26

777 15 0
                                    

"Huwag!!!!"

Agad kong pinigilan ang mga kamay niya.

"Bakit?"

"Dahil hindi mo pa naman obligasyong ipakita sa akin yan. Hindi pa kita asawa."

"Pero...."

"Shhhh.... ibalik mo sa ayos yang polo mo." ang utos ko sa kanya at sinunod niya ako.

"I'm sorry kung ang bastos ko at ang manyak ko kasi sinilipan kita."

"Naiintindihan kita.... lalaki ka."

"Kahit lalaki ako dapat nirerespeto kita, ginagalang kita, dapat gentleman ako sayo hindi lang dahil sa babae ka..." at hinawakan ko ang pisngi niya, "Dahil mahal na mahal kita." at saka ko siya hinalikan sa noo.

"Inumin mo muna yang mga gamot mo ha, tapos kainin mo itong sandwich dahil alam ko paborito mo yan at saka dapat magpalakas ka para wala ka ng overfatigue. Tapos oo nga pala nakalimutan ko tuloy banggitin sayo yung good news ko."

"Anong good news?"

Ngumiti ako sa kanya, "Makakapagcollege na ako. Nakakuha ako ng scholarship kaya maslalo ka pang magpalakas dahil ... magiging engineer na ang boyfriend. Maipagmamalaki mo na ako at one day ako na ang magtatato ng sarili kong talyer tapos ipapangalan ko yun sayo Star Auto Shop ang talyer ng mga bituin."

Nakita kong ngumiti siya kaya natuwa naman ako.

"Kahit naman di ka maging engineer ipagmamalaki pa rin kita kasi girlfriend ng isa sa pinakamabait na anak sa buong mundo. Sobrang mapagmahal niya at gagawin niya ang lahat para sa pamilya niya at higit sa lahat...." kinurot niya ang magkabilang pisngi ko, "Mahal na mahal ko ang lalaking ito."

Ngumiti ako sa sinabi niya.

Mapagmahal na anak?

Nakikita niya yun?

"Salamat sa pag-aalaga mo sa akin ha, sa pagpapangiti mo sa akin araw-araw, yung ginawa mong garden itong kuwarto ko, yung lagi mo akong sinasamahan ginagawa ko pang alalay minsan and always making feel that I am not alone... and I will never be alone." hinalikan niya ako sandali sa lips at saka niya ako niyakap uli.

Parang ako rin yata. . mula ng makasama ko si Star . . parang ayoko ng mag-isa.

"Nasaan po si Star?" ang tanong ko sa Yaya niya tapos nakita ko si Star na patakbong palabas sa kuwarto niya, umiiyak at pumasok ito sa kuwarto ni Boss Grego.

Nag-excuse ako sa Yaya ni Star at pinuntahan siya sa kuwarto ng Tatay niya.

"Bakit mo ginawa yun?!" ang narinig kong sinabi niya sa tatay niya. Nakabukas ang pintuan ng kuwarto kaya nakita ko si Boss na nakaupo lang sa swivel chair niya.

"Bakit ka pumayag?! Ayoko non! Kinuha na nga nila yun tapos gagawin ko pa yun?! Papa naman bakit hindi na lang natin tanggapin na kahit anong gawin natin wala na tayong mahagawa! Hindi ka na ba nadala noon! Puro tayo hope, puro tayo hope panay naman false hope! We are just time and money here!"

Tumingin ng diretso si Boss Grego sa anak niya, napansin kong namumugto ang mga nito, "Bakit masama ba? Masama bang umasa ang isang ama na makakasama pa niya ng mas matagal ang anak niya?"

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTWhere stories live. Discover now