Chapter 28

5K 107 0
                                    

Jho POV

Nakasakay na ako ng bus pabalik ng Batangas. Hindi ko maiwasang hindi lumuwas ng Maynila dahil sa sinabi ni Bea last time.

(Flashback)

Habang si Bea ay nauna na sa taas, nandito pa din ako sa loob ng kotse. Kinuha ko ang aking cellphone at tumawag kay Marci para sunduin ako. Gusto kong iwasan si Bea ngayon dahil alam ko sa sarili kong hindi ako makakapagpigil na sigawan sya sa ikinikilos niya ngayon.

Alam kong wala na akong choice kundi ang tawagan si Marci para ilayo ako rito. Nabibwisit ako sa kanya at dinala niya pa ako rito imbis na si Marci ang kikitain ko.

"Hello, Marci. Uhm, kasi may nangyari."
"Pwede bang sunduin mo ako dito sa....."

Naputol ang pagtawag ko dahil agad ito kinuha ni Bea na mas lalong ikinagalit ko at lumabas sa kotse.

"Ba't mo tinapon yon? It's my phone! Importante yon sa'kin!"

"More important than this place you love to visit?" galit na din na sigaw niya.

Pinipigilan ko ang magalit sa kanya pero wala na, nabibwisit na ako sa kanya!

"Yes!"

Para siyang bata kung umasta. Ni hindi ko maintindihan kung bakit nagawa niya 'yon! Cellphone ko pa ang tinapon! Kakabili lang ni papa 'yon sa'kin! Kaasar!

Naglakad na ako papalayo sa kanya. Pigil ka lang self! Hinga ng malalim.

"Where do you think you're going?"

Malakas ang pagkakahawak niya sa braso ko. Nalimutan kong kailangan kong magpigil ng galit sa ginawa niya.

"Let go! Ayokong makita yang pagmumukha mo!"

See? Kaya ayokong magalit dahil hindi ko na kontrolado ang anumang pwede kong sabihin.

Nagulat ako sa ginawa niya nang binuhat niya ako na parang wala lang at inilagay sa balikat niya. Naglakad na siya papuntang taas. Nagpupumiglas ako pero no epek sa kanya. Tingnan ko lang kung di ka mapapagod nyan!

Nakarating kami sa tuktok at sobrang hiya ang nararamdaman ko ngayon dahil pinagtitinginan kami ng mga tao. Hindi na ako nagsalita at pumasok na lang sa loob. Hinila nya ako sa isang table na may mga pagkaing nakahain. Mga paborito ko 'yon pero nakakawala ng gana dahil sa kaharap ko ngayon. Bwisit! Gutom na ako pero hindi ko man lang magawang kumain!

Nakatingin lang ako sa labas dahil ayaw ko siyang tingnan at tingnan ang mga pagkain. Narinig kong tinawag niya ako at hindi ko pinansin 'yon. Tumayo na ako at lumabas baka sakaling maging kalmado ako 'pag nakikita ko ang view sa labas. Mabuti na lang at hindi niya ako pinigilan kung hindi, mag-aaway talaga kami rito!

" Jho.. I'm sorry. "

Nakasunod na pala ito sa'kin. Iba talaga 'pag mahaba ang biyas!

" Ba't mo ginawa yon? "

Akala ko kalmado na ako pero hindi pala.

"I'm sorry."

Leche! Sawang-sawa na ako sa sorry niya lalo na't nakikita ko ang maamo niyang mukha, nadadala akong patawarin agad sya.

"Sorry na naman! Mababalik ba ang phone ko sa sorry mo?!"

"You should not have brought me here! You should not have come with me!"

Ayan wala na, nasabi ko na at alam kong nasasaktan siya base sa lungkot na nakita ko sa kanya.

"At ano? Hahayaan lang kitang makipagkita sa gagong 'yon?!"

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon