Chapter 34. The story behind her past..

22.5K 540 30
                                    

Habang binabasa niyo po ito pakinggan niyo po yung music -->

Ang cute lang niya, bagay na bagay sa chapter na ito :) Enjoy!

***  

Yhannie's POV

"C-changmin?"  

Si C-changmin ba talaga ito? Yung.. yung l-lalaking basta na lang akong iniwan?!!

"Sino ba yan?" Naramdaman kong nasa likod ko na silang lahat. Pero hindi pa rin nagloloading sa utak ko ang nakikita ko ngayon. Para bang ang hirap! Tangna naman! Malakas ka na, 'di ba Yhannie?

"Yhannie?" Tawag sa akin ni Leader Suho. Hindi ako makasagot! Natameme na ako sa kinatatayuan ko. A-anong ginagawa niya dito?! Bakit pa ba siya bumalik?!

"Pare anong kailangan mo?" Si Luhan naman ngayon ang nagtanong kay C-changmin..

Tiningnan ko ang lalaking nasa harap ko. Muling bumalik sa akin ang sakit, ang sakit na pinaranas niya sa akin dalawang taon na ang nakalipas. Nararamdaman ko yung sakit, yung fresh na sakit. N-naaalala ko na naman kasi!

Namuo ang luha sa mga mata ko. Gusto kong magwala! Ang sakit! Pero b-bakit? A-kala ko ba hindi na ako iiyak?!  

"Y-yhan!" Tawag niya sa pangalan ko. Ang boses na matagal ng nawala. Ang boses kung bakit ako minsang nangulila..

"Yhannie? Bakit ka umiiyak?!" Tuluyan na nila akong nilapitan. Pero ang mukha ni Luhan ang naaaninag ko. Ano bang nangyayari?! Gusto kong gumising sa isang masamang panaginip na ito!

Hindi ito totoo, please! Hindi! Binabangungot lang ako!!  

"Yhannie?"  

Hindi ko alam, pero kusang gumalaw ang kamay ko at tumama ito sa pisngi niya.

Sinampal ko siya.  

Tama lang iyon diba? Iniwan niya ako!  Iniwan niya ako nang walang pasabi! Ang sakit nun!

"Yhannie!!" Nilayo ako nila Baekhyun kay Changmin pero tinabig ko ang mga kamay nilang nakahawak sa akin. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko! Ang sakit!

Iniwan niya ako eh! Iniwan ako ni Changmin!

Iniwan na lang ako bigla ng EX-BOYFRIEND KO!  

---  

"Ayos ka lang ba, Yhannie?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Chanyeol. Tumango ako. Hindi parin ako makapagsalita. Patuloy pa ring tumutulo ang mga luha ko.

Matapos nang nangyari kanina sa may pintuan, pinakalma nila ako at inalalayan papuntang Living room. Sinama pa talaga nila ang lalaking iyan! That fucking bastard!

Hindi ako makatingin sa kaniya. Bumabalik sa akin ang mga araw na nangulila ako sa kaniya! Gusto kong magwala!

"Yhannie? Sino ba siya?" Tanong ni D.O.  

Wala akong maibigay na sagot mula sa kaniya. Feeling ko pinipiga yung puso ko! Hindi pa ba ako nakaka move on?! Pero matagal na siyang walang puwang sa puso ko! Pero bakit ganito ako umarte ngayon?! Naguguluhan ako! Peste naman!

"Yhan-yhan.." Ang boses niya....Ang tawag niya sa akin.. Putragis naman!

"H'wag na h'wag mo akong tatawagin sa pangalang iyan!" Giit ko. Naiinis ako! Naiinis ako sa sarili ko! Ang sabi ko hindi na ako muling iiyak ano man ang mangyari! Magkita man kami o hindi! Pero ano ito? Tinatraydor ba ako ng feelings ko?! Shet!  

I'm a Maid of these Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon