Chapter 26

257 8 6
                                    

Abby's Note: Dedicated to Her. I've just started reading one of her series yet, I can't stop myself from loving her 'MARKED SERIES'. :) It was so damn good and I must admit, some of her stories made me cry. Especially her 'UNREQUITED LOVE' and 'MY BABY'S MOMMY'. Geez. Really want to thank Ms. 'iAmYourLovelyWriter' for sharing her wonderful stories. Keep it up! :D

Anyway, keep safe everyone. Let's hope for the better and pray for the suffering of our world today. God bless us! :D

Here's an update. :') Happy Reading Loves! :*

--------------------------------

Chapter Twenty-Six

Back to School



SADYANG napakabilis ng oras sa mga panahong masaya ka.


Napabuntong-hininga na lamang ako. Ilang araw na magmula ang bumalik ako galing sa pagbabakasyon sa Villa Kristina. At ngayon ang simula ng klase. Back to School na! Kasalukuyang fourth year na ako sa kursong Business Administration. Konting kembot na lang at ga-graduate na ako. Well .. SANA!


Nakatingin lamang ako sa naabot ng tanaw sa bintana ng silid-aralan. Bumubuhos sa aking alaala ang mga huling nangyari bago ako umalis ng Villa.

Magmula ang araw na ma-realize at sabihin kong gusto ko siya, ay mas lumalim pa ang aming pagsasamahan. Kagaya ng dati, wala mang lebel ang relasyon namin ngunit tanging ang aming mga puso lang ang nag-uusap. Mutual Understanding, sabi nga. Pero lahat ng magagandang bagay ay may hangganan. At dahil sa nalalapit na pasukan ay kailangan kong muling lisanin ang lugar na hindi ko inaasahang magbibigay sa akin ng madaming magagandang alaala.


Hapon iyon at katulad ng mga nakaraang araw ay nasa Lake Cabin kami ni Angelo.


"Paano Angelo? Aalis na kami ah?" Kinagat ko ang labi upang mapigil ang pag-iyak. Masyadong mabigat sa dibdib ang sitwasyon. Pakiramdam ko'y hindi na kami magkikita pa.

"Mag-iingat ka doon, Yna. 'Wag mo sana pabayaan ang sarili mo. Lalo na ngayong mawawala ako sa tabi mo." Napangiti na lang ako ng mapait at dahan-dahang tumango.


Pumihit ako ng patalikod upang bumalik na sa Main House nang biglang hilain akong muli ni Angelo, dahilan upang mapaharap sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko.


Hinahalikan na naman ako ni Angelo!


"Mahal na mahal kita, Yna. Nandito lang ako. Maghihintay sa'yo." Pagsasalita niyang muli bago ako pinakawalan at ngumiti sa akin.


Bigla-bigla ay nabuhayan ako.

Aalis man ako ngayon, alam kong may babalikan pa ako rin ako pagdating ng tamang panahon.

Hihintayin ako ni Angelo. Hihintayin niya ako!


"Boooo!"

POLS1: Their PROMISE of FOREVER [Inspired by: Pangako Sa'yo - KathNiel Remake]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon