Chapter 8. Ang nagluto at ang plano!

27.1K 684 56
                                    

Vote & Comment :)

Si Kyungsoo Oppa --> 

**

Yhannie's POV

"Ba-bakit nandito ka pa Lay?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya, "Hindi ba.. dapat?" Nauutal kong tanong, "Hi-hindi ka sumabay sa kanila?" Pero hindi siya sumagot, "U-uy!"

And for the 2nd time! Ginulat na naman ako ni Lay!

Hinawakan niya yung noo ko, at unti-unting tinanggal -yung mga kunot sa noo ko. Alam niyo 'yun? Yung parang unti-unting binabanat yung noo mo? para mawala yung pagkakunot. GANUN!

Gulat na tiningnan ko si Lay, what is he doing?

"Pangit sa isang babae kapag nakakunot ang noo niya, always wear your shiny bright smile, mas maganda ka," I felt my face heat up. Ano ba 'tong pinagsasabi ni Lay, hindi ako sanay na may ibang tao ang pumupuri sa akin, sarili ko lang! This guy is really different from others, "Saka, hindi masaya kapag mag-isa ka lang naglalakad," Nakangiti niyang sabi sa akin. O-kay, nakakawala ng badtrip 'tong lalaking ito!

"Here, tanggapin mo 'tong Ice Cream na 'to. Sasamahan na rin kitang maglakad," Bakit ba ang bait niya? Hindi ako kumportable!

Tinanggap ko naman 'yung Ice Cream na ibinigay niya. Pahirapan na ang libre ngayon, aba! Pero infairness, ang bait ni Lay. Nakakaiyak.

Saka, pansin ko si Lay lang ang hindi abno sa kanilang dose eh. Paano niya kaya nakakayang sumama sa mga baliw na iyon?

"Pwede na ba kitang tawagin? Gamit ang pangalan mo?" Nagtaka naman ako sa tanong niya. What? Wierd. Pero tumango na lang ako sa kaniya. Hindi ko naman ipinagdadamot ang pangalan ko.

"Hello! I'm Zhang Yi Xing --- Lay for short. Nice meeting you, Yhannie!" Masayang pakilala niya tapos ini-abot niya 'yung kamay niya sa akin para makipag-shake hands.

"I'm Yhannie Lee. Nice to meet you too, Lay!" Pakilala ko naman.

"So, friends Yhannie?" Nakakatuwa naman! Akala ko talaga baliw na lahat ng amo ko! But, here's Lay! Nakakainis lang kasi ang bait niya! Nadadamay tuloy siya sa mga ewan na 'yon.

"FRIENDS!" Masayang tanggap ko sa alok niya.

God, I have a new found friend!

---

Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay nadatnan naming nanunood 'yung iba.

Mukhang Horror 'yung pinapanood nila ah? Pero buti na lang at hindi sila kumakain. Kung hindi, talagang sasakit itong kamay ko sa paglilinis!

"OH, LAY! Dumating ka na-- kasama mo pala si Missy!" And in instant, lahat sila napatingin sa aming dalawa. Okay, ang weird nila. Whatever, inis pa rin ako sa kanila!

"Tsss! Kaya pala ang tagal, nakipag-date pa kasi!" Maktol ni Chanyeol. Bakit siya ganiyan ngayon?

"Nagugutom na kami, Miss! Magluto ka na!" Sigaw naman ni Xiumin.

Wow, galit ba sila? Dapat nga ako 'yung magalit sa ginawa nila kanina 'di ba? Nagka-benda tuloy itong kamay ko! At bakit ba sila Miss ng Miss?

"Please lang, may pangalan ako at 'yun ay 'Yhannie' hindi Miss o Missy!" Naasar kong sabi sa kanila.

Ewan ko kung bakit, pero nagulat sila sa sinabi ko. Nanlaki 'yung mga mata nila pati na rin 'yung butas ng ilong nila. Anong nakakagulat? Kahit cute sila sa expression nilang 'yan, nakakainis pa rin talaga!

Pumunta na lang akong Kitchen at nag-isip kung anong lulutuin.

Adobo kaya? Kare-kare? Minudo? Ah! Afritada na lang!

I'm a Maid of these Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon