Chapter 12

392 10 3
                                    

Chapter Twelve

Your Mr. Bodyguard



NAHIRAPAN akong makatulog dahil sa insidente kanina. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang kahalay-halay na nangyari sa akin. OA siguro para sa iba pero pakiramdam ko ay masyadong natapakan ang pagkatao ko. Hindi ko kasi matanggap na maliban sa salaming kaharap ko kapag nagbibihis sa araw-araw ay may ibang tao na ang nakakita sa hubad kong katawan. Nakakaloka lang isipin. Siguro ay kung sa iba nangyari ay pagtatawanan ko pa. Ngunit, sa kasamaang palad ay sa akin nangyari kaya wala akong magawa kundi magluksa.

Oras na rin siguro ang nakatulong sa akin para makatulog. Hindi ko na namalayan kung anong oras ako nahimbing. Nagising na lang ako kinaumagahan dahil sa sinag ng araw na tumatama sa glass door ng kwarto ko papuntang balkonahe. Napangiti ako.


Way to go to start my Vacation at Villa Kristina.


Sinimulan kong gawin ang aking morning rituals pagkatapos makapag-inat ng konti. Lumabas ako ng aking silid para makapag-breakfast na. Naabutan kong nasa dining area na sina Lola Anna at Mommy. Masayang nagkukwentuhan at kumakain.

Habang papalapit ako sa hapag-kainan ay napansin kong hindi lang pala dalawang tao ang nasa dining area. Maliban kina Lola at Mommy, may dalawa pang tao ang naroon at kumakain habang kausuap ang una.

Nakaupo silang dalawa at nakatalikod sa akin kaya hindi ko makita ang kanilang mga mukha.


May iba pa palang magbabakasyon ngayong Summer sa Villa?


"Hija! You're awake! Come and Join us!" Si Lola ang nag-aya sa akin nang tuluyan na akong makalapit sa kanila.


Napalingon naman sina Mommy at ang isa pang babae na kung tama ako ay nalalapit lang din sa edad ng Mommy ko. Nakangiti lang sila sa akin. Ganoon na lang din ang ginawa ko.

Agad akong umupo sa silyang inilaan ni Lola para sa akin. Nagtawag naman siya ng isa sa kanyang mga kasambahay upang mabigyan ako ng plato at kubyertos. Nagpasalamat na lang ako nang maibigay iyon sa akin.

Bago ako kumuha ng pancakes para sa almusal ay napatingin ako sa isa pang bisita na kaharap. Nakayuko lamang siya at mukhang nagpipigil ng ngiti. Base sa obserbasyon ko ay lalaki siya.


"Anyway Kath, this is Marinella. She's our cook." Sabi ni Lola habang naglalahad ng kamay sa babaeng kanina ay ngumiti sa akin. Pinapakilala niya sa akin ito.

"Hello po. Kathryna po." Ganting sabi ko bago ngumiti pabalik sa kanya.

"Naku Ma'am Kathryna, ang ganda niyo na po talaga!" Si Ate Marinella na ang nagsalita. Nakatitig lang ako sa kanya pero pakiramdam ko ay pamilyar siya sa akin.

"Thank you po. Pero 'wag na po sana ' Ma'am '. Para naman po akong teacher niyan." Natawa na lang siya nang mahina bago tumango sa akin.

"Loko ka talagang bata ka!" Si Lola na nasa tonong natatawa din.

"At bago pa makalimutan, si Angelo, hija. Siya ang nag-iisang anak ni Ate Marinella mo." Dagdag pa ni Lola. 'Yung lalaking nakayuko naman ang pinapakilala niya sa akin.


Tumingin ako sa direksyon niya. Unti-unti siyang nag-angat ng tingin at ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makilala ang lalaking pinapakilala ng Lola ko.

POLS1: Their PROMISE of FOREVER [Inspired by: Pangako Sa'yo - KathNiel Remake]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon