19

830 18 0
                                    

Star...

"Star... ah...."

Grabe akalain mo andito na sa loob ng tent ko si Star. Hinahalikan ko na siya habang akap-akap ko ang katawan niyang kanina-kanina lang ay pinagnanasahan ko.

"Star.... I .... love.... you...."

"Beto gising na! Parating na yung bangkang susundo sa atin."

Bigla kong nimulat ang aking mga mata....

Panaginip lang pala...

Akala ko naman pinasok na ako ng babaeng yun dito sa tent ko.

Nagsuot ako ng T-shirt at pagbukas ko ng tent ay mukha agad ni Star ang sumalubong sa akin.

"Hoy kumilos ka na riyan... darating na ang bangka."

Nakat-shirt na maluwag si Star at nakashorts na hanggang tuhod pero nakakainis naalala ko pa rin yung nakita ko kagabi.

Inhale exhale....

"Nakatulog ka bang mabuti?' ang tanong niya sa akin habang nililigpit namin ang tent.

"Ha?" Paano kaya ako makakatulog ng mabuti sa nakita ko, "Medyo."

"Huh, parang hindi naman. Mukha ngang ang sarap ng tulog mo eh. Di ka lumalabas ng tent."

Akala mo lang yun...

Ngumiti lang ako sa kanya.

Awkward....

Hindi ko alam...

Pagkatapos kong makita ang halos lahat naging ganito na ako kay Star.

Walang imik .. di nagsasalita ... tapos parang umiiwas na ako sa kanya.

Feeling ko kasi isang dikit pa ng balat ko sa balat niya mag-aalab na ang damdamin ko.

Pagkababa namin sa port ay niyaya niya akong mamasyal upang mamili ng pasalubong. Tumanggi ako... sabi ko siya na lang matutulog muna ako sa lodge dahil hindi ako nakatulog kagabi.

"Bakit para kasing ang tahimik mo? May sakit ka ba?" Nilagay niya ang kamay niya sa leeg ko. Nagulat ako nang magdikit ang balat namin kaya inalis ko agad.

"Okey lang ako. Gusto ko lang matulog."

Tumango naman siya.

Namasyal sa buong town habang ako bumalik na lang ng lodge dala ang gamit namin.

Ano bang nangyayari sa akin? Hindi ko makalimutan si Star?

Hindi lang ito yung tungkol kagabi kundi na rin yung mga nakaraang araw....

Yung ganda ng mukha niya..

Yung way ng pagsasalita niya...

Yung tawa niya....

Yung kabaitan niya....

Star... Star.... Star...

Napupuno na ng Stars ang isipan ko.

Nag-order ako ng beer at uminom sa kuwarto ko.

"Kalimutan mo siya. Hindi ka dapat mainlove sa kanya dahil paniguradong masasaktan siya kapag nalaman niyang kaya ka nakikipagdate sa kanya upang makabayad ka ng utang sa tatay niya. Problema yang pinapasok mo Beto... sa tingin mo ba paniniwalaan ka niya kung totoo mang naiinlove ka na sa kanya." uminom ako ng beer pero hindi ko pa rin mapigilan ang damdamin ko. Naibagsak ko tuloy yung bote ng beer at nadulas yun sa kamay ko. Nabubog tuloy ang kamay ko.

"Beto!" narinig siguro ni Star ang pagkabasag ng bote kaya napasugod tuloy siya sa kuwarto ko.

Nang makita niya ang nagdudugo kong kamay ay agad niyang kinuha ang alcohol niya at binuhos yun sa kamay ko.

"Aray!" ang hapdi. Pero mas masakit itong nararamdaman ko kay Star.

"Sorry. " kumuha siya ng panyo at ibinalot yun sa kamay ko.

Akala ko naman bibitawan niya na ang kamay ko nang bigla niyang ikinulong ang dalawang kamay niya sa kamay kong may sugat parang minamasa-masahe ako ron.

"Okey na? Wala ng sakit?"

"Nawawala na." ang sagot ko sa kanya.

Inilagay niya ang kamay kong yun sa lips niya at hinalikan ito.

"Ayan.... kiniss ko na hindi na sasakit yan."

"Masakit pa rin eh." ang sabi ko.

"Ganon? Eh ano na lang ang gagawin ko?"

Hinablot ko ang batok ni Star at hinalikan siya sa labi.

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTWhere stories live. Discover now