38

700 12 1
                                    

Gumising ka please...

Madali akong bumaba ng sasakyan at binuksan ang pintuan ng kotse na nasa pwesto ni Star. Ilang beses kong niyugyug ang balikat niya upang magising.

"Star, please gumising ka. Star...."

Nag-uumpisa na ring bumagsak ang luha ko sa sobrang kaba. Hindi ko tuloy mapigilang yakapin ito, 'Star! Star! Star!"

"Hmmm..." napatingin ako kay Star nang marinig kong umungol ito.

Buhay pa si Star!

"Beto naman eh, pagpahingahin mo muna ako. Gusto ko pang matulog."

Bigla akong natawa sa sinabing iyon ni Star. False Alarm lang pala.

Mukhang hindi na kayang tumayo ni Star kaya binuhat ko na lang siya palabas ng sasakyan hanggang sa maihiga ko siya sa kama niya.

Inayos ko ang pagkakahiga niya sa kama at kinumutan siya.

Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang mahimbing na natutulog na si Star.

"I love you." Ang bulong ko sa kanya sabay hinalikan ang noo niya.

Patayo na sana ako nang biglang hinawakan ni Star ang braso ko, "Beto, tabihan mo muna ako rito."

Pinagbigyan ko naman siya. Inalis ko ang sapatos ko at humiga ako sa tabi niya.

Tumagilid siya sa paghiga kaya niyakap ko ang bewang niya at itinapat ang bibig ko sa tainga niya.

"Ang ganda mong matulog." Ang bulong ko sa kanya.

Napansin kong ngumiti siya... kinikilig siguro ito.

"Star, i-promise mo sa akin. Darating ang panahon na lagi tayong magkatabing matulog, Tapos tuwing gabi, habang natutulog ka hindi ko pagsasawaan ang mukha mo habang nakapikit ka at humihilik."

"Sira... hindi ako humihilik." Ang sagot niya sa akin.

"Dagdagan natin ang bucket list... ilagay moa raw-araw tayong magkatabi sa pagtulog."

"Ganon? Sige bukas ipaalala mo sa akin yan." Ang sagot naman niya sa akin.

Tuluyan na akong nakatulog sa kama ni Star katabi siya kaya umagang-umaga nang nagising ako.

Paggising ko ay tulog pa rin si Star.

Hinawakan ko ang pulso niya. Pumipintig pa rin naman... pagod lang itong babaeng ito.

Inalis ko ang mga braso kong nakapalibot sa kanya at saka ako lumabas ng kuwarto niya at bumaba ng salas.

"Good Morning Beto." nagulat ako nang makitang nakaupo sa sofa si Boss Grego at umiinom ng kape, "Kamusta naman kayo kagabi ng anak ko?"

Bumaba ako ng tuluyan sa hagdan at saka umupo sa sofa, "Maayos naman po. Happy naman po si Star."

"Oo nga pala." At saka nilabas ni Boss Grego ang isang envelope.

Heto na naman kami... SOA ng utang naming mag-ama.

Binuklat ko ang papel na iyon at nagulat ako nang makitang kaunti na lang ang balance namin, "Ang liit na lang pala."

'Natural limang araw na lang at tapos na ang one hundred twenty days na usapan natin." Ang sabi ni Boss Grego.

Five days na lang pala at mag-aapat na buwan na kaming magkasama ni Star, hindi ko na namalayan dahil busy ako sa pag-aasikaso sa babaeng mahal ko.

"Sa tingin ko hihingi ka ng extension sa pinag-usapan natin hindi ba?"

"Opo, hihingin ko po ang extension na habang buhay para sa anak niyo."

At natawa naman siya sa sinabi ko, "Oo naman, basta alagaan mo lang siya."

BLAG!!!

Natigilan kami ni Boss Grego nang biglang may kumalampag sa itaas ng mansion, 'Ano yun?"

Ang tunog na iyon ay galing sa kuwarto ni Star.

Bigla ako nag-alala...

Napatakbo ako uli papanik ng kuwarto niya at sumunod sa akn ang Tatay niya.

"Star!!!" napasigaw kami ng tatay niya nang makita namin si Star na nakahandusay sa sahig.

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTWhere stories live. Discover now