Chapter 27

254 8 4
                                    

Chapter Twenty-Seven

He's Courting Me


"SOMEDAY, I'll find the courage to look into your eyes and will realize that what I've felt for you before was not in my heart anymore."


Napangiti ako sa isang realisasyon na 'yun. Kanina habang nakikita ko si Kendrix kasama ang isang babae naging espesyal sa puso niya na si Nathalie ay narealize kong wala na. Wala na akong nararamdaman para sa kanya!

Hindi ko alam kung masyado bang mabilis para sa 'three month rule' na pagmo-move on. To think that, I've only spent two months at the Villa Kristina for my Moving On Process.

Selos man para sa kanilang dalawa o galit para sa kataksilang ginawa niya sa akin noon ay wala na akong maramdamang hinanakit sa puso ko. Siguro ay effective nga ang distansya at oras na inilaan ko para makapag-move on. And I must say that I've succeeded. No hard feelings!

Kasalukuyan akong naglalakad kasama si Jillian. Sasabay kasi siya pauwi at ngayon nga'y papunta na sa parking lot. Doon kasi naghihintay si Kuya Carlos na s'yang maghahatid sa amin pauwi.

Simula nang makita naming may kasamang iba si Kendrix ay kanina pa rin naiinis ang best friend ko. Ni hindi na nga natigil sa pananalita at kung anu-anong death threaths na rin ang lumalabas sa bibig niya. Natatawa na lang ako. Hindi ko nga matintindihan kung bakit masyadong OA ang reaksyon ng best friend kong Jillian. To think na ako ang niloko. Pero sa ngayon, mukhang siya pa ang hindi makapag-move on.


"Seriously Jillian, stop with the ranting. Okay na! Wala na akong nararamdaman para sa kanya." Napangiti ako nang sabihin ko iyon kay Jillian. Muli kong naalala ang reyalisasyon na iyon.

"Ugh! Just .. ang kapal lang talaga kasi ng mukha niya. Siya na ang nanloko sa'yo tapos siya pa ang may ganang magdala ng hitad kanina?" Napatawa na ako ng malakas. Naloka naman kasi ako sa term na ginamit niya.


'HITAD' talaga? Pfft.


"Bestie, okay na nga! No hard feelings na nga eh. Ano ka ba? Sa ating dalawa, ikaw na lang ang hindi pa nakakapag-move on." Sabi ko sa kanya makalipas ang ilang sandali dahil sa pagtawa. Nanatili akong nakangiti. Ayaw kong kung anu-ano pa ang iniisip ng best friend ko.


I want her to think that I'm fine. And, I'm better than ever!


Ilang sandali na ang lumipas nang mapansin kong hindi na nakapagsalita pa si Jillian. Napawi ang kaninang pagkakangiti ko at matalim na tiningnan siya. Nakita kong napanganga na lang siya.


"Nasa Mt. Olympus ba tayo?" Tanong niya. Napaharap na ako sa kanya.

"Ha?" Ano ba ang pinagsasabi nito?

"May Greek God kasi eh!" Doon na napakunot ang noo ko.


Greek God? Nagpapatawa ba siya?


Sinundan ko ang mga tingin ni Jillian at ganoon na lang din ang panlalaki ng mga mata ko nang mapagsino ang lalaking tinutukoy niyang 'Greek God'.

POLS1: Their PROMISE of FOREVER [Inspired by: Pangako Sa'yo - KathNiel Remake]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon