Chapter 10

460 7 4
                                    

Abby's Note: Dedicated to Her. I so love her 'CARBONEL SERIES' – especially the 'Red Strings of Fate'. I'm starting to love Ate Jen as well. (^_^)

And oh, by the way .. I've just been informed that she had written a KathNiel FanFic – 'ITS COMPLICATED' \(^_^)/ Thankies Ate Jen for trying to write a KN FF :) 

---------------------------

Chapter Ten

Moving On



ILANG araw matapos ang pag-uusap namin ni Kendrix ay masakit pa rin sa alaala ko ang lahat. Pilit kong kinakaya ang mga nangyari sa nakalipas na araw kahit alam kong mahirap lalo pa't sinasadya ng pagkakataon ang magkita kami.


"Kath .. Please!" Sabi ni Kendrix. Isang araw nang magkita kami. Kapapasok ko pa lang ng unibersidad ng di-inaasahang magkasalubong kami. Nais ko sanang hindi na pansinin pa siya ngunit siya na mismo ang pilit na humagip ng braso ko, dahilan upang mapatigil ako sa paglalakad.


Hinarap ko siya at ganun na lang ang gulat ko nang makita ko sa kanyang mga mata ang paghihirap.


Baka naman namimiss ka na, Kathryna? Biglang sabi ng isang bahagi ng isip ko. Ngunit, agad ko namang pinalis ito sa aking isipan at mariing pumikit. Ayoko na! Ayokong umasa!


"Sorry, Kendrix. But, my best friend doesn't want to talk to you."


Si Jillian ang umagaw sa braso kong kanina lang ay hawak-hawak ni Kendrix. Tinaasan niya ito ng kilay bago ako pinihit patalikod kay Kendrix at naglakad na. Sa isip ko ay lubos akong nagpapasalamat sa bestfriend kong ito dahil sa ginawa niya. Ayaw ko naman talagang makausap si Kendrix. Sariwa pa sa isip ko ang pangyayaring naabutan ko. Kaya, hindi ko pa kaya. Hindi pa. Hindi pa sa ngayon.


Nang araw na nagkausap kami ni Kendrix ay tinawagan ko si Jillian dahil kailangan ko ng makakausap. Kailangan ko ng taong makikinig sa akin. Hindi ko naman naisip pang kausapin si Mommy patungkol dito dahil alam kong may iba rin siyang pinagkakaabalahan. Ayaw ko ng dumagdag pa sa stress ni Mommy.

Pumunta si Jillian sa bahay kinagabihan. Naikwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari base sa nakita ko sa may Locker Room at sa nalaman ko galing mismo kay Kendrix. At kung ayaw ni Jillian kay Kendrix noon, mas kinamumuhian niya naman ito ngayon. Sobrang iniyakan ko si Jillian habang nagkkwentuhan kami. Ingat na ingat pa akong hindi iyon marinig nina Mommy at Daddy na hindi nalalayo ang kwarto sa amin ni Jillian. Hindi na rin namin napansin na masyado na palang lumalalim ang gabi kaya napagpasyahan na doon na lang matutulog sa amin si Jillian. Hindi na rin naging problema ang damit dahil may iilang damit naman siyang naiwan sa kwarto ko tuwing may sleep over kami.

Kasalukuyang naglalakad na kami ni Jillian papuntang University Cafeteria. Bago kasi pumasok ay nagkausap kami, kasama ng ibang mga classmates ko na doon magkikita. Sa Cafeteria kasi kami mag-uusap para sa final presentation na gagawin sa Christian Ethics. Hindi na rin kasi kami mag-ri-written exam ang finals sa subject na 'yun. Bagkus, ay isang debate na lang ang gagawin.


"Seriously Kath, try to avoid Him. You're moving on, remember?" Pagpapaalala sa akin ni Jillian. Gusto kong umirap sa sinabi niya pero hindi ko na lang ginawa. Tama naman siya.

POLS1: Their PROMISE of FOREVER [Inspired by: Pangako Sa'yo - KathNiel Remake]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon