Chapter 37. No way!

19.9K 512 50
                                    

YEHET! Malapit na matapos itong pag-eedit ko! Grabe pala talaga ako magsulat dati! Bara bara! Hahahaha!

ENJOY!

***

Yhannie's POV

"Okay class, so this week ay ang ating School Fest. I want all of you to enjoy here, since last year niyo na dito next year. Magkakaroon ng iba't ibang paligsahan. Cooking contest, Sports at madami pang iba na pwede niyong pagpilian. Gusto kong mag-submit kayo sa akin ng one fourth, ilagay niyo yung name at section niyo tapos kung saan kayo sasali. One more, gusto kong pumili na rin kayo ng magiging theme ng classroom niyo and also your booth..."

Para bang nawala yung problema ko dahil sa pinagsasabi nitong si Prof.

School Fest? WOW! Siguradong magiging bongga yun! Ang yayaman ba naman ng mga nag-aaral dito!

"And also, kasama sa School Fest ang School Queen & King. Kayo na  ang bahalang mamili kung sinong magiging representative ng room natin. Paghandaan niyo ito, ha! That's all, Goodbye class!"

May paganun ganun pa? Grabe! Mahirap kayang pumili! Buong EXO ba naman ang nandito sa room namin! 12 handsome boys tapos isama mo pa yung EX ko!

Kahit naman mang-iiwan yang si Changmin, hindi mo maikakailang napaka gwapo rin! Mang-iiwan nga lang. Whatever! Ang bitter ko pakinggan.

"Sino kaya ang magiging Queen?"

"Gusto ko sana ako!"

"WOW! Ang taas ng self confidence mo, ha! Mukha ka namang patatas!

"Si Veronica na lang kaya?"

"Oo nga! Maganda naman siya!" 

"Kung si Yhannie na lang kaya?"

"OMG! Kinakausap tayo ni Papa Chen! Myghash! Umagree na tayo! Minsan lang ito!"

"Oo nga si Yhannie na lang!"

"Sinong King? For sure, isa yan sa mga EXO o hindi kaya yung bagong transfer! Ang hot niya! Rawr!"

Kung makapagbulungan naman itong mga to, parang wala ako! Anong narinig kong hot si Changmin? Aba, mainggit ka! EX ko yan! Shet, ang yabang ko.

Pero tarantado talaga itong si Chen eh! I-suggest daw ba ako! Walang hiya!

"OKAY CLASS! SI YHANNIE ANG MAGIGING QUEEN REP. NATIN! OKAY BA YUN?" Sigaw ni Chen habang nakangiti ng mala-demonyo! Ayokong ganiyan ang ngiti niya! Mukhang may binabalak!

Shet naman! "What? NO WAY! Wala naman akong sinasabing gusto ko sumali, Chengoloids!"

"Okay lang yan, Yhannie dear! Maganda ka naman!"

"Oo nga!"

"Go for it!"

"Pero nakakaselos pa rin! Huhuhu!

Itong mga ito! Porket kinausap ni Chen, ganiyan na! Pero nung hindi, kulang na lang katayin ako! Mga ano rin, eh!

"SO SINO ANG GUSTO NIYONG MAGING KING REPRESENTATIVE?" Aba't! Nandoon na agad si Chen sa teacher's table at akala mo siya ang teacher namin! May sayad na talaga siya sa utak!

"Hoy! Hindi pa sabi ako sumasang-ayon!" Sigaw ko ulit pero, banas! Walang pumansin sa akin!

Patuloy lang sila sa pagpili ng King Rep. Gulay! Wala nga akong kaalam-alam d'yan sa mga pageant pageant na iyan, eh! Tae naman!

Pero natigilan ako sa isinigaw ni Chen..

"GANITO NA LANG, LET'S VOTE! IF IT'S LUHAN OR CHANGMIN!" Tumingin siya sa akin nang nakakaloko pati na rin dun sa dalawa! Tokneneng! "IS'NT AMAZING?" Sigaw niya pa!

"AMAZING!" 

"IS'NT SURPRISING?"

"SURPRISING!!"

"IS'NT? BUWHAHAHAHA!"

Dafuq! Sinasabi ko na nga ba! May binabalak na kalokohan ang isang ito! Grabe ka, Chen!

Pinaglalaruan niya ba kami, ha?!

Walanghiya talaga si Chen! Nakakagigil!

"Hahahaha, mukhang masaya ito!" Sabi naman ni Leader Suho. Pati ba naman siya?!

"YEHET!" Sigaw ni Sehun. Tiningnan ko si Sehun na hindi makapaniwala, nag-peace sign naman siya sa akin. Hah!

"Psh," Iyon lang ang komento ni Kris. Ano yun?!

"Hahahahaha! Mas intense yan sa Spicy Baozi ko, ha! Tingnan natin!" Sabi naman ni Xiumin. Pati ba naman sa ganitong eksena, kasama talaga pagkain niya?

"Excited na ako!" Sigaw ni Baekhyun, tapos tumingin siya sa akin na parang nang-aasar! Binato ko naman siya ng ballpen ko at ang bakla, tumawa lang! Shit. Nababaliw na silang lahat!

"Tsk," Ginagaya ba ni Chanyeol si Kris? Parehas na parehas sila ng mukha!

"Hihihi.." Anong reaksyon iyan Tao? Bakit ang creepy mo?!

"Anong nangyayari?" Walang kamalay malay na tanong ni Lay. Nginitian ko lang siya. Buti pa siya hindi pa nababaliw! Hindi tulad ng mga kaibigan niya! 

"Haba ng hair ni honey!" Tapos hinawakan pa ni Kai yung buhok ko at inamoy. Sanay na ako! Gawain niya yan, eh!

"Sasali ako sa Cooking contest! Ikaw, Yhannie? Ay! Queen Representative ka nga pala!" Tuloy tuloy na sabi ni D.O. Tapos katulad kay Baekhyun, tiningnan niya rin ako nang ganun!

Nababaliw na talaga sila!

Wala na bang makakapigil sa kapestehan ni Chen?

Shit lang talaga!

Kung sino manalo, yun na yun!

Alam niyo na yun! Basta, yun na yun!

I'm a Maid of these Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon