Chapter 10. Second Plan.

25.5K 674 83
                                    

A/n: Salamat sa mga patuloy na nagbabasa! Mahal ko kayong lahat :*

Dedicated nga pala sa kaniya :) Hello! Ito na ang update ko at nang hindi ka na mainip! Haha ;p

Godbless you all chingus!

**

Yhannie's POV

Wednesday. 7 am.

Kasalukuyuan kaming nasa van. Himala? Oo. Super.

Sinabay na nila ako. Pero kinakabahan ako, weird kasi sila. Hindi sila umiimik ngayon. Nakakaloka! Ang ingay ingay kaya nila, tapos ganito? Parang may kasama kaming multo sa sobrang katahimikan.

Minabuti ko na lang na tumahimik. Wala rin naman akong sasabihin. Hindi naman kaya magmukha akong baliw kung kakausapin ko sarili ko, ano? Tiningnan ko na lang sila isa-isa. Ngayon ko lang kasi ma-eexamin nang todo ang pagmumukha nila.

And enk! Ang masasabi ko lang,

Si, hmm, Luhan ang pinaka-gwapo sa kanila. Oh, h'wag niyong bigyan ng malisya, wala kayo sa malaysia! Hehehehe!

Pero h'wag din kayong maingay okay? Secret lang natin. Baka mamaya, lumaki ulo niyan.

Pero I find him interesting, misteryoso kasi masyado. Tahimik plus gwapo, edi major wow!

Whatever. Change topic tayo, baka mahalata nilang ini-stalk ko pagmumukha nila.

MWF nga pala ang pasok namin. Ewan ko rin ba kung bakit ganun, pero ganun eh.

So, katulong na katulong ako tuwing martes at huwebes. Tapos, sa block nila ako pinalagay ni Tita. Remember culinary ang kinuha ko? Bali dapat ang kasama ko lang si D.O, pero bakit ganun? Magkakasama kaming lahat kahit iba-iba ang course nila? 'Yung totoo? Special treatment? Edi wow.

Ang weird nga ng School eh, baki kasi weird din 'yung Principal?

Nga pla, kagabi, hindi ko na alam kung anong oras sila umuwi.

Nakatulog rin kasi agad ako pagkatapos kong maglinis. Sobrang nakakapagod kaya!

---

Pagkababa namin ng van ay, what the heck?

Hala! Anong ginawa ko?

Bakit ang sama ng tingin ng mga babae dito sa akin? Wala po akong kasalanan!

'Yung iba, nagbubulungan, 'yung iba naman iniirapan ako. Ganito na ba ako kaganda? Charot.

Naka-gasul ba sila? Naka-hithit ng shatol? Bakit ganiyan sila makatingin? Ang sama! Kinikilabutan ako! Isama mo pa 'yung kapal ng make up nila, akala mo a-attend sa Childrens Party! Clowns ba sila?

Ini-snob ko na lang sila. Wala naman kasi talaga akong ginagawang masama sa kanila!

Wala na rin pala sa paningin ko 'yung dose na 'yun. Ang bilis maglakad ha? Nag-teleport ba sila?

Oo nga pala, may benda pa rin ako sa kamay kaya naka-jacket pa rin ako. So sad.

Pagkarating ko sa classroom nandoon na sila. Ilang minuto pa, pumasok na rin yung Professor namin.

Here we go again, Lecture!

Nakinig na lamang ako. 

After noon, nagpasulat si Prof. buti na lang at marunong akong magsulat gamit ang kaliwang kamay! Hehehehe.

Pero nagulat na lamang ako nang biglang ipinatong nung doseng 'yun ang notebook nila sa desk ko!

Napalingon ako sa kanila at binigyan sila ng what the fuck look.

I'm a Maid of these Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon