27

800 16 1
                                    

Masama ba....

Napasandal ako sa pader na katabi ng pintuan sa narinig kong yun.

"Papa, okey na ako. Tanggap ko na hanggang doon na lang ako."

Kahit hindi ako nakatingin ay ramdam ko ang nangangatal na boses ni Boss Grego "Tanggap mo na kasi hindi ikaw ang mangungulila... hindi ikaw ang malulungkot.... hindi ikaw ang mag-iisa at hindi ikaw ang iiyak kada gabi at ang mag-iisip na sana ginawa ko lahat."

Narinig ko ang paghikbi ni Star sa sinabi ng kanyang ama sa kanya. Pati ako napapikit... napaluha.

"Anak nakikiusap ako sayo.. lahat naman gagawin ko.... wag kang sumuko."

"Papa natatakot kasi ako, baka maging katulad lang ako ni Mama. Binigay natin lahat para mabuhay siya pero wala namang nangyari eh."

"Please anak.. maniwala ka lang na madami pang rason para mabuhay ka ng matagal."

Napayuko ako.

Si Boss Grego... hindi iyan ang pagkakakilala ko sa kanya... ni hindi rin pumasok sa imagination ko na gaganon siya... ang isang tigasin na gang leader. . magiging mahina.. magmamakaawa... makikiusap... at iiyak sa harapan ng anak niya.

Para tuloy biglang nagbago ang tingin ko sa kanya.... hindi takot... kundi awa.... paghanga.... bilang ama na gagawin ang lahat para sa anak niya.

Sa pagkakataong ito.... naiinggit ako kay Star... sobrang mahal siya ng tatay niya.

"Beto.." paglabas ni Star sa kuwarto ng tatay niya ay naabutan niya akong nakasandal pa rin sa pader na yun.

Pinunasan ko ang mga mata kong namamaga na sa kakaiyak sa kanilang mag-ama.

"You heard everything."

Tumango ako.

"Pumunta ka sa kuwarto ko, hintayin mo ako ron. Let's talk."

at sumunod ako.

Nakaupo ako sa kama ni Star nang pumasok siya ron dala ang notebook na nakita kong sinusulatan niya sa basement.

"May gusto akong ipakita sayo." ibinaba niya ang dala niyang notebook sa kama.

Napalunok ako nang tinanggal niya isa-isa ang butones ng polo niya sa harapan ko habang ang mga mata niya ay nakatingin pa rin sa akin.

"Star, hindi mo kailangang gawin yun."

Tumambad sa akin si Star na bra lang ang suot na pang-itaas, "Kailangan..."

Inabot niya ang hook sa likod ng bra ay sabay tinanggal ito sa harapan ko.

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon