Chapter 1

18.1K 171 4
                                    

Bea POV

"Beh, we have a new transferee!" Pasigaw na sabi ng bestfriend kong si Maki.

"Leche naman maks, oh! 'wag ka ngang sumigaw dyan, nabibingi ako sayo!" saad ko sa kanya at sumubo ulit ng pagkain.

Speaking of pagkain, nasa canteen lang naman kami kumakain ng lunch habang itong katabi ko sobrang daldal at chismosa nya promise at minsan napapatanong ako kung bakit naging bff ko tong mokong nato.

"Ahy, sorry beh. Pero beh, may new transferee nga sa school natin at classmate din natin sya at sobrang ganda nya, promise!"

Bigla naman akong naexcite sa sinabi nya. Syempre pretty daw eh. Right, tama nga narinig nyo! I'm into girls. I'm not a lipstick bisexual nor a butch. I'm just a simple me who prefers wearing converse and jeans and prefers pretty girls! Joke, mas naaattract lang naman sa magaganda. At itong katabi ko, tibo din at chix din ang hanap. Now I know why we're bffs, nasa same shipment pala kami.

"Beatriz, are you listening ba? Yong mukha mo parang manyak, nakarinig ka lang ng magandang babae, ganyan ka na. Paano na lang kaya kung makikita mo sya?"

"Friend, kaya nga bff tayo dahil mas manyak ka?" biro ko sa kanya.

"Ewww. Mas manyak ka bruh! Pero beh, she's actually pretty. Lahat ata ng kaklase natin nagkacrush sa kanya.

"Hmmmn.." ganti ko sa sinabi nya sabay lamon sa natitira kong pagkain.

"'Wag ka kasing palaging absent para di ka naman mahuhuli sa balita. I'm sure vitamin see mo yan sa mata!"

Mas lalo tuloy akong naeexcite sa sinabi nya. Bihira lang kasi kaming makakita ng chix sa school, kung meron man sigurado nasa kanyang kanya class rooms lang nila yon.
"Makz, let's go! May klase tayo diba?"

"Hahahaha! I knew it, I got you beh! Mas manyak ka kesa sa'kin."

Huling huli nya talaga ako. Para san pa yong pagiging bffs kung di nya ako kilala. I can't even keep a secret to her.

Bumalik na kami sa room after lunch pero di pa din nauubusan ng laway tong katabi ko. Madaldal lang si Maki pag break time or kaya walang class. I'm proud to say that my bff is smart with beauty and brain pa. We're 2nd year medical students and we're both 22 years old. Med students nga kami. (ayaw nyo atang maniwala guythz?)

Maki and I were very different. She's very passionate with her studies while me, siguro hindi pa masyado. I always ditch classes and go home just to watch movies or sleep or study. Depende lang sa mood. Sabi nila I'm smart kaya nga lang lazy at palaging nag-aabsent. Okay lang hitsura ko. Sabi ko nga simple and ordinary but irresistible! Ano ha? I'm boasting to boost up confidence lang naman. haha.

Dumating na ang Prof namin para maglecture. Samantalang ako, I'm roaming my eyes sa pretty girl na sinasabi ni bff. Di ako nakatiis kaya kinalabit ko c Mak.

"Makz, where's the girl?" I hissed.
Tiningnan lang nya ako ng matalim. Ibig sabihin nyan ayaw nyang madisturbo. Oh, ayan,ganyan sya ka bipolar guyth.
Wala akong magawa kundi makinig na lang sa prof.

While listening to the lecture, bigla na lang bumukas ang door. Iniluwa nito ang babae. Sobrang babae nya. I mean, she's so pretty! Simple lang naman ang suot nyang tshirt at fitted jeans pero still I couldn't even take my eyes off of her. Feeling ko tuloy nagslow motion ang oras at parang mabibilang ko na ang mahaba nyang buhok. Char lang! (Exaj lang ako at hindi ako na love at first sight.)

Tumingin ang prof namin sa kanya. "And you are?"

"I'm Jhoana Louisse Maraguinot, doc from Lipa Batangas." sabi nya naghahabol ng hininga.

Shet na malagkit! Ang ganda ng boses nya!

"Okay, you may sit down." sabi ng prof namin. Ganyan sa school namin, hindi magmamatter ang attendance at late as long as mapapasa mo ang exams.

"Here! You may sit down beside me!" I said while grinning. Wait? What? sinabi ko yon?
Ba't sobrang dali ata.

"Ahem. Galawang Beadel na naman. Hinay hinay lang beh." Si maki nagsalita.

Binaliwala ko lang sinabi nya dahil nakatutok pa din ako sa nakatayong babae.
Nakakunot ang noo niya. Ba't parang di sya masayang may nag-offer ng seat sa kanya?
Wala syang nagawa kundi umupo sa tabi ko. Nakakunot pa din ang noo nya at di man lang ako nilingon. Wa epek pagpapacute ko sa kanya.

"Beh, para kang baliw nakangiti pa din. Wag kang pahalata masyado, ayokong may friend na baliw." Maks whispered.

Doon ko lang narealize na nakangiti pa din ako sa kanya. Ano ba yan, turn off na agad.
At since makulit ako, kinalabit ko sya.

"Pssst. What's your name? From what school are you?"

Di nya ako sinagot. Nakatutok lang sya sa lecture as if naman nakikinig, di nga nagjojot down ng notes. Char lang. Ang snob naman ni crush. Yes, crush ko na agad sya. Ang ganda kaya nya.

"Kung di ka lang maganda who you ka talaga sa kin." I murmured.

Wa epek pa rin sa kanya. Ano ba yan, akala ko pa naman may makakausap na ako sa room. I thought wrong pala. Parang napagitnaan na lang tuloy ako ng dalawang bato dito.

After class dismissal, agad tumayo si crush para umalis. but before she could do that I held her arm. I feel like being electrified from the attachment. It's new to me kaya nashock ako ng slight. She turned her head and glared at me. Kung nakakamatay lang ang tingin, nasa hospital na ako.

"H-hey y-you. I'm Bea De Leon! Nice to meet you." I said grinning pa din. At kailan ka pa nauutal?

"I'm Jho." tipid nyang sabi at umalis agad.

Parang nabunutan ako ng tinik doon. Akala ko susungitan na naman ako.
I smiled even wider when I heard her said it.

"Beh, seryoso baliw ka na? Nakakatakot kang maging ganyan."

Binaliwala ko lang ang sinabi nya. "Makz, you're so right.. She's really pretty."

"Sabi ko sayo eh.. Mga ganyang type kaya gusto mo sa babae katulad ni....."

"Tssssk. Di ah.. Tara na nga, ililibre kita ngayon dahil may tama ka. May tama sa pag-iisip.." Putol kong sabi at tumakbo.

"Leche ka beadel! Pasalamat ka at ililibre mo ko kundi, nakuuuu.. Hintayin mo ko uy!"

"I'll meet you at the parking lot!" at nagmamadaling umalis hindi para hanapin si Jho..Well, gusto ko naman pero ang laki ng campus madidrain lang energy ko. It's because I have to go to the library para isauli ko ang librong hiniram ko.
What a nice day!.

______________________________________________

Finals week namin at ngayon lang nagkamood magsulat.

So Into YouWhere stories live. Discover now