11

963 18 0
                                    

"Ang kapal ng mukha mo!!!!"

Pambihira natanggal ang buong tutuli ko pati eardrums ko nawasak sa lakas ng boses nung nasa kabilang linya.

"Ang kapal ng mukha mong lumapit sa kaibigan ko! Alam ko ang masamang pakay mo hoy you are just using her para makaganti ka sa akin dahil hindi ikaw ang pinili ko nong highschool pa tayo!"

Nagpantig ang tainga ko sa sinabi ni Princess. Ang kapal pala ng babaeng ito... feeling niya hindi pa ako nakaka-move on sa kanya... after 10 years!

"Star is so nice and vulnerable kaya tantanan mo siya! Anong balak mo sa kanya in the end sasaktan mo siya katulad ng ginawa ko non sayo!"

"Hoy Princess, tumigil ka nga riyan. Una sa lahat.... oo sinaktan mo ako non pero hindi ba ako pwedeng magmove on at magmahal ng iba? Matagal na akong nakaget over sayo. Pangalawa, tigilan mo ako sa mga paratang mong ganyan at baka marinig pa yan ng asawa mo at isipin pa non nakikipaglapitan sayo at pangatlo, malinis ang intensyon ko sa kaibigan mo."

"Huh! Do you think I will believe in that?" ang sabi ni Princess

"Bakit hindi kapanipaniwala?"

"Una dahil bigla kang sumulpot sa harap ng kaibigan ko telling her your stupid intentions and secondly bakit sa daming babae naman dito sa mundo ay ang kaibigan ko pa ang pinili mong ligawan?"

"Bakit hindi si Star? Bakit hindi ang kaibigan mo? Mabait si Star at matapat siyang kaibigan..." napapikit ako. Anong klaseng tao ba si Star para mahalin ko siya.... Naalala ko yung sa sinehan... yung pinainit niya yung palad ko... yung sa pagpapasaya niya sa mga cancer patients at ang happy ending.

"Masayahin siyang tao sa kabila ng pagsubok. Positibo ang pananaw niya sa buhay, maalahanin, nagbibigay pag-asa sa ibang tao at saka..."

"At saka ano?"

Napalunok ako, "Mahal ko siya." napabuntong hininga ako, "Mahal ko ang kaibigan mo hindi pa sapat na dahilan yun."

"Sa ngayon paniniwalaan kita pero sa oras na nalaman kong niloloko mo lang siya hindi ko ako magdadalawang isip na umuwi ng Pinas at sugurin ka!"

at saka binaba ni Princess ang phone.

Ako naman... natulala ako sa sinabi ko. Parang napagtanto ko kung gaano ka-lovable ni Star.

Napahawak ako sa dibdib ko, bumibigay na ba ang puso ko sa babaeng yun?

"Grabe flowers na naman." ang sabi ni Star sa akin sabay pasok sa kuwarto niya upang ipakita sa akin kung gaano kadaming bulaklak na ang nakadisplay sa kuwarto niya ,"Salamat na rin sa mga flowers mo bumango tuloy ang kuwarto ko. Nagkaroon ng fresh air."

Umupo ako sa kama niya, "Tinawagan ako ni Princess."

Natigilan si Star sa pag-aayos ng bulaklak.

"Ikaw ba ang nagbigay ng number ko sa kanya?" ang tanong ko kay Star.

"Ehhh, hiningi niya."

"Walang tiwala sa akin ang kaibigan mo, iniisip niya ginagamit lang kita para makaganti ako sa kanya."

Napayuko si Star, "Sorry ha. Bestfriend ko kasi talaga yang si Princess kaya talagang nag-alala siya para sa akin."

"Ikaw ba?" ang tanong niya sa akin, "Yun din ba ang iniisip mo sa akin?"

Nanatili lang siyang nakayuko, "Star."

"Oo, katulad ni Princess wala rin akong tiwala sayo."

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTWhere stories live. Discover now