Chapter 22. SABITCH!

23.5K 594 67
                                    

ENJOY THIS CHAPTER! :)

***

Yhannie's POV

Muli akong napatingin sa orasan.

Pasado ala una na, ah?

Bakit kaya hindi pa sila nakakauwi? 

Pagdating ko kasi dito sa bahay ay wala sila.

Saan kaya nagpunta yung mga yun! Hindi man lang sinabi na may lakad din pala!

Geez! Pinag-aalala naman nila ako!

After pa ng mga ilang oras, ay narinig ko na bumukas yung pinto.

"Haaaaays! Sobrang napagod ako dun, ah!"

"Hahahahahaha. Oo nga! Grabe! Lakas mo!" 

"Syempre naman, no!" 

Nagulat ako nang marinig kong may boses na babae. What the?

Mas nagulat pa akong nang makitang nagtatawanan sila at totoo nga na may kasama silang babae! Nakatabi pa nga ito kay-----

"Oh," Napalingon sa gawi ko si Leader Suho. Napatingin naman na silang lahat, including that girl.

Wow! Ang ganda niya! Itong mga abnoy na to? Mah napakagandang kaibigan na babae?

Pero, bakit ganun? Parang biglang nagkaroon ako ng weird feelings. Siguro, napagod lang ako. Inaantok na rin kasi ako.

"Gising ka pa pala Yhannie," Sabi ni Chen. Pero ang nakakagulat lang, ang SERYOSO ni Chen! Oo, SERYOSO! Bigla nga akong kinilabutan eh. 

Pero, nang makita ko lahat ng facial expression nila, mas lalo naman akong nagtaka at nagulat! They all look so serious! May ginawa ba akong mali?

Except lang kay Girl at kay----

"Bakit gising ka pa?" Si Tao naman ngayon. Kinakabahan naman ako sa kanila! Bakit ba ganiyan mga mukha nila?

"Hinihintay ko kasi kayo," Mahina kong sabi. Bakit ganun? Feeling ko gusto ko na lang umakyat at matulog bigla. Maayos lang naman pala sila.

"Who is she, guys?" Tanong naman nitong si Girl. Grabe, pati boses niya, ang ganda! Pero tuwing napapatingin ako sa kaniya nakakaramdam ako ng weird feelings. Ugh.

"Uhh, Sab," Nauutal na sabi ni Xiumin. Ano ba talagang nangyari? Para silang kinakabahan na ewan!

"Hmmm?" Sagot naman nitong si Sab kay Xiumin. Sab ang pangalan niya?

"Uh, Sabrina this is Yhannie. She's our maid," Pagpapakilala sa akin ni Lay. Parang bang gusto kong magalit sa kaniya. Maid lang talaga? Ay syempre! Ano bang pinag-iisip ko? Malamang! Maid ka lang naman talaga!

Pero nagulat ako nang bigla siyang tumawa..

"Pfft.. Hahahahahahahaha! Seriously? Hahahaha! Ma--Haahahaha---Maid? Hahahahaha!" Okay, ang ganda ng tawa niya pero nainis niya ako. May nakakatawa ba?

"Sab, enough!" Mahinahong saway sa kaniya ni Chanyeol. 

"Pfft! Hahahaha! Sorry, I can't help it lang---Hahahaha!" Kalma ka lang, Yhannie! Baka naman, natatawa talaga siya. Baka naisip niya, joke yun kasi ang ganda mo namang maid! Fighting!

"By the way, Yhannie, this is Sabrina. Our.. childhood friend," Sabi naman ni Baekhyun. Ang manly ngayon ni Baek. Dahil ba sa babaeng iyan?

"Nice meeting you! I'm Yhannie!" Ngumiti ako nang pagkalaki-laki sa kaniya. Malay mo naman kasi ganiyan lang talaga siya tapos friendly naman pala!

Inabot ko yung kamay ko para sana makipag shake hands pero hindi talaga, eh! May kamalditahan 'tong babae na ito!

"Gosh! I'm so damn tired.Let's go Lulubabes, let's sleep na!" Para siyang linta na kumapit pa sa braso ni Luhan.

Napatingin ako kay Luhan at saktong nakatingin rin siya sa akin pero bigla ring umiwas. Ah, ganon?

Umalis sila sa harapan ko, habang yung kamay ko nasa ere pa rin at nakaposisyong makikipag shake hands. 

"Hi, I'm Chen!" Tinanggap ni Chen yung kamay ko.

Hinigpitan ko yung pagkakahawak ko sa kamay ni Chen. Narinig ko siyang nag-ouch pero hindi ko pa rin tinatanggal yung kamay ko.

Bastusan? Lulubabes pala, ah!

---

A not so fucking good morning!

PIGILAN NIYO AKO, PLEASE! BAKA HINDI KO MATANSYA ITONG BABAENG 'TO!

Kung wala lang talaga kami ngayon sa mansyon, kanina ko pa 'to sinapak sa pagmumukha dahil sa kaartehan!

"Maidee! Can you please give me a water?"  Maarteng sabi ni SABITCHRINA!

"Yhannie ang pangalan ko, hindi Maidee. Psh!" Sabi ko sa kaniya at saka kumuha ng pesteng tubig niya. Hindi ko na siya pinagsalita pa. Bwisit!

"Hey, Sab! You're going to transfer in our School?" Narinig kong sabi ni Kai pagkababa niya.

"Yes, Kai sweetie. I'm just gonna submit my forms and then I'm already transferred!" Wow! Hanggang sa School ba naman makikita ko pa yang pagmumukha niya? Grabe na talaga ito!

Napatingin naman ako sa relos ko. Kanina pa kasi sila nagkwe-kwentuhan, "Baka po gusto niyo na pong pumasok, ano po?" Magalang kong sabi sa kanila. Male-late na kaya kami! Kapag naman hindi ko sila pinaalalahanan, sa akin pa ang sisi!

Grabe! Inis na inis ako sa imbyernang babae na ito! Ang ganda ganda ng mukha, sinasayang lang! Grrr! Spoiled brat!

Ikaw ba naman utusan ng sandamakmak. Feeling niya naman siya ang amo ko? Kapal!

At isa pa, kanina niya pa ako iniirapan. Seryoso? May sakit ba yang mata niya? Dudukutin ko na talaga!

"Atat na atat ka masyado! May date ka? Oh, sorry. Wala palang papatol sa iyo!" Maarteng sabi niya with matching irap niya.

Naiinis na talaga ako!

"H'wag mo naman akong itulad sa iyo, Sabitchrina! Ay, ano nga ulit yung pangalan mo? Sabitch ba? Oh, Sabrina pala! My bad!" Patol ko sa kaniya, pagkatapos ay inunahan ko siya sa paglalakad. Wearing a evil smirk!

Pagkapasok nilang lahat ay papasok na rin sana ako kaso...

*BOGSH*

Muntik na akong mahulog dahil binangga niya lang naman po ako!

Buti na lang at nasalo ako ni Kris! Bwisit pala talaga yung Sabitch na ito, eh! Tunguners!

"Sab!" Saway sa kaniya ni Suho.

"Oh? Sorry, hindi kasi kita nakita!" Aba!

"Okay lang. Ganiyan talaga pag talo, nagiging ignorante!" Sarcastic kong sagot. Kung hindi lang nakahawak sa akin si Kris, napatulan ko na 'to.

"What's your problem?!" 

"My fucking problem, is your fucking attitude!" Asar na sigaw ko sa kaniya. Kunot noo na talaga akong nakatingin sa kaniya. Hindi naman ako mapagpatol, pero sinasagad talaga nitong babae na to ang pasensya ko!

"ENOUGH!" Sigaw ni  Suho. Hinila naman ni Baekhyun itong bwisit na babae na ito! Inirapan niya lang ako. Aangal pa siya?!

Hinila naman ako ni Kris para makasakay na.

Tangna, nakakabwisit!

I'm a Maid of these Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon