Chapter 19

288 11 4
                                    

Abby's Note: Here's an update for today! :') I'll have Chapter 19 posted because I was so overwhelmed with the fact that three biggest fandoms in the Philippines are uniting in one stage! Have you, Lovies watched #ShowtimeKapamilyaDay? :D Great right? KathNiel with Jadine and LizQuen. May the UNITY between the three of us, last until the end of time. :) Fandoms Peace! \(^_^)/

Anyway, this Chapter is dedicated to Her. I really don't know her in person or even in social networking sites yet, I feel like dedicating this chapter to Her. Because, everytime I'm posting an update, she keeps on voting the chapters I've posted. And with that, I truly appreciated it! Thankies Loves. :* Here's for you. Happy Reading! :)

----------------------

Chapter Nineteen

Start All Over



"YOU see, Kathryna. You had forgotten the past because when you were a kid, you have suffered a very traumatic experience. You were kidnapped, baby. And, I'm Sorry."


Para akong tinakasan ng dugo sa buong katawan ng marinig ko ang sinabi ni Lola Anna. Kinakabahan ako ngunit hindi ako makapaniwala. Ayaw kong maniwala!


"A-ano? Pa-paano pong nangyaring iyon, Lola?" Tanong ko makaraan ang ilang sandali.


Hindi pa ako nakakabawi sa unang sinabi ni Lola Anna ngunit hindi ko akalaing may mas nakakagulat pa pala sa sinabi niya sa akin.


"When you were eight years old, you had your first vacation here in Villa Kristina. Kagaya ng mga naaalala mo, si Angelo ang naging kasa-kasama mo sa pagbabakasyon mo dito. Hindi na rin naman kasi nalalayo ang edad niyo sa isa't-isa. Dalawang taon lang ang tanda niya sa'yo. Hindi mo man nasasabi sa Mommy at Daddy mo ang namumuong mas malalim na pagsasamahan sa pagitan niyo ni Angelo, alam ko naman 'yun, Hija --" Agad kong pinutol ang sasabihin ni Lola Anna sa narinig.

"Oh My! Naikwento ko po 'yun sa inyo?" Napatakip ako ng bibig sa narealize.


Maari nga bang nasabi ko? Shems!


"Hindi, Hija. 'Wag kang mag-alala. Wala kang nasabi sa akin. Pero si Angelo, meron." Binigyan ako ni Lola Anna ng isang nakakalokong tingin at ngiti. Alam kong matagal na iyon pero hindi ko pa rin maiwasang mahiya. Napatakip na lang ako ng mukha gamit ang dalawang palad ko.

"Kathryna ... Matagal na iyon pero nahihiya ka pa rin?" Tumawa si Lola Anna pagkasabi niya noon. Para bang tuwang-tuwa siya habang sinasabi 'yun.


Lola Anna Talaga! Tama bang asarin pa ako lalo? Hmp.


"Eh kasi naman Lola. Pwede skip na lang po doon?" Muling tumawa ng mahina si Lola Anna sa tanong ko ngunit tumango naman pagkatapos.

"Oo na. Sige na Kathryna. Skip na ni Lola. Bata talagang 'to!" Saglit na huminto muna si Lola Anna sa pagsasalita bago muling nagpatuloy.

"You enjoyed staying here at my Villa. Everything was fine until that one fateful day happened. You were already thirteen years old when you were kidnapped. You were also thirteen years old when your father, Edward had his major break in business. Magaling ang Daddy mo when it comes to business pero iba ang break ang tinutukoy ko. Nakuha niya ang isang international partnership na matagal ng pinag-aagawan sa business industry. Ayon pa sa mga inpormasyong nakuha, isa sa mga business rivals ng Daddy mo ang nagbayad upang ma-kidnap ka. Hindi ko na alam ang nangyrai pagkatapos noon but the only thing I knew is that, after that incident ... eh wala ka ng maalala. Your doctor once said that you had suffered a traumatic experience that led for you to have anterograde amnesia. Wala ka nang matandaan sa nakaraan bago mangyari ang insidente. And that made you forget everything in the past .. even Angelo!"

POLS1: Their PROMISE of FOREVER [Inspired by: Pangako Sa'yo - KathNiel Remake]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon