20

812 18 0
                                    

Halik....

Hinalikan ko siya ng mariin sa labi niya.

Nong una parang nagulat siya, di kasi siya makagalaw pero nong ipikit niya na ang mga mata niya ay saka na siya sumunod sa agos ng paghalik ko.

Tumugon siya sa mga halik ko...

Napakapit pa nga siya sa ulo ko para maslalong lumalim ang paghahalikan namin.

"Hmmmmm...." Napangiti ako sa ungol niyang yun kaya maslalo ko pang nilaliman ang paghalik ko sa kanya.

Hindi na namin namamalayan na nakahiga na pala siya sa kama ko at ako ay nakaibabaw na sa kanya.

"Ahhh.... Beto..." kanina lang ito ang napapanaginipan ko sa tent. Si Star tinatawag ang pangalan ko habang hinahalikan ko ang leeg niya.

Nagsimulang kumilos ang kamay ko. Kinuha ko ang dulo ng T-shirt niya at sinimulang itaas ito nang...

"Beto wait." hinawakan niyang bigla ang kamay kong yun upang pigilan ako.

Mula sa pagkakahiga ay umupo siya sa kama upang ayusin ang shirt niya.

"Am nagdala pala ako ng pagkain mo." sabay abot ng isang plastic ng pagkain "S-sige mag-iimpake na ako maaga pa tayo bukas."

"Star tayo na ba?" ang tanong ko sa kanya, "Tayo na di ba?"

Bumuntong hininga siya, "Siguro." sabay labas ng kuwarto ko.

Napahawak ako sa labi ko.... di ko mapigilan ang mapangiti.... grabe.... girlfriend ko na si Star.....

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTWhere stories live. Discover now