Chapter 20. Special Chapter <3

24.8K 615 20
                                    

MERRY CHRISTMAS PO SA INYONG LAHAT! I LOVE YOU! <3

Special Chapter para sa magkapatid :)

**

Yhannie's POV

"GOOD MORNING SA INYO!" Masiglang sigaw ko. This day isa a special day!

"Saya natin ah? Problema?''  Medyo bangag pa ata si Baekhyun. Kakagising lang kasi.  

"Masaya nga 'di ba? Tapos problema? Are you kidding me?" Pamimilosopo ko sa kaniya.

"Oy! Umi-english si Yhannie babes ko! Bakit bihis na bihis ka?" Oh shiz! Para namang mga kabute ito! Susulpot na lang bigla. Bihis na bihis? Syempre!

"Special day kasi ngayon! Kai pare, hindi tayo talo ha?" Biro ko sa kaniya.

"HA? Hindi tayo t--talo? I-ibig sabihin...'' Tapos unti-unti siyang tumingin sa, sa.. ano ko! Shit!

Binatukan naman siya ni Xiumin, "Manyak mo rin Kai, eh! Ulul. H'wag kang maniwala d'yan Yhannie. Pinagti-tripan ka lang niyan!" Paano kasi tumingin sa *ehem* baba ko si Kai. Manyakis talaga!

"Yah! Hyung naman!" Nag-pout pa si Kai! Geez, bakit ang sexy niya pa rin kahit mag-pout? Kaso nga lang, manyak!

"Bakit ang ingay niyo?'' Sulpot naman ni D.O, and tentenenenen! Lahat sila sumulpot na. Grabe, si Leader Suho lang naman ang hinihintay ko.

"Bish! It's so noisy! Can you please shut up? I can't do my beauty rest! Ghad!" Okay. Shut up na daw sabi ni Kris gege! Gege, para lang siyang Hyung. Kay Tao ko yun natutunan! He he he.

"Lul Kris, itapon ko kaya mga drawings mo? Sabi naman ni Chen. Haaay! Umagang-umaga, puro badwords na sila. Ayoko pa, it's a special day for me!

"Hoy, hoy, hoy! Ano bang kaingayan 'yan!'' Sulpot naman ni Leader Suho. Ayan na siya!

"OMG! Tago na tayo! Nand'yan na si Tandang Suho!'' Sigaw ni Chanyeol. Gag---gegigogu talaga 'to si Chanyeol!

"Anong sinabi mo Chanyeol? TANDA? Ulol! Baka gusto mong itapon ko yang malaki mong tenga!" Wala na talagang matino sa kanila!

"Ehem! Nandito pa ako guys! By the way, Leader Suho? Hmm?" Putol ko sa usapan nila at sabay lahad ng kamay ko sa harapan niya. 

"HUH? Ah, oo nga pala! DAY OFF mo today!" Malakas na sigaw niya na para bang ngayon niya lang naalala. Mukha namang nagulat yung iba. Hindi ba sila aware? Day off ko! SAHOD DAY KO TODAY! 30,000,00! Oh My God! Here comes the money!

"Sahod niya ngayon! Ano ba kayo! Eto, enjoy!" Sabay abot sa akin ng tumataginting na cash! Wow, as in nag niningning yung mga mata ko. Ngayon lang ako nakahawak sa tanang buhay ko ng ganito kalaking pera. Dahil sa overjoyed ko, nayakap ko tuloy si Leader. Ang saya saya ko!

"THANKYOU LEADER SUHO!" Sabay takbo ko palabas. Pero napahinto ulit ako,

"NGA PALA! NAKAPAGLUTO NA AKO! KAIN NA LANG KAYO, HA? BYE!" At umalis na ako with a big smile in my face!

---

"La la la la," Nandito ako ngayon sa bahay. Nagluluto ako ng madaming ulam. Namiss ko talaga kasi si Nayie, kaya gusto ko siyang lutuan ngayon. Tapos ipapasyal ko siya sa mall! Kasabwat ko si Tita Arlene na dito ibaba sa bahay si Nayie.

5:30 na at malapit ng mag-uwian. Hinanda ko na yung mga pagkain sa lamesa at inantay ang pag-uwi ni nayie. Excited na talaga ak-----

*click*

OMG! Nandyan na si Nayie! 

"Bakit dito ako binaba ni Tita? Oh, bakit amoy pagkain? Bakit bukas ilaw? Hm, bakit----"

"SURPRISE!" Halatang nagulat siya sa biglaang pagsulpot ko. 

"A-ate?" Tumango naman ako at lumapit sa kaniya.

"Ate! Namiss talaga kita! Sobra! Miss na miss kita!" Napaluha naman ako ng marinig ko ang iyak ni Nayie. Grabe! Sobrang namiss ko yung kapatid ko. Ngayon nga lang pala kami nagkahiwalay nang matagal, ano?

"Shh, H'wag ka nang umiyak baby! May hinanda si Ate sayo!" Sabi ko sa kaniya at inalalayan siya para makapunta sa kusina.

"WOW, ATE! Ikaw ba may gawa nito? Namiss ko yung luto mo ate ate!"  Niyakap ko na lamang si Nayie. I missed her so much. 

"Tara kain na tayo. May pupuntahan pa kasi tayo eh!" Sabi ko na mas lalong ikinatuwa niya. 

---

MALL

"WOW ATE! Ang lamig talaga dito!" Sabi ni Nayie. Nandito kami sa WOF at heto, naglilibang muna. 

"Oo nga Nayie. Ang lamig lamig! Pasko na rin kasi! Oh, siya! Maglaro na tayo dali!" Sabi ko at pinaglaro ko siya doon sa may pukpok pukpok. Alam niyo yun? He he he. Naalala ko tuloy si Sehun!

"Ate! Ayoko na dito, pagod na ako! Gusto kong bumili ng damit!" Dahil iyon ang request ni Nayie ay pumunta agad kaming pumunta sa Kid Dress Botique at bumili kami ng mga damit niya. Pang school, pang simba, pang alis at kung anu-ano pa. Minsan lang kasi kami makapag-shopping na dalawa. Ang sayang makitang tuwang tuwa si Nayie. Nagbunga lahat ng paghihirap at pagod ko sa pagta-trabaho.

Malaking halaga ang pera na ito. Mag-iipon ako at mas lalo ko pang pagbubutihin. Para ito sa future ni Nayie.

Pagkatapos ay kumain rin kami sa Jollibee kahit kakakain lang namin. Nag-skating pa kaming dalawa. Oh, 'di ba? Feeling mayaman lang. He he. Gusto ko lang naman maranasan ng kapatid ko ang mga bagay na ito. Matagal din kaming nagkahiwalay kaya bumabawi ako. 

And, malapit na ang Christmas. kaya naman bumili na rin ako ng regalo para sa kaniya at para sa mga amo ko. Oo, bibilhan ko ang mga iyon! Haaaay. Tingnan niyo po Mama at Papa, natutupad ko na yung mga ipinangako ko.

Mama at Papa, pangako ko pong aalagaan ko ng mabuti at bubusugin ko ng pagmamahal si Nayie. Ipaparamdam ko sa kaniya ang isang tunay na pamilya!

"Nayie, masaya ka ba?" 

"Sobrang saya!" Napangiti naman ako sa sinabi niya. It's enough reason to live.

"I love you Nayie,"

"I love you too Ate! Mwa mwa!" 

Iniabot ko sa kaniya yung gift ko para Christmas.

"Ano ito, Ate?"

"Advance christmas gift ko sa iyo yan. Bukas kasi, aalis na ulit si Ate . Maiiwan ka ulit kay Tita Arlene," 

"Pero, ate! Christmas naman 'di ba? Mag-stay ka muna!"

"Sa 25 naman Nayie nandito ako. Gusto mo bang makilala yung mga amo ko? Mababait yung mga yun!" JOKE LANG! PWE, PWE! ANG BAD KO! NAGSINUNGALING AKO KAY NAYIE!

"Sige ba Ate! Sabi mo mga lalaki sila?" Mababait pa talaga ang sinabi ko. Grabe! Ang bad ko!

"Oo."

"GWAPO BA SILA, ATE? GWAPO BA? Gusto ko na silang makilala. Sa 25, ha?" Tumango naman ako kay Nayie. Doble doble na ang kasinungalingan ko. Gwapo? Oo! Pero hindi sila mabait!

Joke lang! Mababait silang tao. Paano na lang kaya ako kung wala sila 'di ba? Kahit naman mga abno yun. Tinuturing ko na rin silang pamilya ko.

Pero mukhang napasubo ako, ah? Papayag kaya yung mga yun? Tsk. Bahala na sa 25, Nayie. Kung papayag sila. Oh shiz!

I'm a Maid of these Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon