Chapter 28

250 8 0
                                    

Chapter Twenty-Eight

My Escort



NASA verandah ako ng bahay nang gabing iyon. Tinatanaw ko ang mga iba't-ibang nangyayari sa garden ng aming mansyon. Naroon ang mga kasambahay na abala sa pag-aasikaso ng mga bisita na sa tingin ko ay kanina pa naghihintay sa aking pagdating.


"You ready?" Isang tanong ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Masyado kasing malalim ang mga iniisip ko kung kaya't hindi ko na namalayan ang mga nangyayari sa paligid.


Today is my eighteenth birthday party. Sa aming bahay na kung tawagin ng iba ay 'Fortalejo's Mansion' gaganapin ang nasabing pagdiriwang.

I look around the place and see how it was themed according to what my Mommy Katrinelle wants - as somewhat 'Vintage Pink'. Being the fashion analyst that she is, she wants it to be in a classic style yet beautiful.

At syempre, dahil mahal ko ang Mommy ko, okay sa akin ang naging desisyon niya. I trust her taste. Famous Katrinelle 'yan eh! Magrereklamo pa ba ako?

Tiningnan ko muna si Mommy Katrinelle na katabi ko na pala dito sa verandah at katulad ko ay nakamasid na rin sa mga nangyayari sa baba.


"I think so?" Patanong na sagot ko kay Mommy.


Ngayon ay marami ang inanyayahang media na dahilan kung bakit hindi masyadong maganda ang pakiramdam ko. Maliban kasi sa hindi na pupunta ang isang taong gusto kong pumunta, eh hindi rin ako sanay sa ganito. I was kinda sad and nervous at the same time.

Buong buhay ko ay wala namang ganitong kaganapan kapag kaarawan ko. Iba na nga lang ang nangyayari ngayon. Natanong ko naman ang parents ko tungkol dito. Tanging ang pagiging 'kaisa-isang tagapagmana ng mga Fortalejos' ko ang nasabi nilang dahilan. Karapatan ko raw ang ipakilala sa lahat lalo pa't nasa legal age na ako.

Napansin ko ang mga mata niyang nag-aalala nang sabihin ko iyon. Napahinga naman ako ng malalim bago nagsalita muli.


"I'm a little bit nervous, Mom." Pagtatapat ko. Iyon kasi ang totoo. Kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari mamaya.


Paano kung magkamali ako? Paano kung hindi ko magawa ng tama? Ano na lang ang sasabihin ng iba?


Ngumiti muna si Mommy at hinawakan ang magkabilang balikat.


"Don't be. It's your day, Baby. Happy Birthday." Bati niyang nagpangiti sa akin.


True to what my Mommy had said, today was supposed to be my happy day since it's my birthday. 'Yun nga lang ay hindi ko magawa. Pinipilit ko naman na maging okay ngunit lalo lang nadadagdagan ang kaba ko.

Niyakap ako ni Mommy at marahang hinahaplos-haplos ang likod ko. Napapikit ako.


Her simple gesture was enough to take my fears away.


Kumawala si Mommy sa yakap naming dalawa at tinitigan akong mabuti.


POLS1: Their PROMISE of FOREVER [Inspired by: Pangako Sa'yo - KathNiel Remake]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon