33

786 16 0
                                    

Ay mali!

Makipag-sex.

"Mali hindi yan." ang tange ko kasi di ko man lang tinignan ng mabuti yung tinuturo ko.

"Ito yun." at tinuro ko sa kanya ang dalawang item na nakasulat sa taas ng nakakagulat na item na yun:

-Dalawin ang puntod ng nanay ni Beto.

-Ma-meet ng personal ang Papa ni Beto.

"Mama.... gusto ko pong ipakilala sa inyo ang girlfriend ko po, si Star." at saka hinawakan ang kamay ni Star sa harap ng puntod ng nanay ko, "Alam mo Ma, kung nabubuhay ka lang panigurado magugustuhan mo si Star dahil sobrang bait niya at nag-iisa lang siya sa lahat... maslalo na sa puso ko. Mama, baka ma-meet mo diyan yung magiging balae mo ha, kaibiganin mo siya, ipaabot mo na rin ang pagpapasalamat ko sa kanya dahil pinanganak niya si Star. Saka padrino mo na rin ako sa kanya Ma."

Nagkatinginan kami ni Star at napangiti sa isa't isa.

"Ma, siyanga pala, tutal close na kayo ni Lord, hihingi na rin ako ng tulong sayo. Ilakad mo naman yung prayers ko sa kanya oh..... gusto ko po kasing gumaling at bumalik na ang lakas ni Star dahil gusto ko po siyang makasama ng matagal." napahawak ako sa buto ng ilong ko.... pinipigilan ko kasing umiyak... ayokong ipakita kay Star na naiiyak ako.... gusto kong ipakita sa kanya na malakas ako.... positibo....

"Ma please.... pakisabi naman po kay Lord..."

Pagkatapos namin manggaling sa sementeryo ay nagtuloy kami sa bahay namin para ma-meet naman niya ang Papa ko.

Ni-welcome naman siya ng maayos ni Papa... dapat lang siguro dahil hindi pa kami bayad kay Boss Grego.

Umuwing masaya si Star dahil siyempre mission accomplished siya dalawang items sa bucket list niya. Check! Check!

Pagbalik ko sa bahay ay tumawag sa akin si Star sa celphone ko upang i-check ako, "Oo andito na ako. Magpahinga ka na ha. I love you." at saka ko binaba ang phone ko.

"Beto... sigurado ka ba riyan sa pinasok mo?" ang tanong sa akin ni Papa na nag-aabang pala sa akin sa salas namin.

"Kay Star? Oo naman Papa, sobrang saya ko kapag kasama ko siya at napakabait niya... siya ang gusto kong makasama habang buhay."

Umiling si Papa at lumapit siya sa akin, "Hindi mo alam yang pinasok mo."

Nagulat ako sa sinabi ni Papa, "Anong hindi alam? Teka, hindi niyo ba gusto si Star para sa akin. Di ba kayo nga ang nagtulak sa akin na pakisamahan si Star para mabayaran natin ang utang natin sa tatay niya?"

"Sinasabihan lang kita... alam nating may sakit si Star.... may taning ang buhay at isa sa mga araw na ito pwede siyang mawala... hindi ka niya na mababalikan at iiwan ka na lang niyang mag-isa."

Nagmatigas ako.... nakakainis si Papa kahit kailan.... negative siya!

"Hindi mamatay si Star, hindi totoo yung sinasabi ng doctor na iyon. Mabubuhay siya ng matagal kasama ako. Lalabanan namin ang cancer niya."

"Sa akala mo ba hindi ko yan sinabi non sa sarili ko sa nanay mo. Beto, umasa rin ako... pinakasalan ko siya at inalagaan kahit alam kong may sakit siya sa puso. Pero anong nangyari? Nawala rin siya sa buhay natin at ito ngayon hanggang ngayon nangungulila pa rin tayo sa pagkawala niya."

Umiling ako kay Papa, "Anong ibig niyong sabihin? Na baka matulad lang ako sa inyo na hinayaang mapariwara ang buhay dahil hindi ka pa rin maka-move on kay Mama."

Halatang na-offend si Papa sa sinabi ko, "Wag mo akong pagsasalitaan ng ganyan dahil kung meron mang nakakaintindi ngayon sa sitwasyon mo ay ako yun! Dahil pinagdaanan ko na lahat yan! Kung galit ka sa akin dahil sugarol ako pwes sasabihin ko sayo.... yang pag-ibig mo na yan.... isa yang malaking sugal at may malaki ang posibilidad na matalo ka!"

Umiling ako, "Hindi kami matatalo ... hindi ko iiwan si Star... kung sugal man ito, sige susugal ko at kahit man matalo ako.... sisiguraduhin kong di ako tutulad sa inyo."

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTWhere stories live. Discover now