Chapter XVI - The Magic Word

17.8K 328 13
                                    

TERRENCE ALTAMONTE

Pagpasok ko ng kwarto, mukha akong tangang nakangiting lumapit sa kama saka patihayang ibinagsak ang aking katawan. Nakatitig ako sa kisame at malaki pa din ang ngiting nakapagkit sa aking labi. Though I am tired but I don't care. All I can think of is... her!

Sh*t Terrence Altamonte! You are really in trouble!

Because this time, I finally learned my real feelings for her at hindi na iyon maipagkakaila pa.

I am in love with my bodyguard! pag-amin ko sa aking sarili.

---------

Kinabukasan...

ALEXIS ALEJO

Patakbo akong bumaba ng hagdan! Asar! 7 am na! Nalate ako ng gising! Kung bakit naman kasi hindi tumunog 'yung alarm clock! Napuyat kasi ako kakaisip sa nangyari kagabi------ wait, nasaan na ang mga tao dito? Umalis na ba si Gov? Eh si Terrence? Tinakasan na naman ako?

*SPLASH*

Narinig ko ang ingay ng kung anong malaking bagay na bumagsak sa tubig. Nanggagaling iyon sa pool area kaya humakbang na ako patungo roon at hindi nga ako nagkamali, may taong nagsuswimming at 'yon ay si Terrence. Teka wala ba siyang pasok ngayon?

Nakita kong kumaway sa akin si Terrence nang makita niya ako. Huh? Close tayo? Kung makakaway ka dyan! Tsk! Baka akala niya nalimuta- Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang matcho niyang katawan nang umahon siya!

Oh abs! Ay Nyemas! Ano bang pinag-iisip ko! Why my attention was drawn to his body?!

I resisted the urge to fan my warming cheeks!

Humakbang siya palapit sa akin ngunit para naman akong pinako sa kinatatayuan habang nakatitig sa gwapo niyang mukha! Wait, parang ngayon ko lang narealize na gwapo nga siya! Ilang hakbang na lang...

Huminto siya sa tapat ko. Nakangiti pa... ano na naman ang gusto nito?

"How's your sleep?" ang malambing niyang tanong na ipinagtaka ko.

Tumawa ako ng pagak. "Kelan ka-" napahinto ako sa pagsasalita ng mamatay iyon sa lalamunan ko nang masuyo niyang hawakan ang pisngi ko!

Pucha! What the hell's wrong with me? Dapat sinuntok ko na siya sa pagiging lapastangan niya! Ngunit bakit ayaw sumunod ng katawan ko sa sinasabi ng utak ko?!

Hanggang sa unti-unting nilapit ni Terrence ang mukha niya sa mukha ko!! Hahalikan niya ako!

ALEXIS ALEJO! MOVE, DAMN IT!

"Whhooa-"

*THUD*

"A-aray!!!" babalikwas sana ako ng bangon nang mapasapo ako sa noo ko dahil parang may tumamang matigas na bagay doon kaya muli akong napahiga! "Sh*t! Ano ba iyon?!"

"Ouch!" narinig kong bulalas ng isang boses!

Natigilan ako dahil sa narinig ko kaya mabilis akong napalingon habang sapo pa din ang noo ko! At ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang mapagsino ang nilalang na iyon!!! Si Terrence na nakaupo sa lapag habang sapo din ang sariling noo!

Napaupo ako sa kama. "Anong ginagawa mo dito?!" nanlalaki ang mata kong bulalas dahil hindi ko expected si Terrence dito sa kwarto ko! And how did he get here?!

Napatingin siya sa akin ng matalim. "Kanina pa kita kinakatok pero hindi ka sumasagot kaya pumasok na ako, baka kasi binangungot ka na!" ang angil niya sa akin! "Ang sakit ha!"

Ms. Bodyguard 1 (SOON TO BE PUBLISH under TDP)Where stories live. Discover now