32

751 15 0
                                    

Hmmmm.....

Mula sa bigating presentation ay sa halikan kami nagtuloy.

Dinala ko siya sa sasakyang dala-dala ko at doon kami naghalikan.

Nakapalupot ang braso niya sa batok ko habang yakap-yakap ko naman ang likuran niya.

Painit ng painit ang paghahalikan namin nang bigla niya iyong pinutol at umupo siya ng tuwid parang bigla siyang nag-alala.

"Star may problema ba?"

"Nagwoworry lang ako. Mula kasi nang makasama kita ulit humahaba na ang listahan sa bucket list ko. Beto natatakot ako baka hindi ko na magawa ang lahat ng yun ilang araw na lang ako."

"Shhh..." at saka ko nilagay ang hintuturo ko sa labi niya

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya, "Alam mo ba kung bakit habang tumatagal ay humahaba ang listahan ng bucket list mo? Kasi mabubuhay ka pa ng matagal.... sabay nating tutuparin at dadagdagan ang nakalagay sa notebook mo hanggang sa pagtanda natin. Wala tayong palalampasin... sabay tayong lalaban sa buhay."

ngumiti sa akin si Star at niyakap ako.

Nakaupo ako sa kama ng kuwarto niya nang inabot sa akin ni Star ang notebook ng bucketlist niya.

"Ano bang madali-dali rito?" ang tanong ko habang binabasa ko ang mga nalagay sa notebook na iyon.

Nagugulat ako sa mga nakalista ron.... ang haba nga at ang hihirap.

May iikutin niya ang buong Pilipinas kasama ako....

Pupunta siya sa ganitong bansa....

Yung iba ang weird.

"Ang labo noh " ang sabi niya, "Imposible ko talagang magawa lahat yan."

"Shhh..." ang saway ko sa kanya, "Posible lahat yan! Magagawa natin lahat yan maniwala ka lang!" ang sabi ko na lang sa kanya para magkaroon siya ng positive attitude kahit may nakalagay doon na gusto niyang maging si Darna at si Dyesabel.

Binuklat ko pa ng binuklat ang notebook na iyon hanggang sa may nabasa ako.

"Shoot!" at itinuro ko sa kanya ang isang item na sinulat niya , "Gagawin natin ito ora mismo!"

Tinignan naman ni Star ang itinuro ko at bigla siyang namula, "Shocks!" tinakpan niya ang mukha niya ng mga kamay niya, "Naku po... nakakahiya naman bakit ko ba naisulat yan."

Napakunot ako ng noo sa sinasabi niya. Anong nakakahiya ron?

"Nakakahiya talaga, kababae ko pa namang tao. Beto wag mo sanang isipin na ma-L ako ha."

Napatingin ako uli sa item na itinuro ako at kahit ako ay nagulat sa nakasulat don... ang isa sa mga nasa bucket list niya ay:

-Makipagsex.

My HEART is in 120 DAYS INSTALLMENTWhere stories live. Discover now