7

1.1K 20 0
                                    

Sa Sinehan...

Gamit ang pera na bigay ni Boss ay bumili ako ng tiket sa sine pati na rin popcorn at drinks.

Dahil sa love story ang pinapanood namin ay madami kaming nakasabay na magsyosyota o magasawa sa sinehan.

Magkaholding hands sila habang nanonood ng sine.

Sabi sa mahiwagang script ni Boss Grego diskartehan ko raw ang anak niya kapag emotional na ang mga eksena sa pelikula... dahan-dahan ko raw hawakan ang kamay ng anak niya.

Dumating na ang emotional scene.... iyak ng iyak yung bidang lalaki kasi nag-aagaw buhay yung bidang babae.

Naglalabasan na ng tissue at panyo sa sinehan.

"Hu... Hu... Hu..." napatingin ako kay Star iyak siya ng iyak sa eksenang yun. Ito na yata ang tamang timing... teka? paano ko hahawakan ang kamay niya.

Nilagay ni Star ang isang kamay niya sa may hawakan sa upuan

Sakto ito! Sisimulan ko na ang sinasabi ni Boss na the moves.

Nilagay ko sa hawakan ang isang kamay ko at tinabi yun sa kamay niya.

Isa-isa kong dinala ang lima kong daliri sa ibabaw ng kamay niya.... at yun nakahawak na ako sa kamay niya.

Tumigil sa pag-iyak si Star at napatingin sa kamay namin, "Beto..."

"Star..."

"Bakit nanlalamig ka?"

Hala... nahalata yata niyang kinakabahan ako.

"Am malamig kasi rito sa loob eh. Gusto ko nga ng... warm."

Natawa si Star sa sinabi ko.

"Akin na yung isa mo pang kamay."

Ibinigay ko naman.

Itinaas niya ang mga palad niya at saka ikiniskis don ang mga palad ko hanggang sa magkaroon ito ng friction at mag-init ang palad ko.

Napangiti ako... ang sweet talaga ni Star... bakit parang nakukuryente ata ako sa tuwing magdidikit ang mga palad namin.

"Oh, giniginaw ka pa ba?" ang tanong niya sa akin.

"Nawala ng kaunti. Salamat."

Ngumiti siya sa akin at nagfocus uli sa pinapanood naming pelikula.

"Ganda rin nong film noh.. happy ending." ang sabi ni Star sa akin habang minamaneho ko ang kotse nila.

"Pero pilit din. Pinilit nong director na buhayin yung character na dapat patay na para maging happy ending. Alam kasi nilang madaming fans ang madidisappoint kapag di nagkatuluyan yung magkalove teams. Tsk tsk.. . hindi realistic."

"Pero they make the viewers happy." ang sagot niya.

"Pero hindi pa rin realistic."

"Ano ba ang realistic para sayo? Yung malungkot na buhay?"

"Yung death. Reality yun di ba? Lahat ng tao mamatay."

"Oo pero may namamatay ng malungkot at meron ding masaya... nasa tao yun."

Napahinto ako sa pagmamaneho.... naalala ko si Mama. Hindi ko alam kung nalungkot siya nong iwan niya kami... pero kami .... hindi na kami naging masaya nong nawala siya. Hindi kami happy ending.

"Beto? May problema ba?"

"Naalala ko lang yung Nanay ko."

"Graduating tayo nong highschool nung inatake siya di ba?" ang sabi niya at tumango ako.

"Naisip ko lang... masaya kaya siyang iniwan niya kami.... kasi kami ng tatay ko. .. hindi na kami naging masaya."

Bakit pa kasi naungkat ang kamatayan... nag-emo tuloy ako.

"Ang Tatay ko kung saan-saan binaling ang atensyon niya para malabanan ang depresyon niya... nalulon siya sa sugal at sa alak hanggang sa pati ako nadamay din.... hindi nasunod yung gusto kong maging engineer. Naisip ko lang siguro kung buhay pa rin si Mama.... maayos ang buhay namin." at hindi ako siguro mapipilitang pumatol sa kagustuhan ng Tatay mo.

"You know what Beto. .. I still believe in happy endings.... kahit napakapait ng pinagdadaanan natin sa buhay. Remember my story? My mother died in cancer when I was 10.... bata pa ako non pero hindi ko makakalimutan yung mga masasayang pinagsamahan naming mag-ina. Alam ko nagsuffer siya sa sakit niya.... alam ko rin na she died happily.... dahil sa kalagitnaan ng karamdaman niya ay di pa rin siya nagkulang sa akin. Sinugurado niya na makakapag-iwan siya ng magagandang memories sa akin. Yun. .. para sa akin happy ending yun."

Napangiti ako.... kahit na... di ko pa rin siya ma-gets. .. siguro masyadong bata siya noon nung naulila siya sa ina kaya madali siyang naka-move on."

Inistart ko na lang ang sasakyan dahil hindi naman kami magkakaintindihan ng babaeng ito, "Uwi na nga lang tayo."

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon