Chapter 39

5.7K 96 3
                                    

Bea POV

"Bei, tulala ka dyan?" si Maki nagtatanong.

Nakaupo lang ako and leans my hand to
my cheek.

"Wala pa kasi si Jhow kaya nagkakaganyan 'yan..Wala pa ngang tatlong oras, namimiss niya agad ang girlpren niya." si ate Ella.

Hindi ko sila pinansin. Nakatutok lang ang mga mata ko sa pintuan at nag-aantay na iluwa si Jho doon.

"Matatagalan pa siguro yon bei. Alam mo namang duty sya ngayon kasama ang groupmates niya."

Kung bakit ba kasi hindi kami magkasunod ng apelyido. Ayan tuloy, we're not groupmates. Ngayon pa lang gusto ko na syang pakasalan agad para magiging De Leon na sya.

Ang nakakairita pa group pa niya si Benjie, ang unggoy na 'yon! Naku! At nadadagdagan pa kami ng isa dahil sumasama na si unggoy sa'min. Halos mamatay na ako sa selos, at ni ayaw kong hayaang magkausap ang dalawa.

Hindi na ako makapagpigil kaya tumayo na ako at lumabas para hintayin sya sa gate.

"Hoy, De Leon! Kalma ka nga! Babalik din dito si Jho! Mabuti pa'y bumili ka na lang ng lunch natin para sa pagdating ni Jho, ay pwede na tayong kumain." si ate Ella.

Oo nga pala, I have to buy food pa dahil siguradong pagdating nya ay nagugutom na 'yon.

I went to the canteen to buy lunch for us. Ang taas ng pila since 12 noon na, lunch time na kasi. Medyo matatagalan pa ako dito. Hindi ko man lang nadala ang phone ko at baka nagtetext na si Jho sa'kin.

"Hi, Miss. Ang ganda mo sobra. Can I get your number." sabi ng babae na kumalabit sa'kin.

Nilingon ko sya. Nakangiti lang ito ng malaki sa'kin at agad hinawakan ang baywang ko.

"I'll give you my number if you give me your heart." I grinned.

Sanay na akong pinaprank nya ako minsan.

"Matagal mo ng kinuha ang puso ko. Kahit hindi pa to prepared, ninakaw mo na." ngiting sabi niya.

"Dunno na marunong ka na palang bumabanat, beh. How did you find me pala?"

"Syempre. Saan pa ako matututo kundi sa girlfriend ko lang naman."

"And my heart knows where you are, beh. May gps ka na kasi dito." sabi niya sabay turo sa puso niya while her other hand still wrapped around my waist.

"Hmmn. Really.. So pwede na ba nating gawin ang hindi pa natin nagawa, Jho." I teased and she blushed.

She knows what I mean. I always teased her about it at baka lang naman bibigay sya diba.

"Ang manyak mo, beh. Walang pinipiling time yang utak mo." ngiting sabi pa din niya at nagbackhug na sa'kin.

"Sa'yo lang naman."ganting ngiti ko sa kanya.

While we were on the line, napansin kong ang sama ng titig ng nakasunod sa'min. I even heard them back talking us about being so gay and malandi at sa harap pa nila. Alam ko ding napansin iyon ni Jho, but she didn't give a damn at mas hinigpitan pa niya ang pagkayakap sa'kin. See, how Jho become proud of us!

Hinawakan ko naman ang dalawang kamay na nakapulupot sa'kin. Ganuon lang kami hanggang sa nag-order na kami. Natagalan kami sa paghintay sa inorder namin dahil as usual dalawa silang malakas kumain kaya we have to order more than 5 people. Five, dahil kasali na si unggoy.

Pagdating namin ng room ay nandoon na ang tatlo at nagkukulitan. Hindi na ako magtataka at si unggoy na naman ang binubully ng dalawa.

"Where's mine, Bei?" Tanong ni unggoy after kong dinistribute ang pagkain.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon