Chapter 16. Intense moment!

25.8K 656 30
                                    

Let's welcome our new characters! Born to Beat everybody! :)

**

Yhannie's POV

Hmmm. Anong oras na ba? Bakit ang lamig pa rin? Aish, nakakaantok.

Dahan dahan kong binuksan 'yung mata ko upang tingnan kung anong oras na, nang maaninag ko nang mabuti 'yung orasan, literal na napanganga ako!

6:30?! SERIOUSLY?!

Sa pagkakaalam ko 7:00 ang pasok namin ngayon! Naku, patay na! Bakit ba kasi nakalimutan kong may pasok kami ngayong tuesday? Dapat naman kasi, wala! Kaso may curricular activities daw! Bwisit naman!

Dali-dali akong tumayo at nagtatakbo papuntang banyo. Shomai talaga!

Ang saya kasi ng birthday ni Chanyeol! 'Yan tuloy, na-late ako sa pagtulog!

---

After so many minutes..

"Akala ko hindi ka na magigising," Nakita kong nandoon na 'yung dose sa sala at ready na ready na silang umalis. Like what the heck?!

"KANINA PA KAYO?" Bulalas ko. Grabe!

"Oo." Walang ganang sagot ni Thehun. Ang sama nila!

"Tae naman! Bakit hindi niyo man lang ako ginising?!" Sigaw ko. Putae na 'yan! Sana man lang ginising nila ako, ano! Parehas lang naman kami ng schedule, eh.

"Wow ha? Ano ka prinsesa? Kailangan may taga-gising?" Sarcastic na sabi sa akin ni Baekhyun. Oo nga no!

"Tama na satsat! Tara na! Male-late na tayo!" Sigaw ni Xiumin. Oo nga pala! Dali-dali kaming tumakbo sa van nila at dali-dali rin namang nag-drive si Kai. 

Habang nasa van ay napaisip ako. Akalain mo 'yun? Kaya ko pa palang mag-isip? Hahahaha! Ilang linggo na nga ba ako dito? Ah, sa next monday, one month na ako. Ang ibig sabihin...

Se--se--SESWELDO NA AKO! Kyaaah! This is it! Ang pinakahihintay kong araw! Here comes the money! Tapos makikita ko na ulit si Nayie. Infairness, na-miss ko 'yung kapatid kong iyon.

"Ang creepy mo naman! Bakit ka nakangiti mag-isa? Baliw ka na no?" Napabalikwas naman ako ng pitikin ako ni Tao sa noo. Creepy daw? Siya nga 'yun eh!

"Wag ka nga mamitik! Masakit kaya! At anong creepy? Ikaw 'yun! Ang ganda ko naman para maging baliw!" Sagot ko sa kaniya.

"Ewan ko sa'yo. Malala ka na!" Sabi niya pa tapos hindi na ako pinansin. Pinagmasdan niya na lang 'yung wushu stick niya. Oy, katakot!

After 1 decades.. Exaggerate lang. Pasensya na.

Nandito na kami sa School, and guess what?

Ako na naman ang magbubuhat ng kanilang OH-SO-BAG! He he he he! Hiyang hiya naman ako sa mga babaeng ito! Mga baldado na kasi eh.

Okay! Tama na ang daldal, Yhannie! Male-late na pala kami. Binilisan ko pa ang paglalakad dahil wala na gaanong estudyante dito sa hallway at baka nasa classroom na ang mga 'yun, malapit na talaga sigurong mag-bell!

Sa pagmamadali ko ay hindi ko namalayang huminto pala si Kai, at nabangga ako sa likod niya.Resulta? Naglaglagan ang mga dala ko!

Sisigawan ko na sana siya, kaso parang may mali? Ang tahimik! Dahil nga nasa likod ako ni Kai, at sobrang lapad ng kaniyang sexy at hot na likod ay kailangan ko pang sumilip kung anong mayroon sa harapan.

Laking gulat ko na lamang nang pagsilip ko ay nandoon ang..

Born to Beat?

OMG! Nakita ko na naman siya! Tae. Bakit kasi ang gwapo niya, ha? Paki-explain nga! Napatulala tuloy ako. 

Bigla naman siyang tumingin sa akin kaya agad-agad ulit akong nagtago sa likod ni Kai. Nakita niya kong nakatingin sa kaniya! Shemay! Nakakahiya! Nag-blush ba ako? Myghad!

"Hindi niyo man lang sinabi na may kasama pala kayong prinsesa," Makabuluhang sabi noong isang lalaki. 'Yung parang leader ata nila, ewan ko. Prinsesa?

Sino? AKO?

Oh wait, h'wag kang axiuming, Yhannie! Magpaka-demure ka naman kahit konti!

"Oh, tapos? Paki niyo? Inggit na naman kayo?" Nagulat ako nang magsalita si Baekhyun ng ganun. Grabe! Super manly! Kadalasan kasi 'yung boses niya, pambakla! But right now, bakit ang HOT at ang SEXY?!

"Huh? Kami, Inggit? Hahaha! You've got to be kidding us! Siya ang---" Hindi na natapos noong lalaki 'yung sasabihin niya dahil bigla itong pinutol ni Tao.

"Talaga lang, huh?" Hala? Bakit naman ganun? ANG INTENSE NG PANGYAYARI! Super seryoso ng boses niya! Mukha niya pa lang nakakatakot na, tapos magsalita pa siya nang ganiyan? Kilabutan ka, oy! Magkaaway ba sila? Ano itong nararamdaman kong tensyon between these two groups?! Chos. Saan ko nakuha 'yun?

Bigla namang tumingin sa akin si Leader Suho kaya bahagya akong napaatras. Seryoso! Katakot!

"Pulutin mo na 'yan," Dali-dali ko namang sinunod 'yung utos niya. Buhat buhat ko na ulit yung mga bag nila. Nakakatakot siyang tumingin! Like, there's really something  going on between them!

Hinila ako ni Xiumin at pinauna sa paglalakad. Nalagpasan ko pa nga si Mr. Cute-hot-guy, 'yung.. Peniel 'yung name. Hindi naman ako makatingin sa kaniya kasi nakatingin din siya sa akin! Ang ganda ko ba talaga? Type niya ba ako? Rawr!

Pero, bago namin sila malagpasan ay narinig kong bumulong si Kris sa kanila,

"Bish please. She's different from her, you know?" Tiningnan ko siya at nakangiti siya. Not just simple smile, but an evil one!

Si Kris ba talaga 'yun? At sinong she?

What the fuck is going on?

I'm a Maid of these Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon