18

805 16 0
                                    

Waiting....

Napatitig ako sa labi niya...

Sh*t nakaawang ito..

Parang hinihintay ang labi ko....

1....

2....

3....

Click!!!

Napamulat siya ng mata pagkarinig ng tunog na yun.

Nagulat siya nang makitang may hawak akong celphone at kinuhanan ko ang itsura namin na maghahalikan habang sunset ang background.

Ipinakita ko sa kanya ang kuha ko sa celphone ko, "Ito ang masterpiece!"

"Sira burahin mo nga yan!" ang sabi niya habang pilit na kinukuha ang phone ko.

Tumakbo ako at nagpahabol sa kanya, "Ayoko nga. Ang ganda kaya ng pagka-selfie natin dito. Bluetooth ko pa nga ito sayo eh."

Napagod din sa kakakulit sa akin si Star tungkol sa picture namin sa celphone ko kaya sumuko na rin siya sa akin at naglatag na lang kami ng tent dahil lumalalim na ang gabi. Tig-isa kami ng tent ni Star at nagbukas kami ng bonfire dahil wala namang kuryente sa isla na iyon.

Magkatabi kaming nahiga sa buhanginan at pinagmamasdan ang kalangitan.

Ang linaw ng kalangitan sa lugar na iyon... wala kasing pollution kaya kitang-kita ang dami ng stars.

"Ang ganda ng stars."

"Magaganda talaga kaya nga kapangalan mo sila eh kasi maganda ka rin."

"Nambola ka na naman." ang sabi niya sa akin.

Itinaas ko ang isang kamay ko sa ere kunwari namimitas ng bituin sa kalangitan , "Ang hirap abutin ng star."

"Nahihirapan ka na ba?"

Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang pagsabi niya sa tanong na iyon.

"Kung may gusto kang abutin.... kakayanin mo lahat... kahit mahirap."

"Paano kung hindi ka magtagumpay, paano kapag di mo makuha ang gusto mo?"

Ngumiti ako, "Eh di sorry na lang. Pero sana... sana maawa naman siya sa akin at mapansin ang effort ko."

Sinagot ako ng ngiti ni Star, "Inaantok na ako." saka siya tumayo, "Pasok na ako sa tent ko."

"Wala ba akong goodnight kiss? Pa-thank you mo na lang sa akin sa pagtayo ng mga tent at pagsindi ng bonfire."

Huminto siya sa paglalakad at lumapit sa ulunan ko.

Ayan na...

Umupo sa bandang ulunan at tinitigan ako.

Ngumuso ako, "Kiss na."

Ngumiti si Star at saka ako dinampian ng smack na kiss sa noon ko, "Goodnight and sweet dreams." at saka siya tumayo at pumasok ng tent niya.

Grabe... first time kong matulog sa tent kaya parang namamahay ako. Parang isang oras lang ata ako nakatulog tapos gising na naman ako.... saka siguro hindi rin ako makatulog dahil alam kong andyan lang naman si Star tapos kiniss pa niya ako sa noo.

Hindi na talaga ako makatulog at naiinip na ako rito sa loob ng maliit ng tent na ito kaya lalabas na lang ako.

Pagbukas ko ng zipper ng tent ko ay nakita ko si Star na nakatayo sa dagat. Hindi rin siguro siya makatulog.

Nanlaki ang mga mata ko nang hinubad niya ang suot niyang summer dress.

Biglang nag-init ang pakiramdam ko nang makitang undies lang ang suot ni Star. Ang kinis ng likod niya at ang ganda ng kubra ng katawan niya.

Halos lumuwa na ang mga mata ko nang inalis ni Star ang natitirang saplot sa katawan niya.

Nakita ko tuloy ang buong nudity ni Star. Ang tambok ng pwet niya... sarap pisilin....

Napahawak tuloy ako sa unan ko... pinisil ko iyon... parang pwet ni Star....

Naluluha na ako sa nakikita kong view... ang ganda.. sobra.... Pls Star humarap ka sa akin gusto kong makita yung kabuuan mo... malaki rin kaya yung nasa harapan niya.

Pero tila binibitin ako ni Star.... hindi siya humarap...

Lumusong siya sa dagat at nagswimming.

Nakita ko pa ngang hinihilamos niya ang mukha niya ng tubig dagat...

Hinahawi pa niya yung buhol niya sa mukha niya....

Sarap na sarap siya tubig....

Napakagat ako sa tela ng tent... nanggigil na ako sa kagandahan at kaseksihan ng babaeng ito.

Boss Grego... sorry po kung konting konti na lang ay susunggaban ko na itong anak niyo.

Inalis ko ang suot kong T-shirt... init na init na ako promise.

Gusto ko ng sugurin si Star...

Pero napahawak ako sa T-shirt ko...

Hindi nga alam ni Star na nasisilipan ko na siya eh.

Exhale inhale... kailangan kong magpigil.

Kaya isinarado ko na lang ang tent at nahiga.

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon