Chapter 9

418 9 1
                                    

Chapter Nine

She's Nathalie



KASALUKUYAN akong hinahatid ni Kuya Carlos papunta sa isang French Restaurant. Doon kasi kami magkikita ni Kendrix ayon sa napag-usapan kagabi sa pamamagitan ng text conversation. Iyon kasi ang napili kong lugar upang mas magkaintindihan sa gustong sabihin ng bawat isa sa amin.

Nakatingin lamang ako sa bintana ng kotse habang nakaupo sa backseat nito. Iniisip ko ang mga salitang tamang sabihin at tanong para maiwasan ang kung anumang pagkakamali sa pagpapahayag ng nararamdaman ko.

Kagabi ay napag-isip-isip kung tama si Mommy. Iniyakan ko man ng sobra ang nakita ko at nakatulugan ito, eh gusto kong pakinggan ang paliwanag na sasabihin niya kahit pa't nakita ko na at wala ng dapat ipaliwanag. Naisip kong para rin naman kasi ito sa ikakatahimik ko.


"Kuya Carlos, i-te-text na lang po kita kapag magpapasundo na po ako." Sabi ko kay Kuya Carlos bago bumaba ng sasakyan. Tumango naman siya bago umalis.


Pumihit ako paharap sa French Restaurant na napag-usapan namin ni Kendrix at pumasok. Agad akong binati ng taong naka-assign sa Front Row ng Restaurant. Ngiti laman ang isinukli ko sa kanya.

Inilibot ko ang aking paningin at nakitang nasa may sulok na bahagi si Kendrix at prenteng nakaupo na tila sabik sa paghihintay.

Six in the evening ang oras ng aming pagkikita pero fifteen minutes before the exact time ay nandoon na ako. Inaasahan kung ako ang mauuna sa kanya kaya naman nagulat ako ng makitang nandoon na pala siya at nauna sa akin.


Baka excited magpaliwanag, Kathryna! Nasabi ng isang bahagi ng isip ko.


Ayaw ko mang umasa pero hindi ko mapigilan na isiping magkakaayos pa rin kami pagkatapos ng nangyari. Hindi ko alam kung tama pa ba itong nararamdaman ko sapagkat ako na ang naloko pero ako pa rin ang umaasa.

Ang napili kong lugar ay isang fine-dining restaurant kaya naman bibihira lang ang mga taong kumakain sa lugar. Nataon pang walang tao sa oras na napag-usapan namin kaya naman laking pasasalamat ko dahil makakapag-usap kami ng maayos.


"Sorry, did I keep you waiting?" Bungad kong tanong sa kanya. Alam kong pareho kaming maaga sa napag-usapang oras ngunit iyon lang ang tanong na pumasok sa isip ko at sa palagay ko'y tamang sabihin.

"No, Babe." Biglang tumaas ang kaliwang kilay ko sa sinabi niya.


Gusto ko maging civil kami sa isa't-isa habang nag-uusap pero ayokong tinatawag niya ako sa endearment niyang na nakasanayan ko lalo pa't may kasalanan siya sa akin.


"I mean, K-kathryna. You're just on time. Napaaga lang talaga ako. 'Coz I never want to waste any chance explaining my side to you." Pagpapatuloy na sagot niya. Pansin niya siguro na wala ako sa mood para gantihan ang kung ano mang kalandian niya.


Hinawakan niya ang ang kamay kong nakapatong sa mesa. Agad ko iyong binawi mula sa pagkakalapat ng aming mga balat. Gusto kong mag-usap lang kami at hindi iyon magagawa kung hahayaan kung lambingin niya ako nang parang walang nangyari.


"I think, we should order first." Pagkasabi kong iyon ay nakita ko ang pagtango niya ngunit nagtatagis ang kanyang mga bagang. Tila pinipilit niyang ikalma ang sarili mula sa pagkairita dahil sa unti-unting pagbabago ko sa kanya.

POLS1: Their PROMISE of FOREVER [Inspired by: Pangako Sa'yo - KathNiel Remake]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon