Chapter 44. Kasal kasalan!

18.9K 553 45
                                    

3 Chapters to go! Kaunting push na lang, tapos na to. Kekeke~ Thankyou sa mga patuloy na sumusuporta sa story kong ito. Mwa :*

***

Yhannie's POV

As far as I remembered, wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Anong ako? Yung problema niya? Ako talaga? Wala nang mapiga yung utak ko sa kakaisip kung ano ba yung kasalanan ko sa kaniya at nagkakaganito siya! Hay buhay, parang life.

Napsimangot na lang ako. Pabigat ng pabigat yung dibdib ko. Nakakainis.

"Ano ba kasing problema ha?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ko naman sinasadya na haluan ng inis yung boses ko. Nakakairita lang kasi. Wala naman talaga akong ginagawa! Peace naman kami nung nakaraan ah?

Oh baka naman pinagtitripan niya lang ako? No, no, no! Masyadong seryoso ngayon si Luhan. Hays.

"Please Yhannie, wag mo muna akong kausapin." Malamig niyang sabi sa akin. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib ko. Wala lang siyang emosyon. He's cold. And it's stabbing my heart.

Bago pa tuluyang tumulo yung luha ko, tumalikod na ako. Shet! Iiyak ka na naman ba Yhans?

I took a deep breath, "Ganun ba? Pasensya ka na ha. Hindi ko talaga alam o maalala yung ginawa ko para ikagalit mo, pero sana kung ano man yung dahilan kung bakit ka nagagalit dahil sa akin, sana.. sana.. mapatawad mo ako. Wala akong itensyon na saktan ka. Sorry Luhan. " Tuloy tuloy kong sabi. Baka kasi sa oras na huminto ako, maiyak na ako. Kaya naman tumakbo na agad ako dahil ayoko namang ma-guilty si Luhan dahil umiiyak ako. Ang bigat lang kasi sa pakiramdam. Hindi nga ito ang first time na magalit si Luhan, pero ito yung first time na maging cold siya sa akin, yung mukhang wala siyang pakialam sa akin. Masakit.

Kasi yung puso ko parang binibiyak. Winawarak.

Okay naman na ah? Naayos ko na yung problema kay Changmin.

Tapos mangyayari to?

Luhan naman! Masakit sa akin ang makitang nagagalit ka, lalo na kung ako pa yung dahilan.

Bakit? Siyempre mahal kita.

--

Pang-apat na araw na ngayon ng School fest. Yup, mabilis ang paglipas ng araw.

Wala rin namang magandang nangyari noong mga nakaraang araw. Ganun pa rin. Nagshi-shift kami ng alas diyes ng umaga hanggang alas tres. Mas lalo pa ngang dumami yung customer eh, iba't ibang school ba naman. Hays. Kahit may exam, pupunta pa rin sila dito sa school namin para lang makita ang EXO! Bakit kayo ganiyan gurls? Nakakasawa kaya ang pagmumukha nila.

 
Joke lang. Sabihin niyo pang impokrita ako.

Kung babanggitin niyo naman ang pangalan niya, well, gusto ko na lang magpaiwan dun sa bahay. Gusto kong mag breakdown kasi masakit sa pakiramdam na, kasama mo nga siya pero parang wala ka lang sa kaniya. Para kang invisible, hindi niya nakikita. At ang sakit nun sa part ko. Pero wala naman akong dapat i-assume di ba? Nung una pa lang naman ganiyan na pakikitungo niya sa akin di ba? May pinagkaiba ba? Wala! Assuming ka masyado Yhannie! Sapakin kita eh.

Naging close naman kami kahit papaano ah? Pwede namang i-consider yun kung bakit ako nagkakaganito ngayon!
 

Ang hirap talagang intindihin ng mga lalaki. Hay, peste.

Pero mas mahirap talagang intindihin ang,

Love.

Masyadong komplikado. Masakit sa ulo.

Nevermind. Ayoko na munang magpakadalubhasa. Last day na kaya bukas! Let's enjoy this day na lang kahit hindi ko alam kung paano.

Dahil tapos naman na ang shift namin, gumala muna ako. Yeah, loner na naman. Busy yung EXO 'no. Si Baekhyun at Chanyeol magkasama. Si D.O at Kai, si Tao at Kris, si Chen at Xiumin, si Suho, Lay at Sehun. 

I'm a Maid of these Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon