Chapter 5

519 14 4
                                    

Abby's Note: Dedicated to a Wattpad Author who loves KathNiel as much as I do. And aside from that, I love her ABKA story – Hopin' that KN will be the chosen actors to play the Lead Roles. *M*

-----------------------------

Chapter Five

Welcome



IMINULAT ko ang aking mata. Pakiramdam ko ay sobrang tagal kong nakatulog. Para akong napagod na hindi ko alam.

Puti ang unang kulay na bumungad sa akin. Pumikit-pikit pa ako dahil medyo nanlalabo pa ang aking mga mata.

Pero teka, Nasaan nga ba ako?


"Kath .. Kath!" Medyo nahihirapan pa rin ako ngunit hinanap ko pa rin ang taong sumigaw ng aking pangalan.


Nakita kong nakaupo sina Mommy at Jillian sa tabi ng hinahigaan ko. Dahan-dahan akong gumalaw upang makaupo.

Tinulungan naman ako ni Mommy at hinayaang makasandal ang aking likod sa kung anumang bagay ang pupwede kong sandalan.


"Mom? Jillian? What .. Where .. ?" Hindi ko maituloy ang kung ano ang gusto kong sabihin. Mukhang nakuha naman 'yun ni Mommy kaya siya na mismo ang nagpaliwanag sa akin.

"Baby, you .. You fainted!" Sabi ni Mommy. Halata pa rin sa boses niya ang pag-aalala.


Iginala ko ang aking mga mata at natagpuan kong nasa isang hospital room pala ako. Siguro kaya kulay puti ang una kng nakita dahil nasa isa akong private room.


"Fainted? I don't understand. H-how?" Naguguluhan kong tanong kay Mommy. Napabuntong-hininga naman siya bago nagsalita.

"Baby, I d-don't know how and why? But you're Dad just saw you holding your head as if it's aching. Then, the last thing happened .. you totally fainted!" Napansin ko ang paghihirap sa boses ni Mommy. Mukhang nahihirapan siyang ipaliwanag sa akin ang mga nangyari dahil siguro ay wala rin s'yang alam.

"D-dad? Where is he?" Paghahanap ko kay Daddy. Kung sinasabi ni Mommy na si Daddy ang nakakita sa akin, baka masabi sa akin ni Daddy kung bakit nga ba ako nandito ngayon.

"Bestie .. Wala si Tito Edward dito. Bumili ng pagkain mo, baka kasi magutom ka na pagkagising mo." Si Jillian na ang nagsalita. Tingin ko ay napansin niya rin na nahihirapan si Mommy sa sobrang pag-aalala. Napatango na lang ako.


Tumayo na si Mommy. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong nagbabalat na siya ng iilang prutas na nasa table katabi ng hospital bed ko. Napahinga na lang ako ng malalim.

Hindi ko talaga maalala kung bakit nahimatay ako kagaya ng sabi ni Mommy. Bakit nga ba wala akong maalala? Anong nangyari?

Habang nagbabalat si Mommy at naramdaman kung may humawak sa kaliwang kamay ko. Napatingin naman ako kay Jillian. Napansin ko namang teary-eyed na siya. Papaiyak na?


"Bestie, pwede sa susunod mag-iingat ka na. 'Wag mo na kaming pinag-aalala." Napatingala siya para pigilin ang mga luhang nagbabadyang tatakas na. Ngumiti ako sa hinawakan din ang kamay niya. Ito talagang bestfriend ko, ang OA lang.

POLS1: Their PROMISE of FOREVER [Inspired by: Pangako Sa'yo - KathNiel Remake]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon