Chapter 1. Yhannie Lee.

42.8K 838 48
                                    

Yhannie Lee -->

**

Yhannie's POV

"Yah! Unnie! Nakahanap ka na ba ng trabaho?" Tanong sa akin ng kapatid ko. Hays! I eyed her a one apologetic smile.

"Hindi pa," Sagot ko. Sabay subo ng Lucky me pancit canton. 

"P-pero.. ka-kasi..Unnie.." I sighed.

"May activities na naman kayo?" Tanong ko. Simula talaga ng mamatay sila Eomma at Appa. Naging ganito na ang buhay namin. Buti na lang talaga at hindi naranasan ng kapatid ko yung naranasan ko noon.

"Opo," Sagot niya habang nakayuko. 

"Don't worry Nayie, hahanap na agad ng trabaho si Unnie, okay? Magbihis kana at ihahatid kita sa school niyo." Sabi ko sa kaniya sabay ligpit ng pinagkainan namin. 

"Sige po!" 

Hindi naman 'dapat' ganito. Kung hindi lang dahil sa masama kong Tita! Inalipin at inalipusta ako noong Tita ko noong bata pa lamang ako! Simula kasi noong mamatay sila Eomma, doon na ako pinatira sa tita ko, at sa kasamaang palad, MASAMA siya! Buti na lang at sanggol pa lamang si Nayie noon. Kaya heto, noong lumaki na si Nayie, umalis na kami sa puder ng tita ko. Doon nagsimula ang pagiging working student ko. 

"Tara na, Unnie!" Sabi ni Nayie at hinila na ako.

Sigh. Bakit naman kasi sa lahat ng napapasukan kong trabaho natatanggal agad ako? Maayos naman ako, ah! Baka lang ang costumer nila. Psh!

Oo nga pala, hindi pa pala ako nagpapakilala. I'm Yhannie Lee. 19 years old at 4th year college na. Culinary ang course na kinuha ko. 'Yun talaga ang gusto ko kahit na sayang sa pera, pero keri lang! 'Yung nakababata ko namang kapatid na si Nayie Lee, 10 years old at grade 4 na. Kami na lang dalawa ang magkasama namatay sila Eomma at Appa noong 12 years old ako at 2 years old naman noon si Nayie. Doon nagsimula ang miserable naming buhay.

---

Matapos kong maihatid si Nayie sa kaniyang school ay naglakad lakad naman ako. Baka kasi saakaling may makita akong Job dito.

Halos malibot ko na itong lugar na ito pero wala parin akong mahanap! Tadhana nga naman oh---

*Kriing*kringg*

Tunog ng cellphone ko. Kahit naman mahirap ako, may cellphone pa rin naman ako, ano!

"Hello po?"  Sabi ko. Unknown number lang kasi. Hindi naman ako kasing sama ng iba na hindi sinasagot kapag unknown number lang.

"Is this Ms. Lee?"  Lee? Ako yun 'di ba?

"Opo, bakit po?"  Tanong ko. Boses mayaman!

Narinig ko namang parang ipinasa yung phone.

"Yhannie? OH MY GOD! Remember me? I'm Tita Arlene! Bestfriend of your Eomma and Appa!"  Tita Arlene---? Then something flashback in my mind!

"Waaah, Tita! Kamusta ka na? Still maganda pa rin  po ba?" Siya si Tita Arlene! Ang pinaka maganda at mabait na bestfriend ni Eomma at Appa! Na-meet ko siya noong 10 years old pa lang ako at masasabi kong suuuuper close namin!

"I'm glad that you still remember me. I'm fine, Hija. Yes! Still dyosa parin! So, Yhannie? Can we meet this afternoon?" Si Tita talaga, oh!

"Haha! Sure po, saan po ba?"   Tanong ko.

"Sa isang coffee shop dito banda sa #143 EXtra-O St. Malabon City," Ay! Alam ko 'yung lugar na 'yun! Medyo malayo nga lang.

"Sige po Tita. Anong oras po?" 

"This 4:00 in the afternoon, you free?"  Ang ganda talaga ng boses ni Tita. Hindi mo mahahalang nasa Mid-30's na!

"Opo Tita,"

"Good. I'm sure you will like this..askhdkhskhdgh, Bye, Yhannie honey!"  Medyo hindi ko naintindihan yung sinabi ni Tita. Chappy! Ay, bahala na!

"Bye po, Tita!"  Pagkatapos ay in-end call ko na.

Ano kaya yun? Nakakacurious.

I'm a Maid of these Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon