Chapter 4

502 12 2
                                    

Chapter Four

That Picture



MAAGA akong nagising kahit wala naman akong pasok ngayong araw na 'to. Kinapa ko ang cellphone sa bedside table ko at nakakita ng isang 'Good Morning' message mula kay Kendrix. Pagkatapos kung reply-an ay agad akong nag-ayos ng sarili bago bumaba para makapag-breakfast. Naabutan ko pa si Mommy na kumakain mag-isa. Siguro ay nauna na si Daddy dahil sa trabaho sa kompanya.


"Hi Mom. Good Morning." Bati ko sa kanya bago kinintalan ng halik ang pisngi ni Mommy.

"Good Morning Baby. Ang aga mo ata nagising ngayon?" Tumaas ang isang kilay ni Mommy habang nakangiti. Halatang inaasar niya ako. Napangiti na rin ako. Ngayon kasi ang dating nila Kendrix galing Cebu. Hindi ko pa naman siya napapakilala bilang boyfriend ko ngunit pakiramdam ko ay may alam na si Mommy. Maybe it's her Mother's Instinct.

"It's nothing Mom." Napatawa ako ng konti. "Anyway, where's Dad?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Oh He's probably on the office right now. May foreign investor kasi na darating ngayon and he'll be having a breakfast meeting with them." Sabi ni Mommy. Napatango na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

"Mom .. Can I go to Daddy's office today?" Tanong ko kay Mommy maya-maya.

"Why? Don't you have any classes for today?" Pagbabalik tanong sa akin ni Mommy.

"No classes for today, Mom. And besides, I don't wanna stay in this house for the whole day. Might as well visit the company. Doon din naman ako magtatrabaho in the future, right?" Pagdadahilan ko kay Mommy. Totoo naman kasi 'yun kaya nga Business Management ang course na kinuha ko ngayon dahil ako na rin ang magmamana ng businesses ng mga Fortalejo.

"Alright baby! Seems you're very interested, huh? I'll just drop you by your Dad's Office before I go to work." Nakangiting sabi ni Mommy.


Tinapos ko na ang pagkain ng breakfast ko bago umakyat sa kwarto para gawin ang morning rituals ko. Mahigit isang oras akong nasa kwarto dahil sa pag-aayos ng sarili.

Pagbaba ko ay nakita ko na si Mommy na naghihintay habang nagbabasa ng fashion magazine.


"Ready to go, Mom." Pagkukuha ko ng atensyon niya.

"Alright. Let's go." Hinintay ko na lang si Mommy sa labas ng bahay habang kinukuha niya pa ang kotse sa garage.

Maya-maya ay nailabas na ang kotse at agad akong sumakay sa passenger seat.


Nagkukwentuhan kami habang tinatahak ang daan papuntang kompanya. Paminsan-minsa'y nagtatanong si Mommy about school and other stuffs. Sinasagot ko lang naman siya. Ito ang gusto ko sa pagiging parents nina Mommy and Daddy. Dahil kahit busy sila sa work, they always find time to have a small talk with me especially when it comes to my personal life. Hindi ko naman iniisip na invading of privacy iyon. Because for me, it's just a part of them -- being my Mom and Dad.

Hininto muna ni Mommy ang kotse nang nag-red ang stop light. Tumunog ang cellphone ko at nakakita ng isa namang text galing kay Jillian. Tumaas ang kilay ko. Bakit kaya?


-- Bestieeeee! Samahan mo 'ko sa mall ngayon. Please? -- Bungad sa akin ni Jillian sa text niya. Mall na naman? Wala talagang kasawaan ang bestfriend kong ito sa Mall. Parang nakaraan lang ay nasa Mall din kami.

POLS1: Their PROMISE of FOREVER [Inspired by: Pangako Sa'yo - KathNiel Remake]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon