12

963 18 0
                                    

"Wala akong tiwala sayo."

"Frankly, sa tingin ko Beto, ginagamit mo lang ako."

Napayuko ako. Sabi ko naman kay Boss Grego hindi madali ang pinagagawa niya sa akin.

"Paano mo nasabing ginagamit lang kita?" at tumingin ako sa kanya ng diretso.

"You have many reasons to use me."

"Katulad ng ano?"

"Katulad ng sinabi ni Princess revenge, pwede ring financial o kahit na ano."

"Sa ngayon." at tumayo ako, "Wala akong pakialam kung maniniwala ka sa akin o hindi pero Star gagawin ko ang lahat para maniwala ka sa akin."

Lumapit ako kay Star at tinignan ko siya diretso sa kanyang mga mata, "Kilala mo ako Star. Alam mo ang kaya kong gawin para mahalin din ako ng babaeng mahal ko at katulad non higit pa ang effort na gagawin ko sayo."

Nilapit ko ang mukha ko kay Star at kita ko pagkatulala sa mukha niya.

Hinawakan ko ang baba niya, "Hindi na ako magpapatalo ngayon. Sisiguraduhin ko na makukuha ko ang gusto ko... at ikaw yun." inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya.

Napapikit naman si Star, akala niya siguro hahalikan ko siya.

Pero bakit hindi? Kami lang naman dito sa kuwarto niya, bagong toothbrush naman ako at mukhang siya rin. Tapos ang pupula pa ng labi niya... mukhang masarap talagang halikan.

Inilapit ko pa ang labi ko sa kanya....

"Star."

Biglang napadilat si Star at napalingon ako.

Istorbo! Si Boss Grego!

"Am... Papa." lumapit si Star sa tatay niya, "Pinakita ko lang kay Beto yung room ko na napuno na flowers niya."

"Ah ganon ba? Akala ko kasi kung anong flowers na ang dinidiligan nitong si Beto." at napatingin sa akin si Boss Grego, "Nakaahin na sa baba. Kumain na kayo."

"Sige Pa. Susunod na kami." ang sabi ni Star sa tatay niya.

Nang makaalis na si Boss Grego ay lumapit sa akin si Star, "Kumain na lang tayo baba." at saka siya lumabas ng kuwarto niya at sinundan ko siya.

Kumakain kami ng tanghalian nang mapansin ko ang matatalim na tingin sa akin ni Boss Grego.

"Am... I almost forgot. May macaroni salad pala sa ref wait I'll get it." tumayo siya at nagpunta sa kusina.

"Beto." ang mahinang sinabi sa akin ni Boss, "Tinuka mo ang anak ko."

Katait ko ng ibuga yung kinakain ko sa sinabi ni Boss.

"Trabaho lang personalan." pambihira gusto niyang syotain ko yang anak niya tapos ayaw niyang halikan ko? Ano yun?

"Tandaan mo ito. Hahayaan ko yan dahil pinag-usapan pero sa oras na mabuntis mo ang anak ko... kailangan mo siyang panagutan."

Hindi na lang ako umimik sa sinabi ni Boss Grego at nagpatuloy lang ako sa pagkain.

Kring... kring....

Ang aga-aga namang istorbo ito alas-dos pa lang ng umaga ha.

"Hello?"

"Bata, gumising ka na, maligo ka na at mag-impake ng damit na pang-apat na araw."

Nagising ako sa sinabing yun ni Boss Grego, "Agad-agad?"

"Eh sa kagabi lang nagpaalam sa akin si Star eh. Hindi ko nga alam na nala-book pa siya bukas sa Coron. Sabi niya 6 ng umaga raw ang flight niya kaya nagpabili agad ako ng tiket para sayo."

"Napakamot ako ng ulo.

Dadaanan ka ng tauhan ko riyan para mabilis kang makarating sa airport. Napabook na rin kita ng room sa lodge na tutuluyan ng anak ko."

Ano pa nga bang choice ko? Eh pinaghandaan na pala ni Boss Grego ang pag-alis ko eh. Susunod na lang ako.

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTWhere stories live. Discover now