Chapter 35. Acting lang pala..

20.3K 558 53
                                    

Kung gusto niyo ng makaka-usap sa FB, add niyo lang ako! ^___^ Hindi ako snobbers :) http://facebook.com/erikabyunnie  

***  

Yhannie's POV

Pagkatapos kong ikwento sa kanila yung nangyari last 2 years sa akin at sa pesteng relasyon namin ay namuo ang katahimikan. Katahimikan na naman, pesteng katahimikan iyan!  

Nakayuko lang ako at mahinang umiiyak. Habang binabalikan ko kanina ang nangyari noon, hindi ko maiwasang masaktan! Ang tanga rin talaga nitong mga luha ko, eh! Tama na kasi! Tigil na sa pagtulo!

"Hindi ko sinasadya, Yhannie..." Binasag ni Changmin ang katahimikan. Napantig ang tenga ko doon!   

"Hindi mo sinasadya? Ang alin? Ang kadaling iwan ako mag-isa nang walang paalam? O ang makipag-break sa akin, tapos sasabihin mo ngayong hindi mo sinasadya?! Alin ba doon?! Hindi ko kasi magets!!!!" Sigaw ko sa kaniya. Nakakainis ka naman, Yhannie! Bakit ka ba umiiyak sa harap niyang lalaking na iyan?! Tama na yung humagulgol ka sa kaniya noon!

Pinipilit ko iyang ipasok sa puso at isip ko. B-bakit kasi ang hirap para sa akin?! Tapos sa kaniya ang dali lahat? Ang daling umalis at ang daling bumalik! Unfair naman yun, eh! Bakit ba kasi bigla na lang nag-flashback sa akin yung mga masasayang alaala namin?! Gusto kong magwala! Ang sarap niyang saktan!

"Pakinggan mo muna ako, please!" Nagmamakaawa niyang sabi. Ang unfair mo talaga kahit kailan,Changmin!   

Tumahimik na lang ako. Gusto ko naman talagang magpaliwanag siya. Gusto kong malaman kung bakit ang dali niyang iwan ang lahat! Kung bakit bumalik pa siya ngayon! Ano pang pakay niya sakin!

"Sorry, Yhannie. I was forced. I was forced to leave you.." Tahimik lang akong nakikinig. Pinilit...? "I'm engage, Yhannie! My mom forced me to meet my fiance that time! Nagmatigas ako pero sinabi nilang sasaktan ka nila pati ng kapatid mo! I don't fucking know what to do! Ayaw kitang mapahamak kaya nagsinungaling ako! I'm also broken! Nasasaktan din ako nung time na yun, Yhannie!" Gusto ko lalong maiyak sa hitsura ngayon ni Changmin. Namumula na yung mga mata niya.. para bang pinipigilan niya na lang umiyak. Valid ba ang reason na yun?!  

Pero b-bakit ngayon niya lang ito sinabi?! Ano bang akala niya? Na hindi niya ako nasaktan?!  

"That time, yung fiance ko may mahal ding iba. Nagtulungan kami para itigil ang engagement. Ngayon, tapos na! Nandito na ako ulit, Yhannie!"

"Isa kang malaking duwag, Changmin! Isa kang duwag! Ayaw mo akong masaktan? Shet! Oo, hindi pyshically pero, tae! Sinaktan mo ako emotionally and mentally! Ang sakit ng ginawa mo, Changmin! Ganun na lang ba talaga kadali sayo ang lahat? Ano ngayon kung naging sucess ang plano niyo? Babalik ka na lang dito tapos makikipagbalikan? Ganun ba ako talaga ako kadaling paglaruan?! Ganun ba ako ka-cheap?! Peste naman!"

Nakakaasar! Nakakabaliw!

"Hindi kita pinaglalaruan, Yhannie! I'm sorry! I'm truly sorry! Mahal na mahal pa rin kita.. please give me a one more chance.." Tumulo na naman yung mga taksil kong luha. Sinabihan niya lang naman akong mahal na mahal niya pa rin ako, ah? Ano ngayon? Hindi ka dapat magpa-apekto dahil doon, Yhannie! Matagal na kayong wala!

Yayakapin pa sana niya ako kaso bigla akong hinila ni Luhan na ikinagulat ko..

"Tama na ang isang sakit, pare!" Seryosong sabi niya kay Changmin. Naiintindihan niya ba yung nararamdaman ko? Siguro. Minsan na rin siyang naloko eh. Sino bang mas complicated? Yung sa akin o sa kaniya? Bakit ganun?! Ang drama ng buhay pag-ibig ko? Pero yung kay Luhan, ayos na agad!

Ganun na ba talaga kadaling mang-iwan kapag hindi mo na mahal yung isang tao?

Pero ako? Bakit ako ganito? Nakapag-move on na ako!

"It's none of your business!"  

"Sorry to tell you but, it is my business, right?" Sabay tingin sa akin ni Luhan. Bakit ganiyan siya ngayon? Epekto ba yan nung cupcake ko?

"Back off, dude! Problema namin itong dalawa!" Sigaw ni Changmin na mukhang nagagalit na..

Nag-aaway ba sila?

"Back off? 'Di ba dapat ikaw yun? Paano ako magba-back off? Hindi ba, wifey?" Nakakalokong ngumiti pa siya kay Changmin..

Pero... ano daw?---- Wifey?

Wa.. wa...

Wa..

Wifey?!!!!!!

Dug dug dug dug

ANO DAW?! Tumigil yung luha ko sa pagbagsak tapos bumalik sa mata ko! Hindi, joke lang! Malapit ko nang bangasan itong si Luhan! Bakit ba siya nagsasalita ng ganiyan? Anong language ba yan?!

Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko ngayon kasi seryoso talaga ako!

Pero.. pero! Epal talaga tong si Luhan!

Gusto kong ngumiti kaso magmumukha naman akong baliw nun!

"Yhannie? May masakit ba sayo? Bakit namumula ka?" Tanong sa akin ni Baekhyun.

Na..na.. namumula? Sinabi ko na nga ba! Peste ka, Luhan! Peste ka!!!!

Umiling lang ako kay Baekhyun tapos nagsalita na ulit si Changmin. Galit ba siya? Nakayukom na kasi yung kamao niya. Te-teka! Ano nga ba ulit yung pinag-uusap nila? Namin? Walang hiya! Hindi ko na tuloy maalala dahil sa pesteng Luhan na ito!

"Anong ibig mong sabihin, pare?!"

"H'wg kang slow! Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin!" Sabi ni Luhan sabay hila sa akin papuntang Entertainment room.

Habang umaakyat kami sa Entertainment room ay nakahawak pa rin siya sa kamay ko  Hanggang sa makapunta na kami roon.

Sinarado niya ang pinto at pinaupo ako sa lapag.

"Anong g-ginagawa natin dito?" Tanong ko. Bakit ako kinakaban? Malisyosa ka masyado, Yhannie!

"Psh! Kailangan mong bayaran yung acting ko kanina, ha! Mahal ang acting fee ko!" Sigaw niya sa akin. Nagkatitigan naman kami...

A-ACTING?

Acting lang pala yun!

Ha ha ha! Ang malisyosa ko talaga kahit kailan! Ang assuming ko masyado! Ha ha ha!

"Ahhhh," Nauna akong mag-iwas ng tingin..

"Anong okay?! Nagpanggap ako doon! Dapat bayaran mo ako! Yuck kaya! Saan ko ba nakuha yung wifey na yun?!----"

*BOOOOG*BOOOOOG*

"YHANNIE! NAND'YAN KA BA?! KAUSAPIN MO NAMAN AKO!"

Nagulat ako nang marinig ko si Changmin sa labas at malakas na kinakalabog yung pinto..

"Aish! Ang kulit naman nung EX mong yun!" Naasar na sabi ni Luhan.

B-bakit ganun?

"YHAN! ALAM KONG NARIRINIG MO AKO! PLEASE NAMAN, OH! BIGYAN MO PA AKO NG ISANG CHANCE!" Sigaw pa ni Changmin.

Bakit nagpapasalamat akong dumating si Changmin habang nagsasalita kanina si Luhan...?

Chance?

Bumigat lalo yung pakiramdam ko. Mas mabigat pa ito kaysa nung makita ko si Changmin at malaman ang totoo. Mas masikip sa pakiramdam. Mas mahirap huminga. Mas masakit...

B-bakit mo sinabi yun, L-luhan?

Parang gusto ko tuloy bigyan ng chance si Changmin...

Mas masakit kasi yung sinabi mo, eh. Acting lang pala..

I'm a Maid of these Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon