Chapter 15

370 11 5
                                    

Abby's Note: Dedicated to Her. I'm really surprised when I found out that she's a 'FIFTY SHADES Addict', like me. I so love CHRISTIAN GREY too. And if I'm not mistaken, her 'LOVING SEBASTIAN GREENE' story was inspired by E.L.James's FSOG. That's why I'm kinda fascinated. I've have just started reading it but I'm already loving her 'LSG'. :)

Another thing is, I've found out that she's collecting 'KathQuen stories' in her reading List. Kindly Correct me if I'm wrong. Are you a KathCake, Ate Dean? :">

--------------------------

Chapter Fifteen

Too Close!



YAKAP-YAKAP pa rin ako ni Angelo nang mga sandaling iyon. Kusang umakyat ang mga kamay ko upang ibalik ang yakap na binibigay niya at pumikit. Hindi ko alam kong bakit pero tingin ko ay iyon ang dapat – ang yakapin din siya.

Naramdaman ko ang mas malakas na ihip ng hangin. Nagmulat ako ng aking mga mata at nakita ang papalaking patak ng ulan. Hindi na ganoon kaliwanag ang paligid dahil sa papagabi na ngunit hindi nakatakas sa aking mga tingin ang langit na tila nagbubuhos ng galit.

Kumalas ako sa yakap ni Angelo at direktang tiningnan siya sa mata. Napansin ko ang pag-aalalang sumisigaw sa kanyang mga mata.


"Kumusta ka? O-Okay ka lang ba, Kathryna?" Napakagat-labi ako sa tanong niya. Yumuko ako sandali. Hindi ko maintindihan kung bakit tila nakakaramdam ng konting saya ang puso ko, gayong simpleng tanong lamang iyon.

"O-Okay lang naman ako, Angelo. Sa-salamat at nakita mo 'ko." Sagot ko sa tanong ni Angelo at muling tiningnan siya. Inaalala kong hindi dapat ako nagpapadala sa simpleng pag-aalala niya ngunit hindi ko mapigilan kaya naman, napapangiti na lang ako.


Saglit akong tiningnan ni Angelo. Tila sinusuri ang aking mga sinabi sa kanya. Hindi ata naniniwala sa akin ang isang 'to. Bakit ganun? Masyado bang kaduda-duda ang sinagot ko sa kanya?

Napabuntong-hininga siya at mariing pumikit.


"Sige .. Sabi mo eh. Halika na!"


Pumwesto si Angelo sa tabi ko para sabayan ako sa paglalakad. Ilang sandali pa'y naramdaman ko ang kamay niya dahan-dahang dumadampi sa kaliwang kamay ko. Napatingin ako sa bahaging iyon at ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang tuluyang hinawakan niya na ang aking kamay.


Bigla akong tumingin sa kanya. Nagtataka ako! Bakit niya hinahawakan ang kamay ko?


Naramdaman siguro ni Angelo na hindi pa ako nagsisimulang humakbang kaya tumingin siya sa akin kasabay ng marahang pagpisil ng kamay kong hawak-hawak niya. Ngumiti siya na para bang sinisigurado na okay ang lahat. Nakaramdam ako ng iilang boltahe ng kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Agad kong sinimulan ang paglalakad at sandaling pumikit para alisin ang namumuong damdamin sa akin.

Nanatiling hawak ni Angelo ang kamay ko. Hindi man mahigpit ang pagkakahawak niya ngunit may parte sa akin na ayaw kong bitawan ang pagkakahawak ng aming mga kamay.


It's as if my hand fits perfectly with his. Ayokong tanggalin. Ayoko.


POLS1: Their PROMISE of FOREVER [Inspired by: Pangako Sa'yo - KathNiel Remake]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon