29

750 13 0
                                    

Saklap!

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya ...

Para akong napahiya...

Parang ang pangit ko?

"Pa thought that dahil sa scrapbook pero that's years ago. Naka-move on na ako sayo."

Naka move on ka nasa akin... pero ngayon pa lang ako na iinlove sayo.

Sh*t! Sana nagmatigas na lang ako eh.... sana di na lang ako pumatol sa deal na ito eh di sana di na ako nasasaktan ng ganito.

"Papa is so naive to think that's you pero.... that's him."

"Him?"

Tumango siya, "Oo siya lang naman ang nag-iisang lalaking mahal ko eh."

Natawa ako ng malakas, grabe ang naive nga ng Tatay niya!

"Siya ang lalaking gusto kong makasama sa mga huling sandali ng buhay ko. Buong buhay ko kasi naging busy siya sa pagiging gangster para buhayin kaming mag-ina dahil may sakit si Mama.. pero ang hindi niya alam, we don't need these riches.... yung presence niya ang kailangan ko."

Inabot sa akin ni Boss Grego ang Statement ng utang naming mag-ama sa kanya.

Napahinga ako ng maluwag...

Halos kalahati na rin pala ang naihuhulog ko sabagay mahigit dalawang buwan na rin kaming magkasama ng anak niya.

"Boss, bayad na pala yung halos kalahati ng utang namin.Siguro po kaya pong bayaran yun sa sarili kong sikap." ang sabi ko sa kanya.

Napakunot ng noo si Boss Grego "Anong ibig mong sabihin?"

"Ititigil ko na po yung pinag-usapan natin tungkol sa anak niyo."

"Bakit?"

"Kasi po hindi po ako ang kailangan niya. Nagkamali po kayo, sinabi po sa akin ni Star na hindi ako yung lalaking tinutukoy niya na mahal niya na gusto niyang makasama."

"Ang ibig mong sabihin may ibang nagugustuhan ang anak ko?"

Umiling ako, "Boss, kayo po yun. Kayo po yung lalaking gusto niyang makasama. Alam po ni Star ang tungkol sa pagiging gang leader niyo at sana raw po ay magkaoras po kayo sa kanya."

Napayuko si Boss Grego tila nagsisi siya dahil hindi man lang napansin na siya pala ang gustong makasama ng anak niya.

"Sige po Boss. Hanggang dito na lang po ako." at tumalikod ako upang lumabas ng kuwarto niya.

"Beto.... mahal mo ba ang anak ko?"

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTحيث تعيش القصص. اكتشف الآن