8

1.1K 18 0
                                    

"Hoy Brad hindi ba dapat undertime ka ngayon dahil may date ka pa sa gangster princess na yun?" ang sabi sa akin ni Gibo

"Tapusin ko lang itong isang to." ang sabi ko habang inaayos ang isang makina.... sayang din naman kasi itong unit na ito eh.

"Brad umalis ka na bago pa tayo sugurin uli ng mga goons na yun." ang sabi ni Gibo, "Ako na lang ang magtutuloy niyan "

"Brad."saka ako kumuha ng isang basahan upang punusan ang ma-grasa kong kamay, "Nahihiya ako sa nangyari nong isang gabi .. katait nang madamay itong talyer."

"Eh basta Brad sa susunod wag mo ng ipahamak ang trabaho natin.... hindi naman pala krimen yung pinagagawa sayo ng gangster leader na yun eh."

"Hindi nga krimen pero labag pa rin sa prinsipyo ko." ang sabi ko.

"Anong prinsipyo? Yung ayaw mo ng ma-inlove?"

"Ayokong manloko ng babae."

"Malay mo habang tumatagal ma rerealize mo hindi mo na pala siya niloloko. tinatamaan ka na talaga sa kanya."

"Hindi mangyayari yun. .. hindi kami compatible.... magkaiba kami." ang sabi ko kay Gibo.

"Opposites attract."

"Hoy Beto!" dumating ang manager namin "Ano pang tinatanga-tanga mo riyan?! Tumatawag na yung mga goons.... sunduin mo raw yung anak ng boss nila! Hala sige lumarga ka na bago tayo sugurin ng mga yun dito!" dahil sa lakas ng boses ni Manager ay napasunod na lang ako sa kanya.

Gamit ang isang tini-test drive namin ay pinuntahan ko si Star sa photo studio.

Napangiti ako sa mga naka-display na portrait sa studio pati na rin ang mga diploma ni Star sa photography school.

Nakakainggit talaga itong babaeng ito . nagagawa niya ang gusto niya (hindi katulad ko)

"Okey last shot baby smile." ang sabi niya sa baby na kinukuhanan niya ng litrato. Natuwa naman ako dahil kahit parang months old pa lang yung baby ay napapasunod niya na ito sa kanya.

"Galing naman."

Napalingon sa akin si Star.

Pinapack up niya na ang kanyang model at hinarap ako.

"Galing non.... napangiti yung baby."

"Sanayan lang." ang sagot niya sa akin, "Naligaw ka?"

"Sinadya kita." sabay abot sa flowers na dala ko, "Para iabot ito sayo.'

"Huh, flowers na naman? Gagawin mo talagang flower garden ang kuwarto ko noh."

"Sabi ko naman sayo di ba."

"Am... Beto sorry ha... pero di tayo makaalis ngayon eh. May scheduled lakad kasi ako."

"Ah ganon ba? Saan ba yun ihatid na kita ron."

Nagulat ako nang pumasok kami ni Star sa isang compound na may pangalang "Little Rainbow Foundation"

Pinagbitbit ako ni Star ng mga dala niyang laruan at mga pagkain para sa mga bata ng foundation.

Nanlaki ang mga mata ko pagkakita sa mga bata...

Ang papayat nila, ang tatamlay ng mukha, may nakawheel chair, may nakasuot ng tubo sa ilong tapos karamihan sa kanila walang buhok.

"Hi mga bata andito na ang Ate Star niya."

Sabay suguran ng mga bata kay Star para kunin ang mga laruan na binili nito sa kanila.

"Star hindi naman Pasko nagpapamigay ng mga laruan sa mga bata." ang sabi ko sa kanya nang matapos na niyang ibigay ang mga regalo niya.

"Ganito kasi yun sabi mo nga in reality pwedeng bukas isa sa mga batang ito ang kunin ni Lord at least dito kahit sa maliit kong paraan napasaya ko siya kahit papano."

"Ah... happy ending. Matagal ka na bang nagpupunta rito?"

Two years ago naging project namin ang lugar na ito sa photography class. Ginawang challenge sa amin na bigyan ng masayang aura ang lalunos lunos na condition ng mga batang ito. Tapos nong first time kong magpunta rito naaalala ko pa si Mama."

"At naalala mo yang happy ending."

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTWhere stories live. Discover now