Chapter 24. Merry KRISmas <3 (Part 2)

24.4K 697 147
                                    

Naaappreciate ko lahat ng comments niyo :) Pasensya na kayo kung hindi ko kayo agad narereplyan, ha? After kong maedit lahat ng ito. Promise! Magrereply na talaga ako.

Si Yhannie -->

***

Yhannie's POV

"Happy birthday to you,"

"Happy birthday to you,"

"Happy birthday, happy birthday,"

"Happy birthday Papa Jesus~"

Kanta naming dalawa ni Nayie. Si Kris? Ayun, ayaw kumanta!

"Blow the candle na, Nayie!" Excited kong sabi sa kaniya. Gumawa kasi ako ng cake na may nakalagay na 'Happy birthday Papa Jesus' 

"Okay!" Masayang sinunod niya naman at blinow na yung candle.

"Yehey! Let's eat!"

Pagkatingin ko kay Kris ay...

Grabe! Gabundok na agad yung plato niya! Seryoso? Gutom na gutom ata siya, ah!

"Kuya Kris! May girlfriend ka na po ba?" What the! Nayie! Ano bang pinagsasabi ng batang ito! Napaubo naman si Kris sa tanong niya.

"Okay ka lang?" Tanong ko. Tumango naman siya.

"Haha, Me? None!" Pati ba naman bata kailangan nag-eenglish talaga siya?

"Bagay po kayo ni Ate!"

"NAYIE!" Napasigaw tuloy ako. Grabe itong bata na ito! Nakakahiya!

"Hahaha, It's okay. Talaga? Bagay kami?" Myghad, Kris! Ano ba yang tinatanong mo?!

"Opo!" Sige, segunda pa Nayie, ha!

"Gusto mo ba kaming magkatuluyan?" KRIS!

"ANO BANG PINAG-SASABI MO?!" Sigaw ko kay Kris. Parang baliw kasi! Kung anu-ano tinatanong!

Grabe! Ang init init ng pisngi ko!

---

Nasa bubong kaming dalawa ngayon ni Kris. Past 12 na at tulog na si Nayie. 

Walang malisya, ha! Mahirap lang kasi kami at wala kaming veranda o rooftop, pero bubong meron! Alam mo yun? Yung pwede kang tumamabay sa bubong? So yun, nakatambay nga kami dito. 

Nakahiga lang kaming dalawa at nag-istar gazing. Ang daming stars ngayon! Tapos ang lamig pa. Brrr!

Nababadtrip pa rin ako kay Sabitchrina. Kanina kasi sa backdoor kami dumaan. Paano, hiyang hiya naman kasi sa LAKAS ng tawanan nila, at etong si LUHAN! Nakaakbay pa kay Sabrina. Grabe! Nacucurious na ako!

"Kris..." 

"Hmmm?" 

"Bakit, bakit hindi ka nag noche buena kasama nila?" 

"Because Sabrina is there," Walang gana niyang sagot. 

Sabrina? Oh? Galit ba siya kay Sabitch? Sabagay, kagalit galit naman talaga pagmumukha nun eh.

"Ano bang mayroon sa inyo? Nila Sabitch?" 

"You want to hear some stories?" 

"Eh?" 

Ang gulo nito ha. Si Sabitchrina ang pinag-uusap 'di ba?

"Luhan and sabrina were EX,"

Ooohhh! Ex? You mean...

"Yeah. They were couple.....dati nga lang," 

"Ah. B-bakit sila, uhm, nag break?" 

I'm a Maid of these Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon