Chapter 19. Sobrang saya ko!

25.7K 683 53
                                    

Luhan myloves -->

**

Yhannie's POV

UGH.

Ang sakit ng ulo ko. Urgh! Bakit ganito? Parang pinupukpok yung ulo ko sa sakit!

"Wooh! Nakaabot rin! Akala ko umalis na siya eh,"

"Oo nga. Ano kayang nangyari dito?"

"H'wag kayong maingay!"

Bakit ang ingay? May naririnig akong mga boses..

Boses lalaki...

LALAKI?!

Bigla akong napaupo nang marinig ko yung mga boses na iyon. Shet! Ang bigat ng ulo ko! Nakakahilo. Pwe! Sa biglang pagmulat ko ay sumakit lalo yung ulo ko. Teka nga----nasaan ba ako? Ang huli kong natatandaan ay nasa Detention room ako---

DETENTION ROOM?

OMYGOD!

"Buti naman at gising ka na, maayos na ba ang pakiramdam  mo?" Sino 'to? Ang blur pa ng paningin ko. Nang umayos-ayos ay napagtanto kong siya yung mukhang Leader ng Born to Beat.

"Sabi ng Nurse, nahilo ka lang daw kasi hindi ka pa daw nakakakain. Masama yun sa health, alam mo ba yun? Kaya dapat kumain ka sa tamang oras. Heto dinalhan ka namin ng pagkain," Myghad. Epekto ba ito ng sakit ko sa ulo? Ugh. Feeling ko lahat ng dugo ko napunta sa mukha ko. Bakit kasi sila ganiyan? Ang sweet eh. Hindi pa nga nila ako fully na kilala!

Ghaaad! Ang sakit pa rin talaga ng ulo ko. Shemay!

"Hoy, Miss! Magsalita ka naman! Maayos na ba pakiramdam mo?" Napatango naman agad ako doon. Kinakabahan ba  ako?

"Halika, ihahatid ka na namin. Madilim na rin kasi, at paniguradong hinahanap ka na ng EXO," Nang marinig ko ang salitang 'hinahanap' at 'EXO' Nag-panic agad ako. What the! Lagot na naman ako kay Mama Suho nito!

"Uhh, anong oras na ba?" Tanong ko. Sa wakas. Nagkaroon rin ako ng lakas ng loob ng magsalita. Pero yung boses ko, nakakahiya! Parang galing pa sa ilalim ng baul dahil sa paos. Grabe, hindi ako makatingin sa kanila nang maayos. Paano ba naman nandito si Peniel plus nag-gagwapuhang lalaki ang mga kasama ko! Hindi ka kaya kiligin?

"Six pm pa lang naman. Don't worry, lahat ng nade-dention isang oras ang parusa. Kaya safe ka naman sa EXO," Pa!no nila nalaman yun? Stalker ko ata silang lahat, hindi lang si Peniel. Rawr!

"Tara hatid ka na namin. Delikado para sa isang babae ang maglakad mag-isa, gabi na rin kasi." Sa--sabi...

SABI NI PENIEL! With matching glimmering eyes and shining killer smile! Shet na malagkit! Bakit ka ganiyan, Peniel? Myghad!

"H-ha? Hindi na! Kaya ko namang mag-isa," Ganiyan nga, Yhannie! Magpa-demure ka!

"Huh? Sigurado ka ba?" Napatango naman ako doon sa lalaking mukhang Leader nila. Clueless talaga ko sa kanila. Si Peniel lang naman kasi ang kilala ko.

"Oo nga pala, hindi niya pa pala tayo kilala," Mabuti at naisip mo yan. Verygood!

"Seo Eunkwang, Leader ng Grupo namin which is BORN TO BEAT." Sabi ko na nga ba! Siya yung Leader. Gosh, ang gwapo mo!

"Lee Minhyuk," Sabay smile sa akin. OMYSHEYT! Bakit ang gwapo gwapo niya? Katapusan ko na ba?

"Lee Changsub, pretty girl!" Tapos kumindat siya sa akin. WAAAH! Farytale ba ito? Tapos siya ang Prince Charming ko?

"Hello! Hyunsik here!" Isa pa siya! Hindi ko na 'to keri!

"Jung Ilhoon! Supp?" Ang cute niya! Oh shiz! Nakakinis na sila! Bakit baaaa!

I'm a Maid of these Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon