kapag umalis ako, tumakas ka na naman." ang seryoso niyang sabi pero may concern sa himig ng boses nito... "Mangako ka. Hindi ka aalis ng mansyon!" ang dugtong na utos pa nito.

Napangiti ako, nalusaw na ang inis na naramdaman ko. Kung ganoon ay nag-aalala din siya sa akin! Nakakatuwa naman! Kaya naman ay tumango ako. "Oo, trust me. Basta bumalik ka kaagad at mag-iingat ka." 

She smiled back. Parang may kung anong malamig na kamay ang humaplos sa puso ko ng makita siyang ngumingiti para sa... AKIN.

"Kapag may problema, tawagan mo lang ako ha." sabi pa niya.

Tumango lang ako. Pumorma na ako para bigyan siya ng malupit na hug pero bigla na lang siyang tumakbo palabas ng maindoor. Takte! She just ignores me. Baka nahihiya lang siya. Para akong tangang napapangiti ng malaki sa isiping iyon. Di bale pagbalik na lang niya! Lumabas ako at nakita ko ang paglabas niya sakay ng kanyang motor. Hindi ako dapat mag-alala sa kanya dahil siya ang aking astig kong Bodyguard.

Ms. Bodyguard 1 (SOON TO BE PUBLISH under TDP)Where stories live. Discover now