Chapter 16

333 8 1
                                    

Abby's Note: BELATED HAPPY BIRTHDAY TO ME! \(^_^)/

A Big 'THANKIES' for all the gifts, greetings and messages -- may it be in advance, on time, and late -- through Text Messages, Facebook, Twitter and Personal talks. You Lovies, made my day really special. Lots of Love with Hugs and Kisses sent. <3 

Here's my late gift for you, loves! Happy Reading! :*  

September 08 is Love. :"> 

------------------------

Chapter Sixteen

That Dream



NAGISING ako kinabukasan nang madilim pa ang paligid. Hindi ko alam kung saan ako papunta ngunit patuloy lamang ako sa paglakad.

Narating ko ang isang bahay sa tabi ng ilog. Napansin kong unti-unting lumiwanag ang nasa paligid ko. Mas nakikita ko na ang bahay na kung hindi ako nagkakamali ay ang pinagdalhan sa akin ni Angelo. Kitang-kita ko ang kaibahan nito sa istruktura ng bahay sa ngayon. Mahahalatang may kalumaan na ito kesa sa kasalukuyang nakita ko ito.

Pumasok ako sa loob ng bahay at binuksan ang ilaw. Naging mas malinaw sa aking paningin ang lahat ng naabot ng aking mga mata. Hindi man ganoon kaganda kung titingnan sa labas ngunit tila nasisiyahan naman ang aking mga mata sa nakikita nito sa loob ng bahay.

Patuloy lang ako sa pagmamasid ng kabuuan ng bahay nang may di sinasadyang nakaagaw ng atensyon ko. Dalawang bata sa sofa ang nakaupo. Isang batang lalaki at isang batang babae. Mukhang nasa edad na walo hanggang sampu ang dalawa. Hindi nalalayo sa isa't-isa. Tahimik lang silang dalawa at nakatalikod sa pwestong kinatatayuan ko. Napangiti ako habang patuloy na nagmamasid sa kanila. Nakapwesto sa bandang balikat ang ulo ng babaeng bata habang nakaakbay naman ang batang lalaki sa kanya. Hindi ko alam ngunit ramdam kong magaan ang loob ko sa kanila kahit na hindi ko pa sila nakikita ng harapan.

Nabasag ang kaninang namamayaning katahimikan nang magsalita ang isa sa kanila.


"Alam mo sabi nina Mommy at Daddy, dito na lang daw muna ako." Ang batang babae ang unang nagsalita sa kanilang dalawa. Tumingin siya sa batang lalaki at ngumiti.

"Talaga? Pero di ba may bahay naman kayo sa Maynila?" Tanong ng batang lalaki sa kanya. Nakangiti na rin ang batang lalaki ngunit halata sa huli ang pagtataka.

"Bakit? Ayaw mo bang dito ako?" Ibinalik ng batang babae ang tanong sa lalaki. Paunti-unti kong naririnig ang paghikbi niya habang nakakagat ang ibabang labi, hudyat na anumang oras ay iiyak na siya.

"Yna .. Hindi naman sa ganoon 'yun!" Pag-aalo ng batang babae at agad na niyakap ito bago pa tuluyang umiyak.

"Eh ano ba dapat?" Nag-pout pa ito.

"Ang sa akin lang, di ba doon naman kayo nakatira? Bakit magpapaiwan ka pa? Ayaw mo ba sa siyudad? Maganda naman doon ah!" Pagdadahilan ng batang lalaki.

"Oo nga. Pero ayaw ko pa rin doon. Dito na lang ako kay Lola. Wala namang may gusto sa akin doon eh! Ayaw nila sa akin." Napayuko ito bigla. Bigla akong nakaramdam ng awa. Napahawak ako sa bahagi kung saan ang puso ko. Nakakalungkot!

"Ako gusto kita ..." Ani ng batang lalaki at hinila papalapit ang batang babae. Niyakap niya ito na parang sinasabi na magiging okay lang lahat at hindi siya nag-iisa.


Ngunit, biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang pangalang hindi ko inaasahang sasabihin ng batang babae.

POLS1: Their PROMISE of FOREVER [Inspired by: Pangako Sa'yo - KathNiel Remake]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon