Chapter 13

387 8 4
                                    

Abby's Note: As promised, here's you dedication Atey :) I was just expecting for you to vote my story but then you also read and leave comments which makes it more than enough. Thankies Atey for appreciating #TPOF. This Chappy is for you. Enjoy Reading. Love Lots. :">

--------------------------

Chapter Thirteen

Girls' Day Out



PROTESTA. Ang unang salitang gustong sabihin ng aking bibig. Gusto kong magprotesta nang sabihin ni Lola na si Angelo ang magiging personal bodyguard ko habang nasa Villa Kristina ako. Alam kong wala pa ako sa legal age at tanggap ko ang pag-bi-baby nina Mommy at Lola ngunit, ang katotohanang isang manyak ang magbabantay sa akin ang hindi ko matanggap.

Napabuntong-hininga ako. Simula kasi ng sabihin ni Lola ang tungkol doon ay sumakit ang ulo ko sa kaiisip.


Kung sino pa ang kinakaayawan mo, siya pa ang mapupunta sa'yo.


Pssh! Why Life is so ironic? Ugh! Napasabunot na lang ako ng buhok sa kaiisip sa kwarto ko. Pagulong-gulong na ako at pinipilit matulog ngunit hindi ko magawa.


Bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng makasama, eh siya pa?


Hay! Ano pa nga ba ang magagawa ko? Mukhang desidido naman talaga kasi ang Lola ko sa sinabi niya kanina sa garden.

Isa na namang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Hindi ko alam kung paano at anong oras na nakatulugan ko ang pag-iisip.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil sa pagpasok ni Mommy sa kwarto ko para sabihing may lakad kaming tatlo -- kasama si Lola. Girls' Day Out daw! Na-excite naman ako sa idea! We'll be touring around the city together. Kung sino pa ang ibang sasama ay hindi ko na alam.

Dali-dali akong nagbihis at ginawa ang lagi kong nakakasanayan sa umaga. Pagkatapos kong gawin ang Morning Rituals ko ay agad akong bumaba, only to find out na nasa sala na pala sina Mommy at Lola. Marahil ay hinihintay ako. Sana lang ay hindi sila natagalan sa paghihintay.

Nilingon ako ni Mommy nang maramdaman ang presensya kong papalapit sa kanila. Dahil sa ginawa niya ay bahagyang pumihit din paharap sa akin si Lola at ngumiti.


"Good Morning po!" Nakangiting pagbati ko sa kanila bago kinintalan ng halik ang dalawa.


Sabay-sabay kaming lumabas ng main house at nakita ang kotseng naghihintay sa amin. Kulay Black ang kotseng iyon at kung hindi ako nagkakamali ay Hilux ang tawag doon.


"Sa Antonio's, Hijo. Hindi pa nakakain ng almusal ang apo ko." Si Lola Anna ang unang nagsalita pagsakay namin sa kotse.


Nasa tabi ako ng driver umupo habang sina Mommy at Lola ay magkatabi sa likod. Abala ako sa pagtingin ng cellphone sa bag ko kaya hindi ko nakikita kung sino ang magiging driver namin. Hindi ko na sana titingnan pa ang nasa bandang kaliwa ko, kung hindi lang nagsalita ito.


"Okay po, Lola Anna." Malumanay ang pagkakasabi ng pangungusap na iyon ngunit hindi ako maaring magkamali.

POLS1: Their PROMISE of FOREVER [Inspired by: Pangako Sa'yo - KathNiel Remake]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon